Saturday, July 16, 2011

Condolences!

Share
Ikanalulungkot kong ipagkalat ang malagim na sinapit ng aking bulok na Nokia 6270. Eksaktong isang lingo na po siyang nakaburol. Isang linggo ko na siyang ipinagluluksa. Isang linggo na din akong half-dead. kalahati kasi siya ng buhay ko. Tuluyan na siyang ginupo ng kanyang mga kumakalat na virus sa kanyang sistema. Paalam aking "Tulilit!"

Kasalukuyan akong naglalakbay nuon patungong QC. Ipapasyal ko sana siya at patitikimin ng polusyon sa kamaynilaan. Ngunit habang nasa biyahe kami, kinailangan kong palitan ang kanyang pusong SMART ng artipisyal na pusong GLOBE, ngunit pagkatapos ng operasyon, tuluyan na siyang sumakabilang buhay. Hindi na siya humihinga. Papikit-pikit nalang siya habang hindi na niya makumpleto ang paghikbi ng kanyang opening tones. Ni hindi na niya maipaskil ang welcome message na "maquoleet.blogspot.com".

Wala na ang mga sekreto namin. Patay na din ang aking mga virtual pets. archieves nalang ang aking mga mobile ebooks. Hindi na ako maglelevel-up sa mga 3D games ko. At lalong-lalo na, hindi na ko makakapag-fezbuk araw-araw.

Ang bigat sa pakiramdam na maalala ang aming mga pinagdaanan. Ang mga tanawing aming itinigil sa mga kuha nito. Ang mga sex scandal na aming pinagnasahan. At ang mahigit sa tatlong-daang koleksyon ko ng nude fotos.

Paalam aking 6270, my Tulilit! Huwag kang mag-alala, gagawin ko ang lahat ng aking makakaya upang isagawa ang iyong resurrection. Muli kang babangon at dudurugin... duduruging muli. Hanggang sa muli nating pagkikita.




Maquoleet-add-comments

Wednesday, July 6, 2011

3 Milimeter Graph

Share

Napakaganda ng simula ng araw ko last weekend. Pagkasilay na pagkasilay sa liwanag ng aking mga namumutakti pa sa mutang beautiful eyes, agad kong hinagilap ang aking bulok na selpon (Nokia 6270) upang pakainin ang aking mga virtual pets. Minsan na kasi akong namatayan ng panda bear at gold fish, na kulay aqua blue, (pero gold fish talaga yun, promise). Masakit pala sa kalooban ang mamatayan ng alaga, lalo kung wala kang magawa upang ilibing sila sa magandang sementeryong pang-hayop habang nakikitamo itong nakabulagta lang at nilalangaw, o kaya ay nakabaliktad na parang tinamaan ng fishkill. Uso pa naman non.

Naka-mind set na din ako upang i-Dora Explore ang aking mga dinawnlowd na bagong mobile application ng hanggang alas-tres ng madaling araw sa bulok kong selpon din.

All set! After ng regular kong morning rituals: drink coffee first before peeing, wash dishes na pinagkainan pa last night (kultura ko na yun para ma-ferment mabuti ang mga mumu ng kanin na nakadikit sa mga ito, usually inaabot pa silang nakababad hanggang matapos ang Playful Kiss, pang-umaga kasi sya sa GMA Dagupan), at finally, magbakbak ng mga muta, huli talagang ginagawa yu... sisimulan ko na sana ang pagpapakasasa sa higit kwarentang 3D java games ko, pagpapakadalubhasa sa anim na ebooks ni Bob Ong (oo, kahit na mukang 10 years na yatang uso ang mga books ni Bob Ong e ngayun ko palang sila sinisimulang basahin, tag-hirap lang, kung nalaman ko lang sana ng masmaaga na may mga mobile ebook na pala yun...), pagpapadugo ng ilong sa pitong Harry Potter ebooks padin (kasama pa ang part 0 - yung prequel daw), pagpapaka-Kuya Kim sa ibat-ibang linguwahe ng mobile dictionaries, at pagpapakabanal sa pagbabasa sana ng mobile King James Version ng New Testament,,, Bukod pa riyan ang mayat-mayang pag-update ko ng post sa FB, pag comment, pag-like at pag-google,,, Idagdag mo pa ang pabaltik-baltik kong pag-aabang ng aking slideshow screen saver (na collection of nude photos, hehe),,, siya namang dating ng aking SWERTE!

Siyempre, ang sarap naman ng buhay ko bilang bida kung walang kulay ang buhay. Dumating ang isang hahadlang sa aking nakaprogram na Mobile Computing Day. Keri lang, usual naman na e. Medyo in-demand lang kasi ako sa mga estudyante ng buong community mula ng matengga ako from being kicked-off sa trabaho (char lang, EOC yun). Mula sa mga pinsan kong elementary na halos araw-araw na nagpapadrawing sa art project, gabi-gabing free tutorial ng elementary subjects from grade 1 to under graduate high school pupils (nax, ticher na ticher), hanggang sa mga anak ng kapitan na kagawad nalang ngayon, at hanggang sa anak ng pastor na galing pa sa ikatlong-baryo awey, na siyang dumating upang gambalain ang aking plan for the day.

Kooly: "Owryt, ano problema naten?"

Siya: (Dala ang buong engineering parapernalya niya)

"E, eto po e. Kelangan po kasi ito i-pass sa Monday, may klase pa po ako ngayun," (Instruction provided)

"Balik nalang po ako mamaya..."

Kooly: "Owryt, see yah later!" (dugo ilong, nanlalamig, pinagpapawisan ng katas ng pinigang saluyot, alugbati at okra in-one, at unti-unting nabibitak ang muka na parang tag-tuyot.)

Note: Hindi yun ang actual dialogs, pero yun ang thought, owryt?

Q: Bakit nga ba ganon na lang ang panlulumong sumaklob sa akin?

A: Flash back!

Instruction:

Siya: "Kuya, (medyo outching...), gawan mo nga po ako ng graph. Ito

po kasing ginawa ko e balu-baluktot."

Kooly: "Ow sure, graph lang pala eh. Panu ko ba gagawin? (Toinks!)"

Siya: "Eto ang kartolina-like na papel kuya," (reminder lang, hindi ito ang actual conversation dialogs, pero yun ang thought for the sake of complying to the Kengkoyan Law of Maquoleet Article 1 Section 3K. Baka kasi mabasa niya din to hak-hak!)

"Ang bawat margin ay dapat sunod sa sukat. Pati space na paglalagyan ng name ko at section at grade at project title, dapat kalkulado.

Koooly: "Owryt owryt, wat elz?" (Hooh, sisiw!)

Siya: "Eto po ang main parusa este part ng graphing chu-chu na kakanain mu, ang sukat po ng grid kuya, e tig-tatlong guhit sa ruler awey. Bale pupunuin mo yang kartolina-like na papel na ang sukat e 28 x 43 centimeters."

Kooly: (relax mode lang) "Hoooo-Waaaaat?!!! Naku, kamote! Ang hirap niyan brow."

Convertion:

isang maliit na guhit sa ruler = 1 MILImeter

Siya: (sympathizing) "Oo nga po e, kami nga ng mga kakaklase ko e inabot ng mga tatlong oras kagagawa niyan, hindi pa kami tapos sa lagay na yun ah! Muntik na naming batuhin ng kamatis yung titser namen eh!"

(Discouraging pala..., San manggagaling ang kamatis? Baon mo?)

"Pagkatapos po non, susulatan mo siya ng Alpabet mula A-Z na kapital at numbers from 0-9. Tapos, a-z na small caps, then a-z small caps ulit pero naka-italic."

Kooly: "Ow, Kamown!" (lawit dila at babang talukap ng mata down to the floor...)

Ano pa nga ba, malaki ang tiwala nila sa IT grad na tulad ko e. Ni hindi ko nga alam kung paano ko nairaos ang pag-graduate ko dahil sa kawalan ng interes sa pag-aaral, hindi ba nila nabalitaan yun?

Pagkaalis na pagkaalis niya, sinimulan ko ng magpapasapi sa pinakamalapit na ispiritu ng enhenyerong masasagap ko, ngunit sawing-palad ang aking pagpapaka-babaylan.

Fighting spirit nga e nahirapan pa akong buhayin sa loob ko. Sa sobrang liliit ng pagitan ng mga guhit e halos 1MM nalang ang layo nila sa isat-isa dahil sa pakapal ng pakapal na dulo ng lapis (take note, sa dinami-dami ng mga rulers nya including 5 types of curves, 2 triangles, walang protactor at isang T-square, plus isang set ng high-tech pens, at dalawang gasgas na mini ereyser, WALA syang dalang sharpener!). Nakaduduling, kaya tuwing magkakamali ako at magbubura, damay hanggang ikaapat ng linya dahil pudpod na din ang ereyser. Sinikap kong matapos ang proyekto ng parang isang ganap na

mag-aaral ng pagka-enhenyero dahil na din sa tiwalang tinanggap ko

na mula sa kanila. Pressure-cooking!

Pagkatapos ng mga trihandred-porti-eyt years, natapos ko din ang proyekto. Ito ang unang pagakakataong sumulat ako ng alpabetong napaka-kalkulado ng bawat hagod ng lapis sa papel: walong area ang height, anim ang width, at dalawa sa bawat pagitan nila. Wag ko nalang banggitin ang mayat-mayang burahan dahil nakakalimot na ata ako sa pagkakasunod-sunod ng mga letra at numero. Syempre damay dyan ang pagguhit sa mga linyang dinaanan ng pambura. Putek!

Pakiramdam ko ay nagsusulsi ako ng punit na kulambo. O kaya e nagtatastas nga maling sinulid sa cross stitch. Nasa kalagitnaan na ako nung mapansin kong may may linyang nagkandasalubong-salubong. Hooh! dinaya ko nalang.

Kung alam niyo lang, nung elementary ako, lagi akong may palo sa math titser dahil 2 out of 10 ang average ng scores ko sa quizes, sa high school naman nagigising nalang ako bigla pagsinigawan ng

math titser pag napansing tinutulugan ko ang klase nya, habang hayaan ko nalang magpaliwanang ang mga minor math subject ko sa college sa grades nilang ranging from 2.9 to 3.0, promise!

Kalahati ata ng bilang ng mga guhit ng graph na yun e katumbas ng bilang na napamura ako. Paulit-ulit na namumutawi sa akin ang "Hindi ko pinangarap mag-engineer! Juskolord! Ano po bang nagawang

pagkakasala at sinasapit ko ang ganitong parusa? Magdodoctor nalang ako!" Hindi ko din maiwasan ang mapaawit ng "O..., Dyos ko! Anu ba naman... eto, di ba... Tang*na! Nagmuka akong tanga,.. pinaasa niya

lang ako... Letcheng graphing to woho-wo-ow!..." Dagdag pa ang init ng panahon. Yung elektrikpan ginagamit ni sis. Perfect!

Anu pa bang kinakana ko? E, nakaraos naman na ako. Tapos na ang kalbaryo! Hihintayin ko nalang siyang dumating to pick-up the sinumpang project. Owrayt, dumating na nga siya. Pero, Hindi ko ba

napansin na dalawa ang blangkong kartolina-like na dala niya?

Siya: "Uy galing, gano mo katagal ginawa to kuya?" (mukang nang-aano lang eh.)

Kooly: "Ah eh, speechless me eh."

Siya: "Nga pala kuya, etong isa naman e, ganon din ang graphing

pero this time, favorite quotations ko ang isusulat!"

Kooly: (O hindeeee!) "Owryt! Ahhh, pwedeng... pwedeng patayin mo nalang ako? Dumaaan na ako sa kalbaryo eh, bitay naman." (Wish ko lang ganon nalang.)

Siya: "Ah kuya, may prayer meeting pa kasi kami... ganto nalang, iwanan ko nalangmuna tong mga gamit ko, tapos balik nalang ako bukas."

Kooly: "Ow sure! Wala ka naman sinabing..

A. Wala kang choice kaya say YES!,

B. Sa ayaw mo o sa gusto, gagawin mo ito, wala lang trip ko lang!; and

C. Pwedeng tumanggi in 5-4-3-2-1!,

...edi sana umaalingawngaw na sa tenga mo ang sagot kong 'C, utang na loob, C!.. C!...C!'"

Muling gumuho ang aking bagong-usbong na ginhawa! Muli ko ring nagunita ang bawat dugo't pawis na tumagaktak mula sa aking saradong pores sa anit. Mula sa kawalan e tumugtog ang acoustic version ng, "O..., Dyos ko! Anu ba naman... eto, di ba... Tang*na! Nagmuka akong tanga,.. pinaasa niya lang ako... Letcheng graphing to woho-wo-ow!... Dyos ko hooh!"

Kooly: (nagpipigil-hurumintado) "Ano pala ang quotation na ilalagay ko?

A. 'Do the right thing, right the first time, everytime',

B. 'Not once... but TWICE!',

C. 'One is enough, two is too much, three is poison that can KILL a person'; or

D. 'None of the above, please leave it blank?'"

Siya: "Eto nalang pong sinajes ni dadi, 'Efficiency is doing things right, while effectiveness is doing the right thing.'"

Kooly: "Owrayt. Ganon padin ba ang sukat ng mga letra?"

Siya: "Oo, pero pwede daw tantiyahin para gumitna ang quotation sa graph."

Kooly: (Wow tantya, sounds great! Walang sukatang magaganap. Work, work, work)

Kinabukasan...

Kooly: "Ayan tapos na, OK naba to?"

Siya: "Ay PATAY! Nakalimutan ko! Dapat pala kuya, yung una puro capital letters tapos sa baba ang puro small caps..."

Kooly: (Anak ng... patayan na lang!)

"Pano na to, gawa na? mahirap na magsimula ulit. Di na to mabubura!" (sa gigil ko, halos mag-alboroto ang natutulog na bulkang Hibok-hibok at magdulot ng tsunaming maghahati ng dalawa sa bansang Japan, muntik ng mag-isa ang kulog at kitlat na magbubuhos ng tubig na babaha sa karagatang timog-silangang Tsina na tuluyang bubura sa mga Spratly Islands,at halos kumawala ang toxic gasses na kusang

namuo sa loob ng aking systema at bumulwak bilang isang mapaminsala at nakakalasong utot palabas ng aking pusod.)

Siya: (Nakahalata yata at naagapan ang nagbabantang sakuna) "Ganito nalang kuya, sa baba mo nalang ilagay yung puro capital letters. Kunyari nakalimutan ko nalang."

Kooly: (Bahagyang kumalma.) "Owrayt! Leave it to me."

Pagkalipas ng tatlumpong taon, anim na buwan, dalawang araw at maglilimang oras, nawakasan din ang aking pagpapaka-enhenyero. Ayoko ng muling alalahanin pa ang mga sumunod na usapan namin dahil baka biglang magbago ang nakaraan at magpagawa pa siya ulit ng graph, this time 2mm X 2mm, at susulatan ng capital letters of latin alphabet and small caps ng steno.

Ngayon ko lang napagtanto ang mga butas ng karayum na pinagdadaan ng mga enginnering students. Ngayon ko lang lubusang na-apreciate ang kahusayan ng mga taong may titilong "Engr." bago isulat ang mga pangalan. Ganunpaman, hindi nito nabago ang aking isip na sana nag-take-up nalang ako ng engineering. No way!

Ang kinatatakutan ko na lamang ngayon ay baka hindi tanggapin ng intructor niya ang palusot at muling ipagawa ang proyekto no matter what. "Hin-Dehhhhhhhhhh!"

Sunday, June 26, 2011

Ang Cactus Ko, Falcon!

Share
(The picture above was taken by 7:25 this morning through my window.)


Kaagang nangalabog ni sis, bandang 6:30 kanina. Bulahaw ngunit dinedma ko lang. 8:30-9:00 am na aksi ang nakasanayan kong gising these rainy days. Di masisi, libre aircon eh, lamig ng panahon.

Nang-gigising siya dahil lubog na daw yung washing maschine namen, kelangan i-angat else tuluyang di mapapkinabangan, bago pa naman. Dead-ma pa din ako. Nung sinabi niyang, "...lubog na yung mga CACTUS mo!" agad na akong bumangon sa taranta.

Pagdungaw ko sa b
intana, HAL-LA! Napalilibutan na kami ng tubig-baha. Stranded na kami. "Ang mga cactus ko! Huhuhu" Tumuntong ako sa tabla at sinubukang isalba ng mga maaabot kong cactus. Mabuti nalang at mukang hindi pa bulok ang aking mga ornamental plants. Kahit nagkandatusok-tusok ako sa pangangapa sa kanila, atlis, hindi masasayang ang buhay ng aking mga halamang ilang taon ko ding binabansot.

(The Cactus' image was taken before th flood.)

Inilagay ko na sila sa loob ng bahay para safe. Ngunit ganon pa man, hindi matahimik ang aking konsensya na hinayaan ko ang ibang nakalubog pa din sa baha. Nandon pa naman ang mga pinakamalalagong varieties, saka iilang species lang ang aking nailigtas. Ang aking paborito ay umaasa pang maiahon sa ibabaw ng tubig at maka-absorb ng mainit na temperatura. Masyado mang maaga para maligo, sinuong ko ang baha at pilit pinagkakapa ang aking mga giniginaw na cactus sa ilalim ng baha sa pamamagitan ng aking paa. Ng matumbok ko ang kanilang knalulubugan ay isa-isa kong iniahon ang aking mga halamang tapat pa ding nakakapit sa kanikanilang mga paso. Isinalba ko na din ang iba pang mga halamang nakapaso.

Di ko kasi tantiya kong hanggang kelan ang baha at kung gaano pa ito tataas. Konting-konti nalang ay aabutin na ang aming sahig sa loob ng bahay ay kami naman ang kailanagan ilikas.

Di niyo kasi naitatanong, nature lover din ako. Mahilig sa mga halaman at mga hayop.

Maya-maya, nagsisisig
aw ang hipag ko. May ahas daw na nakikisilong sa loob ng bahay nila. Malamang ay binaha na din ang kanyang tirahan. Agad kumuha yung kuya ko ng pamalo at pinagtataboy yung ahas. At dahil nga may puso ako para sa mga hayop... kala niyo ba sinaway ko sila at iniligtas ang ahas? No way! Ahas kaya yun! Tsaka hindi naman ata in-dangered species yun. Go lang! Hehe, lupet. Agad akong umahon sa tubig at tumuntong sa pinakamalapit na pwedeng tuntungan. Baka kasi biglang lumabas ang ahas, lumangoy sa baha at kumapit saken... eeeee!

Ngayon tuloy, kahit saang sulok ng bahay ako tumingin, pakiramdam ko may nagkukumbling ahas.
eee!!!

(I'll update you about the weather here every time I can. Please send me DOH (Department of HELP when I need. Thanks!)

Wednesday, June 15, 2011

Talamak na ang Bentahan!

Share

Exotic pet? Perferct ang "Tuko" o Tokey Gecho na ito para dyan. Dahil kapag napataba mo ito, next millionaire ka aking lolo. Medyo nababalitang ginto ang katapat ng nakadidiri at nakakatakot na nocturnal animal na ito. Kaya naman talamak ang hantingan ng mga tuko sa mga magugubat na lugar sa Pilipinas sa ngayon. Nauuso kasi ang tuko hindi lang upang gawing pet kundi upang magbinyag sayo ng "Pepito Manunuko", dahil talaga naman para kang tumama sa lotto pag nachambahan mo ang tuko king.

Kung matatag ang iyong sikmura hindi lamang sa pagdakma ng kuluguhing giant butiking ito kundi pati sa paglapastangan sa kanilang kakarampot lamang na animal rights, ito na ang ika-aahon mo mula sa pagkakabaon sa utang. May mga buyers kasi ng mga tukong gumagalagala sa mga kabaryuhan upang kalapin ang pinakabigating tuko. Katumbas kasi ng 300 grams nito ay tumataginting na P60,000.00. Ang 500 grams naman nito ay tatapatan ng P500,000.00, kung hindi mandurugas na barat ang buyer mo. At syempre, kahit medyo imposible, pero kung napasatimbangan nila ang 600 and up grams ng giant tukong nahuli mo, tentenenen... isang-milyong-piso ang mapapasayo!

Ayon kasi sa mga na-google ko, binibili ang mga tuko upang gamitin sa medisina. Ayon din sa mga nasagap kong chika, mahusay daw ang dila ng mga tuko na panglunas sa ibat-ibang uri ng sakit kabilang ang cancer. Hindi pa man napapatunayan ngunit balibalita ding nakakagamot ito ng AIDS. Hmmm... Mahusay din daw ang mga substance ng tuko sa pagpapasigla kay manoy. Gaya ng ibang butiki, nakagagamot din daw ng asthma ang tuko.

Kaya pag instant yaman ang ibig mo, patabain mo na ang iyong tuko. Don't make it the biggest losser...

(Ang tukong nasa larawan ay huli dito sa lugar namen, pero dahil bagsak sa standards ng buyers, pinakawalan namin ni sis ko ang mga huli ni kuya na halos 30 piraso ata... ayun, nagmaktol ang lolo mo hehe... Kinabukasan biglang may buyer, ready to pay ng P1,000.00 per 150 grams na tuko... Tsk!)

Sunday, June 12, 2011

Walang Pangarap!

Share
Araw ng kalayaan ngayon kaya hayaan niyo namang simulan ko ang lahat sa pagbati ng "Maligayang Pag-iisa sa lahat!" (tama ba ang translation ko? "Happy Independence day to everyone!")

Lingo din ngayon, araw ng pagsisimba. Hindi ako napilit ni sis ko kaya sila nalang ng jowa niya ang magkasamang nagpakaantok sa simbahan. (Char lang, nagpakabanal ang ibig kong sabihin.) Dahil nga Independence Day nga, may kinalaman ang preach ni pastor sa pagdiriwang, "Panagarap!" (Basta, konekted yan...)

Nirelay nalang ni sis ko sa akin ang kwento ni pastor sa preaching na tungkol nga sa pagkakaroon ng pangarap sa buhay.

Kwento:

May tatlong magkukumpareng construction worker. Yung una ay nakapangasawa ng bikolana. Yung ikalawa naman ay nakapangasawa ng kapangpangan. Habang ang ikatlo naman ay Ilokana ang napangasawa.

Isang araw, nung sila'y manananghaliaan, binuksan ng una ang kanyang baon. Ginataan ang ulam niya.

Una: Ginataan na naman! Kung ginataan uli ang ulam ko bukas, tatalon ako sa bilding!.

Binuksan ng pangalawa, nakapangasawa ng kapangpangan, ang baon niya.

Pangalawa: Ginisa na naman! Kung ginisa uli ang ulam ko bukas tatalon ako sa bilding!

Binuksan din ng ikatlo, nakapangasawa ng ilokana, ang kanyang baon.

Pagatlo: Hah! Buridibod na naman! Kung buridibod uli bukas ang ulam ko, tatalon din ako sa bilding!

Kinabukasan. Pananghalian na naman. Binuksan ng una ang kanyang baon. Ginataan ang kanyang ulam. Tumalon siya sa bilding at namatay.

Binuksan ng ikalawa nag kanyang baon. Ginisa uli ang kanyang ulam. Tumalon din siya sa bilding at namatay.

Yung ikatlo naman ang sumunod. Binuksan niya ang kanyang baon at muli, buridibod ang kanyang ulam kaya tumalon din siya sa bilding at namatay!

Napagpasyahan ng namamahala sa construction na gawing sabay-sabay na ang burol ng tatlo. Sabay-sabay ding nagluluksa ang mga asawa ng mga magkukumpare.

Bikolana: OOoooh asawa ko, sana sinabi mong ayaw mo na pala sa ginataan para ipinagluto kita ng iba. hu hu hu...

Kapangpangan: OOoooh asawa ko, sana sinabi mong ayaw mo na pala sa ginisa ipinagluto kita ng iba. hu hu hu...

Kapansin-pansing hindi nagluluksa ang ilokana. Tinanong siya ng iba pang mga asawa.

"Bakit hindi mo ipinagluluksa nag asawa mo?"

Ilokana: E hindi naman ako ang nagluluto ng ulam ng asawa ko e, SIYA NAMAN!!!

Istoryaheeeee!!!

Aral: "Kung gusto mong may mangyari sa buhay mo, gumawa ka ng ikatututpad ng iyong mga pangarap! (Daw! Ikonek mo nalang!)"