Monday, 11 March 2013

Byaheng Langit

Share
Nauna nang umalis si landlady-slash-landlord para tuntunin ang Spa. Nakamura kasi kami ng kalahating porsyento sa Swedish Massage and Ear Candling dahil sa voucher na nabili online from CashCashPinoy.com noong September 2012 pa.

Sa katunayan, expired na ang voucher last March 2 pa. Tinawagan na niya yung Spa, days before the expiration date. Kayalang dahil na din sa kabisihan ng aming mga schedule sa trabaho at iba pang mga gala, nakaligtaan na namin ang tungkol don. Nang sa wakas ay nagkatagpo-tagpo ang aming mga free days, napagpasyahan naming i-redeem na ang aming promo. Makailang beses syang tinawagan ni landlady-slash-landlord umaga palang pero walang sumasagot kaya napagpasyahan nyang hagilapin nalang ayon sa pagkakatanda niya sa pangalan ng lugar at direksyong nakuha niya nung huli syang tumawag.

Swerte naman ng loko at may napagtanungan syang drayber na familiar sa lugar kaya kahit hindi pa sya ang susunod na lalarga sa pila ay dun na sumakay ang aming lider, si landlady-slash-landlord. Habang nasa daan ay nakontak na daw niya yung staff. Ala-una pala ng hapon nagbubukas ang spa. Pagdating ng isa pa naming kasama, ang pinsan ni lider, naligo at nagbihis na ako para makasunod kami dun agad. Ala-una daw pala ang appointment time namin, pero for sure naman lampas na sa oras dumating si lider dun, plus waiting time pa aming dalawa.

Pero ayos lang kasi 5 minutes lang daw mula sa Trinoma jeep terminal to the meeting place e andon na kami. Bagong ligo pa naman ako ngunit sa alinsangan ng panahon, pakiramdam ko ay aalsa ako bilang isang pandesal o mammon kung tatagal pa ang pila ng kahit tatlong minuto lang. Napakainit kasi ng loob ng jeep na para kang nasa loob ng isang pugon or baking oven. (Syempre hindi ko pa naranasang makapasok sa pugon, lalo sa loob ng oven)

Pakiramdam ko ay umalis kami ng hindi namin alam ang aming patutunguhan. Ngayon pa namang hindi ako nakaregister ng unli-data kaya useless ang GPS capability ng aking smartphone. Pero mukang malinaw naman ang mga landmarks na binigay ni lider. Sa Petron daw na malapit sa Allied Bank at may ginagawang building, oops don't forget the fact na five minutes lang ang byahe. Feeling all-set naman kami. Di pa man kami nakakalampas ng Trinoma dahi sa siksikang mga sasakyan, tumawag samin si landlady-slash-landlord para mag-update. Ng masabi namin ang aming exactong lokasyon, muli nyang kinumpirma na malapit lang daw. Ok, relax mode.

Pagkaandar ng jeep, tutok ang aming mga mata sa paligid upang abangan ang mga landmarks. Ng may makitang Petron ang aking kasama, kumatok sya bubong ng jeep upang pumara ang drayber. Bumaba kami sa kalyeng nagliliyab sa init. Ang Petron ay nasa tawid pa. Saktong may construction sa tabi niya, pero ni wala pang building, more of dinimolish na building sya sa aking impression. Lingon dito at doon kami upang hanapin ang Allied Bank. Negative. Text kami kay lider. "Nasa Petron na kami, sa tapat ng Shell". Reply: "Shet, mali, wala akong nakikitang Shell dito". Alam mo na. Napaaga kami ng baba. Buti nalang at may traffic enforcer sa kantong yon, naka-vest kasi ng orange na parang sa MMDA. Tanong kami ng direksyon sa kanya na agad namang tumuro sa jeep na paparaan. Pagsakay palang namin ay tinanong na namin kung dadaan sa mga landmarks na binanggit namin, hindi daw kaya baba agad. Peke pala yung enforcer.

Pero kung 5 minutes lang talaga ang layo, malamang sa tagal ng stay namin sa jeep baka konting lakad nalang at makakarating na kami. Sa katirikan ng araw, nilakad namin ang karugtong ng kalye, mga 10-15 min siguro din yon hanggang sa pakinggan namin ang mga bulong sa aming tenga, magtanong daw kami. Sabi ng ale na nagtitinda nasa tamang direksyon naman daw kami, pero medyo malayo pa, ginatungan naman yun ng isang binatang napadaan na tsismoso pala. Madalang na ang jeep na may plakang katulad ng sinakyan namin kaya nung may dumaang FX, pinara na namin. Sakto namang dadaan daw sa lugar, sabi ng drayber mismo.

Habang nandon ay malakas ang aming usapan na kahit mga pasahero ay mukang nais na ding tumulong sa aming mala-National Treasure hunting adventure kaya ng may matapatan kaming Petron, turo naman si kuya sabay sabing, "Dito na kayo." Sang-ayon naman kami agad ng walang bahid ng kahit sangkusing na duda. May footbridge kaming tinawiran para makarating doon. Ngunit pagdating sa Petorn, ampotang Shell, lumitaw na naman sa tapat nito, just right across the street. Text kami kay lider uli. Nagdagdag pa sya ng landmarks, malapit daw sa ChinaBank at along Congressional Ave. at tapat ng One Stop Hardware. Lakad naman kami at sa tantya ko mga 10 minute pa din iyon sa gilid nang nagngangalit sa init na kalye. Ng may matanungan kami,  nagturo sya ng direksyon pabalik dahil lumampas daw kami.

Sumakay naman kami ng bus pabalik ngayon. Ng binanggit namin sa kundoktor ang pangalan ng avenida mukang hindi sya pamilyar. Buti nadinig ng drayber at sya na daw bahala. May mga nadaanan uli kaming Peton na may tapat na Shell pero dedma na lang. Ibinaba kami sa kayleng hinahanap daw namin. Sa kalalakad namin pabalik may nadaanan kaming ChinaBank sa wakas, tabi ng kung anu-anu pang Banks. Text uli kami kay lider, "Nasa Chinabank na kami pero wala ang ibang landmarks dito" and guess what, my Shell na naman sa di kalayuan, syempre may Petron din. Mukang mag-asawa ang dalawang gasolinahan na kung saan ang isa andun namang nakasunod ang isa.

Nawawalan na ako ng pag-asa at gusto ko ng bumalik pauwi at kumain nalang sa mall sa gutom ko. Nagpipilit ang kasama ko na try pa daw namin once again. Tumawid uli kami. This time taxi na ang aming pinara. Mukang may kaasiman ang muka ni kuya na kala mo eh malayo pa sa quota. Pero masmaasim ang amoy ng aming sa pawis at syempre, di ako magpapatalo sa asim ng attitude. Sa kakausap namin tungkol sa aming National Treasure Adventure, sumabat ang kuya at mukang sya na ang susi ng langit. Kabisado nya ang lugar. At tumutugma ang mga landmarks namin sa mga probing nya. This is it.

Ibinaba nga kami sa lugar at saktong tumawag naman ang aming magaling na lider. Paglingon ko ay nakita ko din sya.  Nakarating nga kami. At ang spa, Blue Elements, na nakapa-inviting sa photo ads sa internet, 1st floor pala ng ginagawa palang na gusali, ang isa sa mga landmarks.
Alas tres na kami nakarating.

Ang mga sumunod na pagyayari ay puro ginhawa naman. Bawat hagod ng mga masahista sa aking nanakit na kalamnan ay piraso ng langit.
Ngunit ang dapat na isa't kalahating oras na pagpapakasasa ay naging isang oras nalang dahil sa sobrang atrasado namin. May mga susunod na kasing mga kleyente.

Unang beses kong mapadpad sa lugar na yon at mukang wala naman akong balak bumalik. Oo wala akong balak pero kelangan. Naiwan ko sa cubicle hanger yung bluetooth headset ko na masmahal pa ang presyo sa ginastos sa buong session. Bangungot ba ito? Sana hindi maulit ang nagyari pagbalik ko doon.

By the way, yong natipid ko sa voucher ay halos katumbas na din nagastos sa pamasahe sa transpo sa pagpunta at pagbalik ko doon.

Sunday, 16 December 2012

Na-Block ang ATM ko!

Share

Na-Block ang ATM ko!


Maaga ang uwi ko ngayon. Hindi dahil sa day off at hindi din dahil sa weekend kasi. Yun ay dahil umabsent kasi ang katropa kong mahilig sa after-shift gala.


Walang kemi kong hinarurot ang pagrampa paterminal ng bus pauwi. Atat akong umuwi upang kalikutin ko ang bagon-bago kong susyaling napakaganda't kinanaiinggitan kong Cherry Mobile "Flare". Oo, bonggang-bongga ito. Nang makasakay ako at iniisa-isa na ng kundoktor ang mga bagong upo,  kinalkal ko na ang aking kayamanan sa bulsa ng pangmayaman kong bag. Hugot dito, hugot doon. Dukot dito, dukot doon. Paandar na ang bus nang matanggap ko sa sarili ko ang katotohaang hindi ko nararamdaman kahit hibla na aking mamahaling coin purse na naglalaman ng limpak-limpak na mamiso, tiglima, tigsampu at kung di ako nagkakamali ay may bilang na piraso ng mga bentyingko at tigdyis doon. Habang ang isa pang dekalibreng coin purse na kasama niya ay naglalaman lang ng walang kakwenta-kwentang 500 peso bill at tatlong 100 peso bills. Sa makatuwid,  ang kabuuang nilalaman lamang niya ay tumataginting na walong daang libong piso. Opo,  kasya yun sa isang dekalibreng coin purse,  pangako. Medyo may kabigatan din ang walet dahil laman din niya ang aking ATM na hindi pa bawas sa bagong pasok lamang na half of 13th month pay at makapal na mukang nakalamineyt sa aking voters ID.


Bago pa man makalayo ang bus,  nagdeklara na ako ng state of bankrupcy. Agad kong pinuntirya ang pinto ng bus palabas at lutang sa ere kong binaybay ang kahabaan ng EDSA Ortigas patungong North Ave. dahil wala akong pamasahe. Nang matisud ako sa nakausling tiles, naalimpungatan ako at napagtantong mula Robinsons Galleria to Eton Cyberpod lang pala ang aking nilakbay (for my readers abroad, it means across the street away). Blanko ang aking isip sa kung saan ko sisimulan ang pag-iimbistiga sa Kaso ng Nawawalang Pag-asa este coin purses (plural, dalawa e).


Sumakay ako ng elevator to 3rd floor papuntang locker room. Opo door-to-door maghatid ang elevator namen, hanggang locker talaga, pangako. Syempre chinek ko sa locker ko (alangang sa locker ng ka-opis ko) pero wala. Bumalik ako sa production floor at chinek isa-isa ang bawat station na ginalaan ko pero, maiba lang, wala pa din.


Ichinika ko na sa mga katrabaho kong nandon ang aking sinapit. Pinayuhan akong i-check sa pantry dahil doon kami huling galing o sa training room dahil don kami una bago sa pantry. Duda man ako ay nagbakasakali na rin ang lola mo (ako yun, syempre). Gaya ng inaasahan, wala din. Payo din ng mga concern citizen kong opis-mates na ireport ko na sa bangko dahil isang swipe lang sa malls ang katapat ng aking kayamanan. Nataranta naman ang lola mo habang 6:30am pa lamang at tiyak na wala pang mall sa Pilipinas ang bukas sa mga oras na iyon.


Nakitawag ako sa frontdesk phone pero wala silang number ng banko ko. Sinubukan ko sa ibabang floor at tagumpay,  nakatawag ako sa banko. Nakailang mura din ako habang naririndi sa pauli-ulit na tugtog ng hold music bago ko nakausap ang representative na umasikaso sa kaso ko.


Kung di ba naman kupal hinahanap ba naman ang aking account number na nakaimprinta malamang sa card kong nawawala. Kung mamalasin ka pa, down ang system na pang-pull up ng account by name. Habang chinichika ko sya para sa alternatibong paraan ng paghugot niya ng aking account swerteng gumana na ang kanyang system at binirepay na ang aking birthday, mother's maiden name at address. Nang mapatunayan ngang lihitimo ang aking pagkatao ay

tuluyan niya na akong inilagay sa hawak (put on hold) upang iproseso ang permanenteng pagkakansela ng aking ATM.


Habang gumigiling ako sa saliw ng tugtuging "UnionBank Hold Music", nauulinigan kong ibinu-broadcast ng ground floor DJ este guard and aking pangalan sa radyo ng front desk attendant. Tinawag ko ang atensiyon ng ate at sinabing ako yung binabanggit sa on-air pabati. Tiningnan niya ang aking ID at kinumpirmang tapat ang aking pagbubunyag. Natagpuan na pala ang aking mga nawawalang epektos slash kayaman sa Lunch Pod, yung kainan sa baba ng aming gusali kung saan ako nag-lunch bandang 2am-3am (tama, "lunch" yun sa madaling araw). Iyong fine dining na yun sana ang aking unang pupuntahan pagbalik ko sa building dahil doon ko laman huling naalala na hawak ko ang mga wallets ngunit nakapaskil na ang karatulang "Closed" sa pinto nito at walang makitang gumagalaw sa loob kaya dumiretcho na lang ako sa opis.


Hindi ko naman maiwan ang telepono dahil naeenjoy ko na ng tugtog ng Hold, charot, dahil nagbabakasakali akong mai-reverse pa ang blocking na aking ATM pagbalik sa akin ng representative na kausap ko. Sa kasamaang palad, gaya ng nabanggit, permanente na ang proseso at ang natagpuan kong ATM ay magsisilbi na lamang na isang simbolo ng bank souvenir.


dali-dali na akong bumaba upang i-claim ang aking mga pag-aari. Kinatok ko ang pinto ng kainan dahil kita naman mula sa labas na may tao na.  tanaw ako mula sa loob dahil salamin naman ang ding-ding. Sumenyas si ang counter upang pumasok ako. Agad niyang iniabot ang aking mga pitaka. Kasabay naman noon ang aking walang humpay na pasasalamat. Nang maiabot na niya sa akin ang mga wallets, nabanggit niyang mabuti na lang at may naiipit akong ID doon. Humingi pa sya ng paumanhin dahil may nakita daw syang hindi dapat makita. Napatid ang aking pagpapasalamat dahil sa kanyang binanggit. Napaisip ako kong may maitago ba ako doong nude photo ko doon o ng aking mga kahumaling sa Planet Romeo ngunit hindi ko namna matandaang nagkaroon ako ng mga ganon sa buong buhay ko, so negative. Sinabi ko nalang sa kanyang, OK lang yon, napulot ko lang din yun. Sa isip-isip ko, doon ko pala naitago ang aking proteksyon kontra pagka-buntis, ang give-away ng mga bekla sa entrance ng Starlites. Ang dalawang mahiwagang sachets na itago nalang natin sa mga bansag na Water Soluble Genital Lubricating Agent at Gomang Supot na Saplot ng Haring Tigasin. "Oh my holy cow!". Kung bakit ba kasi ako likas na makakalimutin.


Matatandaang namutakti din sa sympathetic comments ang aking FB post tungkol sa naibalik kong coin purse na naglalaman ng mahigit isang libong milyong piso mga ilang bwan na din ang nakalipas. Oo, kasya talaga yun don ang halagang  iyon, pangako. Ang wallet na iyon na naisauli sakin mula sa Jollibee Eton Cyberpod ay isa rin sa mga wallet na naibalik sa akin ng Luch Pod Eton Cyberpod.


Hindi ko alam kung anong swerte ang bumabalot sa biling-Divisoria kong wallet na iyon at bumabalik at bumabalik talaga sya sa akin kahit ilang beses ko na syang kinalilimutan. Mabuti na lamang at laking pasapsalamat ko na naiiwan ko sya sa mga lugar ng matatapat. Sa mga lugar na hindi ka matatakot makaiwan ng mahahalagang gamit dahil alam mong edukado ang mga tauhan at may sapat na pagsasanay katapatan at integridad. Mabuti na lamang talaga at hindi ako basta-basta kumakain sa basta-bastang kainan hahahahaha, Charot! Ang problema ko ngayon ay kung paano ako kakain, sarado ang bangko ng weekends upang mag-over the counter o ipagawa ang aking replacement card, habang paubos na ang aking nalalabing kayamanan. Nga-nga!


Saturday, 24 December 2011

Boracay: Check!

Share

('Sensya naman sa delayed na post...)

Sinisimulan ko nang isa-isahing i-explore ang kagandahan ng ating bansa. Sows! Ako na ang makabayan...

Medyo nagmamayaman lang ang beauty ko kaya napadalaw lang naman ako sa pinagmamalaking kiddy-pool ng Pilipinas, ang walang kalatuylatoy na... BORACAY! Tama, kahit ulit-ulitin mo pa ang basa sa jan BO-RA-CAY talaga ang basa niyan. Maaaring dedma lang ang mga taga Aklan sa balitang ito pero... mga my friends, hindi naman sa pang-iinggit, napadaan lang naman ako dun nung Dec. 10 to 12. Uhuh-uhuh!

Simulan natin ang kwento sa isa ko pang 1st time. Departure time from Manila to Aklan: 4:30pm. Umisplit na ako sa work (Ortigas) 3 hours before the flight para makahabol sa aking unang paglipad, via ZestAir (pangmayaman yon, ok?). Hiwa-hiwalay kaming pitong magkakasama. Hah? Mgakakasama, hiwa-hiwalay? Basta, tatlong magkakahiwalay na taxi kami. Yung isa, iba ang dinaanan. Worried na kami dahil 1 1/2 hour na lang before flight e nasa byahe to airport pa lang kami. Sobrang traffic pa naman.

Mabuti na lang at medyo maalam yung kasama namin sa direksyon. Itinuro niya sa drayber ang alternative route to get to the airport early. Pero may isa pang pagsubok, traffic din sa sa short cut way. Ganonpaman, umabot kami on time. We arrived about 45 minutes before the check in time. Pero yung dalawang taxi, wala pa. Tarantahan mode na kami. Merong tawag ng tawag sa mga kasamang wala pa, meron ding nag-aabang sa pila for posible earlier last call for passengers. At gaya ng hindi inaasahan, nag-close yung check in counter at ako lang ang umabot. Yung mga kasama ko, naghihintayan pa sa labas. Pagkatapos ko, saka nagsisunuran yung iba, ipinilit lang namin kay kuya counter. Kahit yamot na sya, tinanggap pa rin yung mga tickets ng iba. Pero yung isa na iba ang dinaanan, talagang nahuli na. Iniwan na namin sya. Nagparebook nalang sya ng ticket at ang sunod na flight na inabutan niya ay 10pm pa. Wala syang nagawa kundi aliwin ang sarili sa mga matatandang nagkalat sa kanyang paningin.

Sunod naman kaming nagsitakbuhan sa isa pang counter para magbayad ng terminal fee achuchu, ang haba pa ng pila e ina-announce na yung flight number namin. Takbo dito, takbo doon ang eksena namin sa loob ng airport. Nakiusap nalang kami kung pwede sumingit dahil talagang lilipad na si giant bird na maglululan sa amin to Aklan. My isa pang x-ray machine na dadaanan after non, maliban pa yun sa pinaka-unang x-ray pagpasok. This time tanggalan ng sapatos ang labanan. Halong hilo sa katatakbo, ikot, at amoy ng paa ang aming ininda. Sa wakas, pasado lahat ng dala, well maliban din sa mga bagong biling perfumes nung mga kasama namin. Bawal daw pala yun. No choice kundi iwanan ang mga pampahalimuyak namin sa singit.

Pagkasakay na pagkasakay namin sa eroplano, biglang bumuhos ang ulan. Medyo pinatila muna bago kami lumipad. Maganda ang view sa taas. Abot-ulap, lampas pa nga. Inabot ng 45 minutes ang biyahe sa himpapawid (naks) bago lumapag. Mula doon ay sumakay kami ng van ng halos 2 hours. Then boat papuntang isla. Not to mention na may mga unexpected hidden charges pa bago lumarga. After non, tricycle naman ng about 15 minutes papunta mismo sa centro ng Boracay! Yahoo... nakarating din. Sa Station 2 kami naka-book ng hotel. Maganda, maayos, maluwag at masaya sa room. Higit sa sapat para sa 7 na tao. May 4 beds, 2 doubles at 2 singles although malaki parin para sa isa yung single. At isang wall-hung flat screen TV na talagang bumenta sa mga kasama mo. Ipinagpalit ang Boracay beach sa mga Sarah G - John Lloyd at Kim - Gerald tandems ng Cinema One.

Syempre gabi na kami nakarating. Natatandaan ko pa yung dalawang Korean na nakatabi ko sa airplane, kasi nakasabay din namin sila sa van. Nakita ko din sila pagbaba ng boat. Pakiramdam ko talaga soul mate ko yung poging yon, kayalang, bantay-sarado sya ng jowa niya. Kung maka-display ng mga kutis 'kala mo bestfriend nila si Belo eh. Pero hindi ko naisip na kaya pala sila magbobora ay dahil nailipat na ang Seoul sa Boracay. Pagbaba ko ng trike, nasagi ako nung kasunod naming trike, sakit, pero dedma lang don dahil hindi yon ang highlight ng pagbaba ko. Nakakawindang ang naglipanang Korean. Here, there and everywher you throw your eyes, you'll hit them. Hindi naman sa nakaka-insecure ang kanilang nakakasilaw na kutis pero pakiramdam ko kasi dayuhan ako sa sarili kong isla, oo akin ang isla ng Bora... inangkin?

Malalim ang tubig pag gabi. Pero pagod kami galing sa work deretso sa byaheng puno ng aksyon. Kaya yun, hindi na kami nakapasyal-pasyal sa sea-side by the sea-shore nung unang day namin. Again, bumenta si LCD TV.

Kinabukasan, medyo late na kami lumabas ng hotel para damahin ang kahadalisayan ng Bora dahil napaka condusive ng room for sleeping. Na-enjoy namin ang pagtulong ng bongga. Paglabas namin ay agad kaming nag-breakfast at sinulit ang malinaw na tubig-Bora. Nilakad namin mula Station 2 hanggang 1 para makita ng malapitan yung groto. Doon kami nagsilublob at nagbabad sa tirik na sikat ng araw. Suylit naman ang pagpapatianod namin sa mga nangdadambang mga alon dahil bukod sa napagandang tanawin mismo ng Bora, dagdag aliw pa sa paningin ang mga nagku-cute-ang mga Korean.

Kain, ligo, babad, lakad, pasyal, bili,,, Halos ganon ang aming naging routine sa aming stay sa Bora. Kinahapunan, hindi namin pinalampas na maexperience ang isa sa mga pinaka best-selling activities, and FLYING FISH! Para lang siyang banana boat (na hindi ko pa nasakyan) pero masmalapad yung inflatable boat niya. Anim ang sabay-sabay na pwede niyang ilulan. Mabilis kaming hinihila ng speed boat papunta sa malalim na bahagi ng dagat. Sinasalubong ang haging para umangat ang harapan ng Flying Fish boat. The stronger the wind, the higher the boat flew. Tapos biglang kakabigin ng driver ang speedboat sa direksiyong hindi namin inaasahan. Ang sunod na mga eksena? Balebalentwang ang mga mahina ang kapit sa dagat. Maiiwan ng Flying Fish sa kalaliman, char, syempre naka-life vest naman. Paulit-ulit yun hanggang mahulog lahat, yun ang goal, pero may isang anak ng linta sa amin, ni hindi natinag kahit ipiniwesto sa gilid. Hindi talaga nahulog, which is boring, because he had not experienced the most out of the thrilling activity.

Kinabukasan, bitin man ay kailangan na naming lisanin ang paraiso. Madilim na nung nag-flight back kami to Manila kaya hindi na ko nasyado naabsorb ang enjoyment ng muli kong paglipad... bilang Darna, charot!


Maquoleet-add-comments

Sunday, 27 November 2011

Ligawan sa Divi...

Share
As usual, nakasanayan na ng team namin ang gumala every after friday shift. Lalo pa at sahod. This time, ginalugad namin ang kasukalan ng Binondo at Divisoria para lang ipagdiwang ang pagtanda ng aking kakambal... sa uma. Nag-birthday kasi siya kaya nagpa-blow-out daw, kahit medyo huli na. Para sa inyong kaalaman, siya ang aking alter-ego. Siya si Mistika, ako si Luna. Siya si Bendita, ako naman si Agua. At siya si Kristal, ako naman si Charming. Nauna lang siya lumabas sa akin ng dalawang araw, kaya ganto itsura ko, medyo over-due.

Anyway, after ng lafangan, eto na nga't nagsimula na kaming makihalu-bilo sa kumpulan ng mga taong may sari-sari nang amoy dahil nga bandang ala-una-alas dos na ng hapon iyon. Iisa ang pakay, ang marating ang 169 Mall. Sa sobrang siksikan ng mga tao, akala mo e rush hour sa MRT. Kahit di ka gumalaw e kusa kang lilipat sa kakakaladkad sayo ng mga nagtutulakang tao. Matatawa ka nalang sa mga isinisigaw ng mga nila.

Mama 1: "HUWAG KASI KAYONG SUMALUBONG, HINDI NAMAN KAYO KAMAG-ANAK! ANG SALUBONG SA AIRPORT, HINDI DITO!"

Mama 2; "SAAN BA ANG LIBING NITO? ANG HABA NG PROSISYON AH."

Ako: (nakisawsaw na...) "ANO BA ANG PINAGLALABAN NATIN DITO?" (mala-rally kasi eh)

Ni hindi ka makayuko para mamili ng mga produkto. Napakaraming panindang mukang hindi naman ginagamit sa buhay. Hindi ka rin makapili kung may type kang bilhin dahil isang grupo kaming nagbubuntutan. Paghuminto ka, sa "Lost and Found Section" ka na matatagpuan. Hanggang natunton din namin aming pakay, Food Court ng 169 Mall, (Disclaimer: Hindi ko sure yung numero ng mall, parang 69 kasi yung naaalala ko eh), take note, galing lang kami sa lamunan nito ah.

After magtambay-tambayan nung iba, mag-shopping-shoppingang nung iba pa, at mag-idlip-idlipan nung isa (ako yun), nagdesisyon na kaming rumampa. Muli, sinuong namin ang kasukalan ng Divisoria. Hiwa-hiwalay na sa puntong ito. Uwian mode na poh...

Kaming dalawa na lang ni landlord/lady ko ang magkasamang uuwi. 4:00 pm na nung sumakay kami pauwi. Sumakay kami ng jeep mapuntang Morayta, at sagot daw muna niya ang pamasahe. Mula doon, isang sakay pa papuntang North Edsa. Naks, kala mo mahusay sa direksyon oh. Dahil antok na antok na talaga ako, umidlip, este, nag-check-in ako sa jeep. Super tulog ang aking ginawa. Kampante ako dahil may kasama naman ako. kahit sa totoong buhay, wala talaga akong kaalam-alam sa lugar.

Tulog... tulog... tulog... Paggising ko, VOILA! Nandito na ako. OPO, AKO LANG! Wala na ang aking kasama. At kung asan na bang lupalop ako? Guess where... Nasa kasukalan uli ako ng DIVISORSIA! Umikot na ang jeep mula Morayta pabalik ng Divi... PATAY! Hindi ko talaga kabisado ang lugar. To be honest, second time ko palang sa lugar na yon, well bale third time na since ibinalik nga ako ng jeep.

Bumaba ako at tumawid ng footbridge. Naki-tsismis sa mga barker. May sumisigaw ng "Ang Cubao sa kabila poh!" Dan-da-dan! Basta makarating lang ako ng EDSA, buhay na ko. Lipat ako agad sa kabila. Putek, ang mga jeep papuntang Morayta lahat. Eh di ko nga alam yung lugar diba? Hintay lang ang beauty, tiis ganda lang muna. Binggo! May jeep na may tatak na "MRT"... Mailiit lang ang pangalan pero since MRT, EDSA yon, sakay ako agad. Sa harap ako umupo para makapagtanong sa driver.

Me: "Kuya, saang MRT station po ba to dadaan?"

Driver: "SAAN KA BA?!" (hyper sa highblood si kuya)

Me: "Sa MRT nga po, anong estasyon po ba dadaanan natin?"

Driver: "SAAN KA NGA?!!" (Umuusok na ang tenga sa galit!)

Me: (Sorry po, nagtatanong lang), "Kahit anong estation na lang poh!" (Tameme...)

Umandar kami patungong kung saang direksyon. Nagsiaabutan na ng pamasahe ang ibang mga pasahero. Nakigaya na din ako. Suplado talaga ang mama, sabi "HAWAKAN MO MUNA!", tapos bigla syang pumarada sa gilid. May balak palang mag-counter-flow ang tsuper. Agad kaming sinalubong ng parak. Sinasabi ko na nga bang hindi gagawa ng maganda ang mama eh, nasa ugali naman. Umatras siya agad at nagpaharurot sa tamang direksyon, not to mention na tunog lata na talaga ang andar namin at may time pang tumirik ang jeep sa crossing. Nag-aangas look nadin ako dahil sa pagka-rude ni manong. Maya-maya, inabutan niya ako ng sukli kahit di ko pa binibigay yung pamasahe ko, nakonsensya atang nauto niya ako nung sinabi niyang "HAWAKAN MO MUNA!"


Kung saan-saang iskinita siya naglulusot. Pero kita ko padin yung mga tuktok ng matataas na buildings sa Divi, naiiba lang ng anggulo pero yun padin yon. Hindi pa din ako nakakalayo. Bigla niya akong inihinto sa siksikan ng mga tao. Sa isip ko, "Ano ito? Divi ulit?" pero pinutol niya ang aking pagdududa, andito na tayo sa LRT. "HUWAAAAT????!!!"

Me: "Kuya 'kala ko ba MRT?"

Driver: "Eto na nga yon, LRT."

Me: "MRT ako kuya, ayan po oh!", sabay turo sa plakard ng jeep niya, (MRT)

Driver: "Eto na yon, LRT ang tawag jan, ang MRT nasa EDSA..."

Pu*****-inang... alam naman pala niyang nasa EDSA ang MRT at hindi siya dadaan don, bakit niya inilagay sa karatula niya! Putakteng... ang sarap paglalamukusin ang pagmumuka ng pu****-inang... bumaba nalang ako sa inis. Naghananp ako ng Taxi dahil yon lang ang nasa isip kong pwedeng sakyang hindi ako maliligaw kahit matulog pa ako. Buti na alng wala. Dahil hindi ko din tantiya ang distansya ko mula sa EDSA. Sa kalalakad ko, napansin kong nasa harap pala ako ng Isetan, ganon pa man, walang kwenta yon, hindi ko alam kung saang bahagi na ako ng kagubatan. Wala akong load at lowbat pa ang CP ko.

Abang... abang... abang... AYUN! May dumaan na jeep to Cubao. Hinabol ko at sumakay. Hindi ko talaga tinulugan ang biyaheng iyon. Napakahaba ng lakbay. Kasing haba ng reyles ng LRT. Dahil mula nung sumakay ako, nakaparallel ang aming kalsada sa reyles ng LRT, na by the way e hindi ko alam sakyan. Oo, araw-araw ako s umasakay ng MRT pero hindi ko alam ang sistema ng LRT, promise. Ang haba-haba... nakakainip. Sa sobrang haba, pakiramdam ko nakabalikan na ako ng North to Taft. Misan naiisip kong yun na ang Cubao pero bakit hindi ko pa din ramdam ang EDSA, sa dulo na ako umupo para tanaw na tanaw ko ang paligid. Kilala ko ang Cubao. Alam ko kung andon na ako. Tyaga lang dai.

Hanggang, finally! Narating ko din ang Cubao. Lumundag na ako ng jeep bago pa makarating ng Aurora, mahirap na, baka maligaw pa ulit.

Mga lampas ala-sais na ako nakarating. mula doon ay konting lakad pa hanggang makarating sa sakayan ng bus. Home-Sweet-Home! Naka-uwi rin! At ang hayop na nang-iwan saken, ang sarap ng tulog. Ni walang bakas ng pag-aalala sa muka. Ang sarap balibagin ng bangungot!

May lakad pa ako ng bandang 8:00 pm. Kahit pagod, nag-igib ako ng panligo at naghanda ng maisusuot. May 30 minutes pa ako. Humiga lang ako saglit para magpahinga. Paggising ko, "Hello sunshine!" na po ang batian... Pasensya naman, nailigaw lang. Kala ko pa naman joke-joke lang ni landlord/lady na palalayasin niya ako, yun pala dinadaan niya sa panliligaw sa boarders niya ang pagpapalayas. Pasensya siya, malakas amoy niya. Nasundan ko siya. Pang-ilang araw na kaya niyang walang-ligo...

Maquoleet-add-comments

Wednesday, 16 November 2011

Silip at Hipo

Share
Mula sa di ma-trace na kadahilanan, bigla nalang nagkatakutan sa bahay kanina.
Eto kasing si LandLord-slash-LandLady na kinasasampidan namin ay biglang nagkwento ng mga nakakatakot na naranasan niya. Siguro ay naalala niya lang bigla dahil nga kagagaling niya sa kanilang probinsya last weekends para sa libing ng kanyang sumakabilang-buhay na lolo.

Meron daw kasing nagpapa-cute sa kapatid nitong white-lady. Nung bata pa raw siya, meron na yun pero recently lang ang pinakamalala. May isang pagkakataong ginabi daw siya ng uwi sa kanila. Medyo baryo at magubat daw kasi sa kanilang lugar sa probinsya. May madadaanan daw kasing abandonadong bahay bago yung sa kanila. Nung pagkatapt daw niya sa bahay, may sumisitsit nanaman sa kanya. Lumingon siya sa likod pero wala... eto na, lumingon siya uli sa harap... BULAGA! Wala pa din, kaliwa, kanan wala. Pagtingala niya, BUH! Andon siya! Ang suitor niyang white lady.

Nagtitili na kami nung makwento nya yun. Lalo na kagagaling lang dito sa tinutuluyan namin yung kapatid niya. Panu kung nasundan siya non? Tapos natipuhan niya yung syota ng isa naming roommate, edi nagpaiwan yung white lady samen... O kaya habang pagalagala yung white lady sa Trinoma nakakita ng maraming maspapabols kung kani-kanikanino lumingon-lingon, hanggang sa mahilo siya sa dami ng choices tapos maisip niyang bumalik nalang sa kapatid ni landlord/landlady. Kaya lang hindi namalayan ng ghost na nakasakay na pala ng bus pauwi sa probinsiya yung boylet na ini-stalker-an niya, edi tumambay ngayon yung white lady sa bahay para sa pagbabalik nung kanyang childhood sweethart. No-Way!

Nadagdagan pa ang mga mala-"True Philippines Ghost Stories" naming kwentohan. Dito na nga pumasok ang usapang silip at hipo. Syempre usapang multo pa din, hindi to manyakan, wag kang bastos.

May kwento daw kasi sa isang boarding house. Nagtatatka ang isang boarder dahil sa gabi-gabing pagkalabog sa kabilang kwarto. Sumilip siya sa maliit na butas ngunit matingkad na kulay bughaw lamang ang kanyang nakita. Bughaw is blue, OK, drama epek lang. Ilang gabi din syang sumilip ngunit parehong bagay lang talaga ang kanyang nakikita, matingkad na kulay asul, (blue din yon, ok).

Kinabukasan, nagtanong siya sa landlady tungkol sa kung anong meron sa kabilang kwarto. Sinabi sa kanyang may namatay kasi sa kwartong iyon ng hindi nila alam ang dahilan. Basta ang pinakanaalala lang sa kanya ay ang kulay blue niyang mata. Kinilabutan ako sa kwento.

May parehong kwento naman daw ang pinsan ni Landlord namen. Sumilip din daw ito sa dingding sa bahay ng kapit-bahay na kalaro. Inaasahang gubat ang kabilang banda ng dingding ngunit kulay pula ang tumambad sa kanya pagkasilip. Mabilis syang umatras at hindi na bumalik sa bahay ng klaro, forever. Nilagnat sya afterwards.

Hipuan naman ang sumunod, kwentong multo padin, no-chance na magiging mayakan ito, wag ka na umasa.
Sa CR daw ng aming company, my isang nagdeposito sa banko de negro. Sa tuwing yuyuko daw sya, pakiramdam niya ay may humihipo sa kanyang... noo. Kung bakit naman noo pa ang hihipuin sa kanya eh lantad na lantad na ang kanyang pagkatao. Suguro ay malapit kasi yun sa tagabuga ng kanyang sama ng loob, "mahirap na", 'ka ng multo. "Baka iba pa ang makapa ko, ew!" dagdag pa niya. Char lang!

Nag-usisa din ang biktima ng hipo. Tinanong sa guard kung bakit meron ngang nanghihipo ng noo niya nung nagbabanyo sya. Sabi ng guard, baka yun daw yung paa nung nagbigti sa cubicle na iyon. Ew! Nangilabot uli ako.

Syempre marami pang mga takutang kwento ang tinilian namin.
Hanggang sa dumating na sa point na kelangan ko ng maligo dahil papasok pa ako (night-shifter, to remind). Ang problema, kelangan ko pang mag-igib ng tubig pero yung mga timba ay lahat naiwan sa banyo nung huling naligo. Wala kaming ilaw sa banyo, flashlight lang ang gamit namin. Ginamitan ko nung flashlight sa fone ko, (oo, cheap lang ang phone ko, de-flashlight, anu ngayon?) pero for some wierd bizzare reason, biglang namamatay yung fone ko,,, nagtitili ako at natatakot. Tapos pag-inanabot ko sa loob yung timba biglang kinakalabog ni landlord yung yerong dingding. O kaya nagpapatunog sya ng creepy sound effects sa fone niya.

Ang tagal bako ko nabura ang takot sa aking systema at sa wakas nakaligo din. Habang nagsasabon ako, tuloy naman sa pananakot ang pi-yu-ti-ey! Twing nasa bahay daw siya ni lolo niya, ayaw niyang maligo ng nagsasabon sa muka. Dedma lang naman ako, anu naman ngayon? Nagtanong yung isa king bakit habang nagsasabon na ako ng mukha noon. Sabi niya, kasi feeling ko pagdididlat ako biglang bubulaga si sadako. "AYYYYYYyyyyyy!" Bigla kong hinawi yung kurtina at lumundag palabas. Pinagtatawanan nila ako pero talagang natatakot ako nung oras na yon. Itinuloy klo nalang anhg paliligo ng half-way open yung kurtina ng banyo para kita ko sila.

Hindi naman ako talagang matatakutin In fact, Kaya ko ngang dumaan sa simenteryo samen kahit fullmoon at hating-gabi, take note, nang mag-isa, walang takot factor at all. Ewan ko lang talaga kung ba't takot na takot ako noon. Hmmmnnn!



Maquoleet-add-comments