Wednesday, November 16, 2011

Silip at Hipo

Share
Mula sa di ma-trace na kadahilanan, bigla nalang nagkatakutan sa bahay kanina.
Eto kasing si LandLord-slash-LandLady na kinasasampidan namin ay biglang nagkwento ng mga nakakatakot na naranasan niya. Siguro ay naalala niya lang bigla dahil nga kagagaling niya sa kanilang probinsya last weekends para sa libing ng kanyang sumakabilang-buhay na lolo.

Meron daw kasing nagpapa-cute sa kapatid nitong white-lady. Nung bata pa raw siya, meron na yun pero recently lang ang pinakamalala. May isang pagkakataong ginabi daw siya ng uwi sa kanila. Medyo baryo at magubat daw kasi sa kanilang lugar sa probinsya. May madadaanan daw kasing abandonadong bahay bago yung sa kanila. Nung pagkatapt daw niya sa bahay, may sumisitsit nanaman sa kanya. Lumingon siya sa likod pero wala... eto na, lumingon siya uli sa harap... BULAGA! Wala pa din, kaliwa, kanan wala. Pagtingala niya, BUH! Andon siya! Ang suitor niyang white lady.

Nagtitili na kami nung makwento nya yun. Lalo na kagagaling lang dito sa tinutuluyan namin yung kapatid niya. Panu kung nasundan siya non? Tapos natipuhan niya yung syota ng isa naming roommate, edi nagpaiwan yung white lady samen... O kaya habang pagalagala yung white lady sa Trinoma nakakita ng maraming maspapabols kung kani-kanikanino lumingon-lingon, hanggang sa mahilo siya sa dami ng choices tapos maisip niyang bumalik nalang sa kapatid ni landlord/landlady. Kaya lang hindi namalayan ng ghost na nakasakay na pala ng bus pauwi sa probinsiya yung boylet na ini-stalker-an niya, edi tumambay ngayon yung white lady sa bahay para sa pagbabalik nung kanyang childhood sweethart. No-Way!

Nadagdagan pa ang mga mala-"True Philippines Ghost Stories" naming kwentohan. Dito na nga pumasok ang usapang silip at hipo. Syempre usapang multo pa din, hindi to manyakan, wag kang bastos.

May kwento daw kasi sa isang boarding house. Nagtatatka ang isang boarder dahil sa gabi-gabing pagkalabog sa kabilang kwarto. Sumilip siya sa maliit na butas ngunit matingkad na kulay bughaw lamang ang kanyang nakita. Bughaw is blue, OK, drama epek lang. Ilang gabi din syang sumilip ngunit parehong bagay lang talaga ang kanyang nakikita, matingkad na kulay asul, (blue din yon, ok).

Kinabukasan, nagtanong siya sa landlady tungkol sa kung anong meron sa kabilang kwarto. Sinabi sa kanyang may namatay kasi sa kwartong iyon ng hindi nila alam ang dahilan. Basta ang pinakanaalala lang sa kanya ay ang kulay blue niyang mata. Kinilabutan ako sa kwento.

May parehong kwento naman daw ang pinsan ni Landlord namen. Sumilip din daw ito sa dingding sa bahay ng kapit-bahay na kalaro. Inaasahang gubat ang kabilang banda ng dingding ngunit kulay pula ang tumambad sa kanya pagkasilip. Mabilis syang umatras at hindi na bumalik sa bahay ng klaro, forever. Nilagnat sya afterwards.

Hipuan naman ang sumunod, kwentong multo padin, no-chance na magiging mayakan ito, wag ka na umasa.
Sa CR daw ng aming company, my isang nagdeposito sa banko de negro. Sa tuwing yuyuko daw sya, pakiramdam niya ay may humihipo sa kanyang... noo. Kung bakit naman noo pa ang hihipuin sa kanya eh lantad na lantad na ang kanyang pagkatao. Suguro ay malapit kasi yun sa tagabuga ng kanyang sama ng loob, "mahirap na", 'ka ng multo. "Baka iba pa ang makapa ko, ew!" dagdag pa niya. Char lang!

Nag-usisa din ang biktima ng hipo. Tinanong sa guard kung bakit meron ngang nanghihipo ng noo niya nung nagbabanyo sya. Sabi ng guard, baka yun daw yung paa nung nagbigti sa cubicle na iyon. Ew! Nangilabot uli ako.

Syempre marami pang mga takutang kwento ang tinilian namin.
Hanggang sa dumating na sa point na kelangan ko ng maligo dahil papasok pa ako (night-shifter, to remind). Ang problema, kelangan ko pang mag-igib ng tubig pero yung mga timba ay lahat naiwan sa banyo nung huling naligo. Wala kaming ilaw sa banyo, flashlight lang ang gamit namin. Ginamitan ko nung flashlight sa fone ko, (oo, cheap lang ang phone ko, de-flashlight, anu ngayon?) pero for some wierd bizzare reason, biglang namamatay yung fone ko,,, nagtitili ako at natatakot. Tapos pag-inanabot ko sa loob yung timba biglang kinakalabog ni landlord yung yerong dingding. O kaya nagpapatunog sya ng creepy sound effects sa fone niya.

Ang tagal bako ko nabura ang takot sa aking systema at sa wakas nakaligo din. Habang nagsasabon ako, tuloy naman sa pananakot ang pi-yu-ti-ey! Twing nasa bahay daw siya ni lolo niya, ayaw niyang maligo ng nagsasabon sa muka. Dedma lang naman ako, anu naman ngayon? Nagtanong yung isa king bakit habang nagsasabon na ako ng mukha noon. Sabi niya, kasi feeling ko pagdididlat ako biglang bubulaga si sadako. "AYYYYYYyyyyyy!" Bigla kong hinawi yung kurtina at lumundag palabas. Pinagtatawanan nila ako pero talagang natatakot ako nung oras na yon. Itinuloy klo nalang anhg paliligo ng half-way open yung kurtina ng banyo para kita ko sila.

Hindi naman ako talagang matatakutin In fact, Kaya ko ngang dumaan sa simenteryo samen kahit fullmoon at hating-gabi, take note, nang mag-isa, walang takot factor at all. Ewan ko lang talaga kung ba't takot na takot ako noon. Hmmmnnn!



Maquoleet-add-comments

Sunday, November 13, 2011

Team Building at Morong

Share

Mala-Temptation Island ang aming naging team building sa Morong, Bataan last Nov. 5-6. Pero sa halip na puno ng temptasyon ang aking paglalamyerda sa Waterfront Beach Resort, panay island lang ang aking napala. Island ng mga buhangin at alon, walang temptasyon, at all!

Solo kasi namin ang buong beach resort. Kung iisipin mo pa lang kung gaano kalawak ang isang beach resort at wala kang matanaw na na kahit isang bukol kundi umbok ng buhangin, watta boring sight! Hindi ito ang inaasahan ko. I was expecting for boodies!

Buti na lang at malinaw ang tubig. Napakalinis ng dagat. Hindi tulad ng ibang beach resorts na napuntahan ko, kung anu-anong makukulay na plastic creatures ang malayang nakikihalubilo sa mga hitang naglulublob.

Napaganda ng malalaking-alon. Mababaw ang tubig. Malayo na ang aming nararating pero hanggang dibdib pa din. Sa bahaging mababaw humahampas ang malalaking alon. Ang saya magpasaklob at magpatangay sa mga tsunano - mini tsunami.

Nadedma ang isang bottle ng The Bar, masmasaya magbabad sa dagat. Pero Masaya din tumagay, sakto... tubig dagat ang chaser, pangontra sa pakla.

After naming i-marinade ang aming mga katawan sa alat ng dagat, sa swiming pool naman kami nag-babad. Pictyur-pictyuran. Languy-languyan. Enjoy lang!

Pamatay ang pa ang aming mga games the night before. Dragon tail! Dalawang team na may mga tig-pitong miyembro. Bubuo ng parang centipede. Nakahawak lang sa mga damit at shorts. may buntot na panyo yung nasa dulo (tail). Nakaipit lang sa shorts para madaling hablutin ng head (nasa harap). Habulan, banatan, dapaan, sigawan, tawanan, sakitan, subuan... ng buhangin haha. 5 times kelanagang mahablot ng kalaban ang tail para manalo. After ng games, yung mga bitin na shirts, nagiging gown, yung mga fitted naging loose, yung hindi strechables nagiging gula-gulanit. Aside from the fact na mega exhausted talaga ang bawat players dahil walang bumibitaw maliban nalang kung nabudburan ng buhangin sa bunganga at mata. Walang bumibitaw kahit dumagan pa yung pinakadambuhalang kalaban. Baldado talaga yung nasa ilalim, hindi bumitaw, manalo lang, sudexo ba naman ng Starbucks ang premyo eh, P100 bawat gift cert.

Walang araw nung nagswiming kami, in fact maambon nga, pero bakit ganon? Lalo akong naging ulingling, kirara, baluga, as in talagang Ms. Angola!



Maquoleet-add-comments

Wednesday, November 2, 2011

Halloween o Sinakulo?

Share
Napakaganda ng usapan namin ng aking friendship-slash-workmate, nang biglang nagpa-cute ang isa ko pang workmate na boylet at tinawag ako upang kausapin. Goodbye-freindship ang drama hello-boylet ang exena.

Ang dahilan pala niya ay makikiusap siyang maging back-up ako sa kanyang pagtupad sa kanyang commitment. Well, keri lang naman since belong ako sa Gig Club kung san siya naka-commit. Tsaka, may iba pa kaming kasama kaya hindi ganon ka-effort...sana. Na-assign kasi ang lolo mo na mamuno sa pakanang takutan sa 4th floor ng building. Gagawa ng horror booth para sa halloween party ng company. Bale kami ang naka assign sa entrance ng horror room, Creepy Garden ang theme, sunod samen ang Cemetery, last ang Hell.

Nasabi na niya lahat ng plano on the 1st day. Infairness sa lolo mo, pakiramdam niya ata mga anak kami ng Diyos. Sabihin mo lang na "Let there be this... Let there be that..." e kusang magsisilitawan ang mga props enebriting...

Meron nalang kaming 3 days para isakatuparan ang mga makatotohanang mga kathang isip niya. Syempre kasama sa 3 days na yun ang mga oras ng work, working with that project, and time to rest/sleep.

Ang masama dito, wala na talagang natitirang time to sleep, as in, literal! Right after shift, walang uwi-uwi, deretso work sa project na pagdedesign ng pantry para maging horror house. Ni hindi na rin ako nakaligo, promise. Nung next day nga, nag-calls ako na suot ko parin yung suot ko nung nakaraang araw. Ni wala ring time magbihis. Busy ang shower room kahit anong oras akong bakante kaya tiisan ang labanan.

Until... dizizit na!
Halloween party na at oras na para manakot. Bata ang mga bisita, mga anak ng reps. Meron din namang mga reps galing ibang floor ang dumadalaw. Ako ang gumanap na manananggal. Nakacostume ako ng kalahating katawan na may pekeng kay na nakahawak sa kawayan na nakasaksak sa dibdib ko. Habang ang totoo kong kamay ay nakahawak sa aking mga wings para mukang lumilipad lang. Nakatungtong ako sa lamesa sa pantry, iisa ang paa non kaya bawal malikot, babagsak. nakatago ang aking lower body sa background nameng garbage bag.

10 pesos ang bayad ng bawat papasok, marami naman kaming nauto kaya kumita naman. Unang pinapasok ang mga adults, parang dry run. Tapos yung mga bata na.

Mommy: Baby, look up there oh...(sabay turo saken)
Kid: (Kumunot ang nuo, lumaki ang mata) Waaaaahhhhhhh!(Mega cryola ang bata)

At marami pang sunodsunod na maga batang pinaiyak ko kahit hindi na ako kumikilos. Itinatakip ko na nga yung wings ko sa mukha ko pag-umiiyak na sila, baka matroma ang mga bata. Pero pag lampas sa creepy backyard, walang patawad ang mga aswang at multo. Sinisigawan ang mga kids kahit nagmamakaawa na ang mga mommy nilang "Be mild, my son is scared"

Meron namang mga kids na dedma lang. Parang walang kamuwang-muwang sa kung ano ang scary at hindi. Meron namang natuwa pa at sabi "Cool!" daw ang manananggal. Yung mga adult visitors naman, brutal. Naniira ng set. Kelangan naming mag-emergency break para mag-ayos ng set. Meron namang paepal lang, pero karamihan tinawan lang ang pananakot ko. tumatawa lang din daw kasi me. Merong mga nagsabi ang cute ko daw, well, bilang manananggal.

Ang epal dito, nakadipa ako para nakabuka ang aking mga pakpak mula 8 PM hanggang 1 AM, nakatayo sa ibabaw ng lamesa at bawal maglikot, garalgal na ang lalamunan kakasigaw, wala pang kain, wala pang tulog at wala pang kasama dahil yung isang multong kasama ko sa creepy backyard area ay mahilig gumala sa cemetery at hell. Hindi naman ako maka alis kasi nga nakalusot ang katawan ko sa background. Halloween pa ba talaga ito o sinakulo?

Meron namang break paminsan-minsan in-fairness pero... hello? Try mo, baka masgusto mo pang ipako nalang sa krus kaysa maging manananggal, kulang nalang sunugin ako non eh.

Ganon pa man, masaya parin kahit papaano. Maraming tawa moments, lalo pagtakot na takot ang mga bisita. May mga unforgetable moments na pwedeng idagdag sa list ng "ma-forget na lang sana ", char!



Maquoleet-add-comments

Monday, October 24, 2011

Up-close with Vice Ganda

Share

Oct. 23, 2011

For some weird bizarre reason, naisuot ko na bakliktad ang aking undie before going out for malling kahapon, nasa labas ang tahi. Dahil pure black naman siya at hindi ganoon kahalata, hinayaan ko na lang. wala naman sigurong manghuhubo sakin at pagtatawanan ako dahil sa baliktad kong panti. Oo panti nga, bakit, me raklamo?

Medyo maulan nung lumabas kami papuntang Trinoma. Atat lang naman akong mag-malling para mapakinabangan ko naman yung aking wave board. Wala kasing space na malaruan sa bahay, saying naman ang bili ko kung di magagamit.

Kalalakad namin, napadpad kami sa SM North Edsa. Hindi naman ganon kalayo kaya keri lang. Medyo tinapatan na ng ulan ang lakas ng artificial falls ng Sky Garden kaya medyo stranded kami. Tamang-tama naman kasi may mga events. At saktong darating ang “Libera”. Yung mga angelic children all boys choir. Una ko lang silang napanood sa YouTube tapos nandito na sila sa Pilipinas, unexpected kaya nakipagmatiisan din kami sa isang pwesto para hintayin ang kanilang appearance. Hindi naman kami nabigo. Na-frustrate lang. Inexpect ko kasing kakanta sila, autograph signing lang pala. Keri na din, basta nakita ko sila ng personal, OK na yun.

En den, bumalik na kami sa Trinoma para i-meet yung isang fren na nagpaimportante. After eating at Landmark foodcourt, ginalugad namin ang mataong kagubatan ng Trinoma hanggang maiangat kami ng mga hagdan sa last floor, sa may Carrousel. Napansin namin ang kumpulan ng mga langaw sa tae. Charing! Naagaw ang aming atension ng mga kumpulan ng mga tao na mukang may pinagkakaguluhan. Nilapitan namin at may kaguluhan nga. May Mall-tour si Mama Vice Ganda para sa Movie niyang “Private Benjamin”. Wala pang artistang lumalabas pero ang dami ng tao. Hindi na kami nakahanap ng magandang pwesto. Nasa pinakalikod kaming bahagi at talagang malayo na.

Pero dahil wala namang magawa, nakipagmatatagan na naman kami as usual. Hanggang may isa-isa na sa mga cast ang nagsisilabas upang mag-entertain. Nanjan si Vandoph, Nikki Valdez, yung batang hindi ko kilala, yung isa pang madaldal na cast din pero di ko din kilala, tsaka si Carlos Agasi, tapos may isa pang kontrabida daw ang role.

Ni hindi ko nga alam na my mga Movie pala si Mama Vice. FYI kasi eh mula nung mapadpad nga ako dito sa QC ay hindi ako naka-experience ng TV sa bahay. Wala kaming TV! This is not life. Going back, si mama Vice Ganda na ang lumabas! Nagsibanatan na naman ang mga vocal chords ng mga baklitang alagad ng lola mo.

Twing nagtitingkayad kami sa likod para makita sya, kusang-tumtangkad ang mga tao sa harap. Los Valdez ang mga height namen sa likod. Mahiraf Makita ang mama Vice. Pero dahil nasisilip-silp naman siya OK na, dinig naman naming ang mga punchline niya.

Pumirmi nalang ako sa likod at nakontento na nakikita ko ang kanyang teased-hair. Yun lang kinaya e. Hanggang nagpakulo ang lola mo. Nagpa-game ang bruha. Nangalap na ng kalalakihan ang Host dahil yun nga naman ang kaligayahan ng mama Vice ko. Naglibot ang host para mamulot ng lalampuchingin ni mama Vice sa haraf. Nung malapit na sya, tinataas ng fren ko ang aking kamay. Hindi ho naman mahablot pababa ang kamay ko dahil medyo may pilay siya. Nanakit ata sa kakukusot ko kaya kahit lupaypay ay hinahayaan ko lang siyang iwagayway ang aking kamay. Napansin nga ang beauty ko dahil ginatungan pa iyon ng pag-turo sa akin ng isa ko pang fren. Tinawag ako ng Host at pinapasok sa barikada. Hindi ko man lang namalayang malapit nap ala siya sa amin. Ni hindi ko na nga alam na may pa-game pala si mama. Syempre chance ko na yon, super rampa ako kahit hindi ko man lang alam ang kakanain ko sa taas ng stage. Lima kaming pinili mula sa mga kumpulan ng langaw, este audience. Ako ang pinaka-una.

Again, hindi ko alma ang eeksinahin naming. Until, nagkaokrayan na. Magpapakilala daw. Mga tanongs: Pangalan, Edad, Tagasan, ect. Pagkahawak na pagkahawak ko sa mic, nagtitili ako sa tense, haha. Addict lang. Ako pos si blah-blah, chu-chung years old, tili… parang nasabi ko pa ata na “Vice, kaptid mo ako, promise!”…

Tinanong ako ni vice, kong san ako nakatira, sabi ko, “Jan lang, nilalakad lang”. Sabin g lola mo, “Ah, so kung tinakbo ko lalampas ako, ganon?”

Vice: Anong work mo?

Me: Call center agent po.

Vice: Ay, ang mga call center agent magaganda ang boses, wag ka nga lang nila makikita. (tawanan…)

Me: (Sumasagot), kaya nga call center ang pinasok kong trabaho e, (walei!).

Vice: JC, bakla ka ba?

Me: Ay hindi! Hindi obvious! (pumapapel).

Vice: Ah, kala ko addict ka lang! (bumenta!)

At marami pang mga okrayan. Like, nung tinanong niya yung cute na high school na kasama sa napili kung may house na ba siya, sabi wala, tapos sagot ni vice, “Tamang-tama, may karpentero na na” sabay turo sa akin.

And the main event! Doggy Dance! Yun pala an gaming kakanain. Ako nag una pero hindi ko alam kong ano yun. Gaya nga nag sabi ko, wala kaming TV. At kong meron man, hindi rina ako makakanuod ng showtime dahil tulog ako sa umaga, bight shift ako sa work e. Kung face Dance lang ang labanan, baka ako na ang champion. Yun lang ang huling uso sa Showtime na naabutan ko.

Nagtawag siya ng bata sa audience para i-demo ang sayaw. Yun pala yun! Dahil hindi naman talaga ako likas na mananayaw. Pinilit kong gawin ng buong tigas ang aking katawan na parang nagkukusot lang ng buhok! Ayun, lumabas na isa akong, ganap na… addict!

Vice: Ano ba to? Baklang walang talent!

Nagperform ang apat pa at nung natapos nga, botohan na ng winner!

Vice: Sino ang boto sa contestant #1?

Me: Aaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhuhh! (Super tili!)

Audience: (Dedma!)

Vice: Nubayan, wala ka man lang kaibigan!

Hahaha, at least masaya. Na-enjoy ko ang moment na yun, kahit sa totoong buhay ay nangangatog talaga ako sa stage dahil ni hindi ko alam ang aking gagawin noon. Pagkatapos ng botohan (syempre, olats ako) ay kinamayan ako ni mama Vice Ganda at inabutan ng julalay niya ng Poster ng kanyang movie: Praybeyt Benjamin.

Pagbalik ko sa aking mga fren sa likod, pinaghahawakan ko sila, sabi nanlalamig daw ako. Sorry naman, na-starstruck lang!



Maquoleet-add-comments

Friday, October 14, 2011

Thursday the Malas!

Share
October 13,2011


Bwisit! Bwisit! Bwisit!

Regular kong pasok twing Thursday ang 10 pm - 7 am. Ito ang Black Sheep sa aking mga sked sa buong linggo dahil siya lang ang naiiba. All the rest, 11 pm - 8 am. OK sana e kasi maaga makakauwi, masmaaaga makakatulog. Pero dahil nasanay ako sa 11-8 na sked ng sunod-sunod na tatlong araw, nawawala sa isip kong 10-7 pala ako on the next day (Thursday). Consequence? na-late ako ng 30 minutes dahil inakala kong 11-8 ang sked ko, but that was mild, and it happened last week. Mas terible ngayon!


I went to work early today for I know I suppose to log in early at 10pm. I arrived early as expected and I had a lot of time to change my log in password which my system is advising me to expire in 4 days.

Dahil marami nga akong time, pinagwarm-up ko na ang aking mga daliri sa kakatype ng passwords. Sa awa ng Dyos, nakahalos isang dosena na akong palit ngunit wala ni isa sa mga iyon ang tinanggap ng aking system! Sa inis ko, anjang sinubukan ko ang iba-ibang text case ng "BullShit!****", "WalangHiyaKa!*****", "PunyetaKangPCka!****" ngunit wala siyang tinanggap. Parang gusto ko na sanang subukan ang "Penis" ngunit baka sabihin nyang "Your Password is Too SHORT!"... Gusto ko din sanang gayahin si Mr. Bean na gumamit ng password na "incorrect", dahil twing magkakamali sya ng enter, mismong computer ang magpapaalala sa kanya ng "Your password is incorrect!",,,

Paubos na ang aking time at magteten na hindi pa din ako nakapalit ng log-in password kaya ginamit ko nalang ang aking nalalabing avail time to set up my tools. Naset-up ko nga 2 minutes before 10. Kahihintay ko ng 10 para mag-log-in sa system (gamit ang luma at expiring ko nang password), nagbasa-basa muna ako ng emails at nagreview ng mga resources. Basa-basa-basa! Hanggang nakaligtaan kong 2 MINUTES na pala akong late at hindi nakakalog-in sa system!
Putek!


Dali-dali akong naglog-in habang nananalaytay na sa akin ang espiritu ng pagkabanas/bad-trip/bullshit! Isa sa pinaka-high-light ng skejul kong ito ay mag-isa ako sa bay namin ng isang oras! Solo ko ang mundo! Akin ang buong floor! Bida ako ng Castaway Part 2, 3, and so on...


Walang anu-ano ay tumunog ang aking headset, ang sabi... "ToooT!" Syempre super spiel ako ng "Thank you for calling achu-chu-chooo! How can I help you today?"

Customer: "Is there a supervisor or manager that I can speak to?"


Lukresha Mirasol ang drama ng lolei mez! Super de-escalate naman ako pero ang lolo mong Onaks (Kano) na Dispenza pa naman ang apelido ay hindi tumatanggap ng dispensa o apology. He has been on the phone for 4 hours na daw last time he called regarding his concern and no one can help him. I offered assistance naman to the best that I can pero tinutoldukan niya ng "Give me a suppervisor or a manager!" ang bawat statement of frustaration niya.

At sa hinaba-haba ng de-escalation ko na inabot na ng 23 minutes na kinumpirma niyang kalkulado niya din, naganap ang kauna-unahan kong sup-call (Supervisor Call) sa loob ng 6 weeks ko sa floor. Ang sama sa loob na ang pinaka iniiwasan kong mangyari ay nakaenkwentro ko na. Unang call for the day, sup-call pa! Although parang normal lang sa ibang ahente ang kumota ng 3 sup-calls sa isang araw, mabigat sa aking damdamin ang magkaroon ng sup-call. Kahit hindi na ako pumasa sa Q.A. basta lahat ng calls ko ay hindi tinapos ng isang supervisor/manager.


Anu pa nga ba? Naganap na! Akala ko pa naman Friday the 13th ang malas day. Hindi na pala, na-ajust na ng mas-maaga.


At ang twist? Pagkatapos i-notate ng sup ko ang account about the call, I went back to check my sked online, at eto ang pak na pak! 11 pm - 8 am ako ngayon! Putek!

I went to work early thinking that my regular Thursday sked stays the same. Then I found out, palaspas 11-8 pala ang buong week ko! Bwisit! Bwisit! Bwisit!

Kung hindi ako nag-log in ng maaga edi may masmahaba pa sana akong time magset-up ng new Password ko. Hindi ko sana natanggap ang unang sup-call ko. Hindi sana badtrip ang Thursday the 13th kong hinayupak na hindi ko man lang kasi naisip na i-check yung sked ko kahapon o noong nakaraan pang mga araw tuloy nabigyan ko ng maagang quota ang aking supervisor na sick na din sa mga sup-calls...

Naaalala ko pa tuloy ang putakting Mr. Dispenza na ang kapal ng mukang magbanta na sasabihan daw niya ang mga 200 niyang tauhan na ayaw niya sa aming siniserbisyuhang carrier e currently under ibang carrier naman pala siya. Kaya siya siguro bumagsak sa aming credit check up to the maximum try na pwede naming i-offer dahil he's not eligible for our service!






Maquoleet-add-comments