Wednesday, February 17, 2010

Mga Makabagong Salawikain

Share
Mga Makabagong Salawikain

* Nawawala ang ari, ngunit ang uri ay hindi.
Kooly M.: Nawawala ang ari, nagpatransplant kasi.

*Sa larangan ng digmaan, nakikilala ng tapang.
Kooly M.: Sa gitna ng digmaan, ang tumindig ay iwasan.

* Ang bayaning nasugatan, nag-iibayo ang tapang.
Kooly M.: Ang bayaning nasugatan, hatakbo hatulin.

*Ang natatakot sa ahas ay huwag lalakad sa gubat.
Kooly M.: Ang natatakot sa ahas ay cobraphobia.

*Walang matibay na baging sa magaling maglambitin.
Kooly M.: Walang matibay na baging, try mo ang lubid.

*Ang nagtitiis sa hirap, may gihawang hinahangad.
Kooly M.: Ang nagtitiis sa hirap, hindi mayaman.

*Kapag nakabukas ang kaban, natutukso kahit banal.
Kooly M.: Kapag nakabukas ang kaban, mamanukin ang bigas.

*Sa taong may hiya, ang salita’y panunumpa.
Kooly M.: Sa taong may hiya, ang kapos ay kapal-muka.

*Ang lumakad ng matulin, kung matinik ay malalim.
Kooly M.: Ang lumakad ng matulin, kakahingal habulin.

Wednesday, February 3, 2010

Bob Ong Quotes

Share
Bob Ong: Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba.
Kooly M.: Huwag mong bitawan ang nota niya kung di mo keri na hawak ng ibang bakla.

Bob Ong: Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yong pangalawa, kasi hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una.
Kooly M.: Kung dalawa lang ang mahal mo, dagdagan mo pa. Kasi hindi ka naman magmamahal ng dadalawa kung mayaman ka naman. (Muslim ka kaya!)

Bob Ong: Kung hindi mo mahal ang isang tao, huwag kang magpakita ng motibo para mahalin ka niya.
Kooly M.: Kung hindi mo mahal, baka kasi di sya tao. Huwag kang magpakita at magtago para hanapin ka niya. (Siya ngayon ang taya... Tagu-taguan ito!)

Bob Ong: Hiwalayan na kung di na masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa.
Kooly M.: Hiwalayan na kung di na nakapagpapasaya. Wala ng gamot, ubos na ang viagra.

Bob Ong: Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang.
Kooly M.: Pag may mahal ka at ayaw sayo, belat mo! Malay mo sunog kana sa araw ayaw mo pang mag-gluta, nagtitipid ka lang.

Bob Ong: Parang elevator lang yan eh, bakitmo pagsisiksikan yung sarili mo kung walang pwesto para sayo. Ek meron namang hagdan, ayaw mo lang pansinin.
Kooly M.: Para elevator lang eh. Ang damot niyo! Meron namang hagdan, try niyo gamitin.

Bob Ong: Mahirap pumapel sa buhay ng tao. Lalo na kung hindi ikaw yung bida sa script na pinili niya.
Kooly M.: Mahirap pumapel sa malaki ang ulo. Lalo na kung ikaw yung bida pero iba ang script na pinili niya. (Sumbong mo kay direk... Extra lang kaya siya, ambisyosa!)

Bob Ong: Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang.
Kooly M.: Huwag mong hawakan: Mainit! Mabibitawan mo lang.

Bob Ong: Minsan kahit ikaw ang naka-schedule, kailangan mo pa ring maghintay, kasi hindi ikaw ang priority.
Kooly M.: Lalo na kung ang schedule mo ay lypo at si Ruby Rodriguez ang nauna sayo. Masmasebo mas-priority. (Per hour kaya ang bayad ni doc, praktikalan lang!)

Bob Ong: Huwag na huwag kang hahawak kapag alam mong may hawak ka na.
Kooly M.: Huwag na huwag ka nang hahawak kapag may mga hawak ka na... Isubo mo naman. (Baklang 'to! Hindi na nakontento sa isa!)

Wednesday, January 6, 2010

Matanglawin

Share
"Matang-lawit"

Ito po si Kuya Queem. Maging mapanilip, mapagtadyak, mapang-ahas... Matang-lawit!

Alam niyo ba na ang salitang "Matang-lawit" ay nabuo mula sa pinagsanib na salitang "mata(ng)" at "lawit"? Hindi man siya ganon kadaling paniwalaan dahil sa hindi konektadong derivation sa kinalabasan pero maniwala ka nalang.

Ang "mata(ng)" na my scientific name na pares ng bolasis sa ulokosus ay pinaniniwalaang napaliligiran ng mga malakarayom na tinik. Ang maiitim na tinik na ito ay tinatawag namang pampapungayan ng pares ng bolasis sa ulokosus o "eyelashes" sa termino ng mga kanu.

"Lawit" naman ang katumbasng scientific name na bet na bet to ng vekilou na mahilig magbiga-pugay sa pamamagitan ng standing ovation sa mga naglipanang fly-low pay-low pigeon (scientific name for "pok-pok poker face"). Hanggang sa mga oras na ito ay patuloy pa ring isinusulong ng gay community ang pagrebisa sa sayantipikong pangalan ng "lawit" bilang tumayuna sa himaskus panupa sasipsipan. Mariing itong tinuligsa ng mga masisigasig na mananakbo ng oblation run at iginiit na mas akma ang nabitintot nagalet sumuot safuwit bilang sayantipikong pangalan nito. Mainit parin ang debatihan, batihan, pagbati-bati sa mahabang pagmamatigas ng isyung ito.

Pero kungsi Kuya Queem ang tyatanungin, alam na alam ko ang bagay na tawag diyan dahil ako ang tunay na malawit este matang-lawit. "Pagtayukos betlogs kitamus", ito ang kumpletong ideyang hindi kana mapapayuko pa upang kumpirmahin ang katotohanan.

Pero kung ako ang matang-lawit, hindi po ibig sabihin nito na ako'y may pares ng bolasis sa ulokosus (mata) na mahilig bumaling sa bet na bet to ng vekilou (lawit). Ganunpaman, hindi rin po ibig sabihin nito na hindi maaaring magkaroon ito ng posibilidad. Dahil si Kuya Queem... laging mapanilip, mapagtadyak, mapang-ahas... matang-lawit.

Thursday, December 10, 2009

Maala-ala Mo Kaya

Share
"Maler-aler Mez Kayer"

Dear Charo,

Chenilyn charito chenilou chorvaloo iskimbertus eklabern hephep horay. Nung mega iskrang na si fudra kez, keri na ang super pampeyj. So awching to da heart pero effect na mag-out. Was na jojombag tuwing juram kez ang bra-kadabra ni mudra. Trulili na ang muk-ap kez sa fezlak at wez black-eye shadow dahil sa left and right combinasyon ni fudra. Pink blush on na Charo ang megapahid kez sa fez... wit na concealer to cover my pasa.

Charo, super buy-lak akez ng wigalet na mega long long na kulay talong with konting curly sa dulo mula sa anda na kinita kez sa pagbargain ng batuta ni fudra kez. Sa sukli, keri kez pang kumalkal ng backless doonerz sa UK-UK. Wit na akez masa-shy sa mga ka-feather na vekilou na chikibell namanerz dahil leveling ang high-heel ni ateng na hinarbat kez. Shining shimering bling-blig ba Charo? Madomo din ditey... megagivsung ni friendship na vakloushee.

Isang gabu Charo, gumora akez upang magwokaton sa jiskinita at naka-sight akez ng super B.Y. na ombre. Wit kez makeri ang pagpipigil kumapa-kapa dear Charo. Megagapang ang mga gabi as in makakati kong fingerz. Mali as in wrong dear Charo ang nasa mind mez. Sa loob ng mga bulsa kez nagsisuot ang akong mga kamot. Bet kez ma-learn nong mga clock na yunerz if may anda pa akez na keri i-booking ang ombre. Madam Auring Charo as in "Guest what Charo?", bongayshoos itey dahil mayroonerz pa akez one quiao after kez magshopping ng mga bintana as in window shop-lifting (wa konek). Efek na efek pang pampayola itey sa kokak (hada). Mega talak kez sa ombre na bet kez pajer-jer Charo at mega song ng long nota. Charo wagi ang drama. Wez pakipot ang papa nang ma-sight ang dakota kong anda na tres-headed.

Charo, mega panomo ang ombre ng "the bar" at super punggay ang beauty kez. Award winning ang binyagan at pagsuko sa Bataan. Kayalang dear Charo juliktad ata ang milagro nung gabung yoonerz. Wit kez pa keri ang maging mudra. Charo mega-late na ang everything nang ma-knowing kez ang trulili na ako'y najikot. ang jumerjer sa kyoken ay isang tander na tibuli. Kaloka Charo nang majodat kez ang hunyango as in magpanggap na bilat. Halos matiblos akez sa lason na nakavolt-in kez. To the maximum eeeew level. Na-Luz Valdez akez nooners sa self kez Charo.

Waz ko bet ng ganitis. Bet kez maging mudra... wit fudra. Ombre ang bet kes... wit tibuli. Darna akez Charo! Anez eksena kez ngayonerz? Kaka-olay itiz! Anez churva mez Charo? Charuhin mez akez dear Charo ng mega bungga!



"Kalukresha!"


Wednesday, December 2, 2009

TSPI: Story Behind

Share
(True to Life Story)

Sa mura niyang edad na disinuyebe, kahelera na ni bunso ang mga beteranong dalawambeses ng lumampas sa kalendaryo ang gulang. Sa unang tingin sa kanyang maamo't bubot pang anyo ay hindi mo aakalaing tumatahak na siya ng ganoon kalaking pakikipagsapalaran sa buhay. Nagpasama siya sa akin upang saksihan ang kanyang panunumpa. Sa kanyang mga kinikilos at reaksiyon sa mga mga bagay-bagay sa loob ng opisina, hindi kaila ang naturtal na paglabas ng kanyang kamusmusan. Pagkatapos niyang manumpa at bibong pinagsasagot ang mg asimpleng katanungan, deklaradong isa nang ganap na nanay si bunso.

Isang titulong pinagtatawanan lang niya ngunit nangangahulugan ng isang seryosong obligasyon ayon sa kanyang sinumpaan sa harap ngiba pang mga nanay, ng chief executive ng sangay na siyang nagsagawa ng interview, at ng Diyos na siyang katuwang sa pagtupad ng sinumpaan.

Isang titulong ikinabit bago ang kanyang pangalankapalit ang hiling na pagkatiwalaan ng maliit lamamng na halagang malaking tulong sa pagsisimula ng kabuhayan.

Pagkatapos ng interview ay pinaupo na siya ng Chief Executive (CO) ng sangay. Nasalamin siguro ang buhay ng isang kasapi mula sa sentro na una niyang pinanggalingan. Pansamantala niyang inantala ang progreso ng pag-iinterbiyu sa natitira pang kasapi upang ibahagi ang kwentong babago sa mga pananaw ng bawat isa sa paghuhusga.

…May isang ginang na nais maging kasapi upang makahiram ng halagang pamumuhunan sana sa kabuhayang itatatag. Ngunit dahil mapanghusga ang mga mata ng nasa sentrong sumasakop sa kanya, nagdalawang-isip silang tangapin siya dahil baka maging kasiraan siya sa magandang record ng sentro. Malaki ang kanilang pangamba na baka maging pabigat lang siya dahil ang mga kasapi ang babalikat sa kanyang obligasyon sakaling makaligtaan nito ang bayaran.

Hindi naman siya masisi dahil kung tutuosin nga naman ay isang hamak na construction worker lang ang kanyang asawa. Nakatira lang sila malapit sa reyles at ang tanging pinagkakakitaan ay ang paglalako ng mga usbong ng kangkong mula sa sapa malapit sa kanilang tagpi-tagping barong-barong. Dahil doon ay nangibabaw sa mga kasapi ang larawan ng pobreng walang pag-asa kaysa sa pagnanais na matupad ang isang pangarap dahil sa tulong sana na magmumula sa pagsang-ayon nila bilang mga kasapi.

Pinaalala ng chief executive ang bahagi ng isang linyang kanilang sinumpaan ng sila’y nagsisismula pa lamang, “…tulungang umunlad ang mga kasapi…”, ayon sa aking pagkakaalala. Binigyan ng CO ng pagkakataon ang ginang na maging isa ring nanay at pinagkatiwalaan ng halagang madali lang niyang sulusyunan ang lingguhang pambayad.

Mula sa tatlong-libong pisong ipinagkatiwala sa kanya, sinikap ng nanay na hindi mawalang-saysay ang tiwalang binigay sa kanya. Nagsimula siya sa simpleng pagtitinda ng sari-sari ayon sa naiisip niyang magiging mabenta sa kanilang lugar, gaya nang sardines, noodles, sigarilyo at alak. Hanggang lumaon ay unti-unting lumalago ang munti niyang negosyo. Sa tulong ng Diyos ay linguhan nanman niyang natutugunan ang kanyang obligasyon sa sentro. Nagpatuloy ang nanay hangagang makumpleto niya ang isang buong cycle kung saan ay naitalang nakapagbayad siya ng obligasyon na umabot sa halagang benti mil mula lamang sa dating maliit na hanap-buhay.

Sinigurado niyang hindi maaaksaya ang tiwalang ipinagkaloob sa kanya na hindi niya ganoon kadaling nakamit dahil sa hadlang na estado sa buhay. Ngunit pinatunayan niyang isa siyang disiplinadong kasapi sa pamamagitan ng pagiging responsible sa obligasyon sa kabila ng kanyang mababang estado sa buhay.

Bago dumistino ang CO sa ibang sangay, inimbitahan siya ng nanay sa kanyang bahay upang ipakita ng isang surpresa. Inasahan ng chief executive na gaya lang iyon ng mga ordinaryong surpresa… may ipapakitang pag-unlad sa anyo ng bahay o negosyo o di kaya’y may isang bagay na ibibigay sa kanya bilang regalo ng pasasalamat.

Pagdating nila sa bahay ng nanay, kapuna-puna nga ang malaking pagbabagong nayo ng mga tagpi-tagping dingding nito sa isang pulidong plywood. Mas nagmukya na ring sari-sari store ang dati nitong tinda-tindahan. Ipinagmalaki pa ng nanay na nakapag-uulam na sila ngayon ng munggo na may halong tilapiya o tinapa at kung sinuswerte ay kaunting karne ng baboy.

Pinatuloy ng nanay ang CO sa bahay-na-ring-maituturing na tinutuluyan upang ipakita ang tunay na surpresa.

“Nay, asan na po ang surpresa niyo?”, inip na tanong ng CO.
“Mam, eto po oh!” pagmamalaking turo ng nanay sa electric fan.
“Nay,… ano naman po ang kakaiba diyan?” halos dismayadong tanong ng CO.
“Mam naman, nabili ko po ‘yan. Iyan po ang naipundar ko mula sa perang ipinagkatiwala niyo sa akin, at napalago ko sa tulong ng Diyos”, masayang pagdedepensa ng nanay. “Kung hindi po dahil sa tiwalang binigay niyo sa akin, baka po hanggang ngayon, umaasa pa rin po ako sa barya-baryang kinikita ko mula sa mga talbos ng kangkong. Salamat po Mam!”

Bahagyang nabasa ng luha ang mga mata ng mga nanay sa tanggapan dahil sa maka-kurot-pusong istorya ng buhay ng isang nanay ding katulad nila.

Sa paglabas naming sa silid ay tumatak sa aming isipan ang kwentong iyon. Napagtanto naming ng nanay na ring si bunso na seryosong bagay pala ang kanyang sinuong. Hindi ito basta katuwaan lang gaya ng aming inaakala. Sa mura niyang edad ay kailangan na niyang gampanan ang obligasyon ng isang ganap na nanay. Nanay na tutugon di lamang sa nangangailangang kasapi kundi nanay ding sumusuporta sa ikauunlad ngkanyang pamilya gaya ng isa rin sa kanyang mga sinumpaan. Dalawa na ang nanay sa bahay ngayon, ngunit napakabata pa ni bunso para sa obligasyonng iniatang sa kanya. Hanggang ngaon, pinagkakatuwaan pa rin naming ang taguring nanay sa kanya.