Thursday, December 10, 2009
Maala-ala Mo Kaya
Share |
Dear Charo,
Chenilyn charito chenilou chorvaloo iskimbertus eklabern hephep horay. Nung mega iskrang na si fudra kez, keri na ang super pampeyj. So awching to da heart pero effect na mag-out. Was na jojombag tuwing juram kez ang bra-kadabra ni mudra. Trulili na ang muk-ap kez sa fezlak at wez black-eye shadow dahil sa left and right combinasyon ni fudra. Pink blush on na Charo ang megapahid kez sa fez... wit na concealer to cover my pasa.
Charo, super buy-lak akez ng wigalet na mega long long na kulay talong with konting curly sa dulo mula sa anda na kinita kez sa pagbargain ng batuta ni fudra kez. Sa sukli, keri kez pang kumalkal ng backless doonerz sa UK-UK. Wit na akez masa-shy sa mga ka-feather na vekilou na chikibell namanerz dahil leveling ang high-heel ni ateng na hinarbat kez. Shining shimering bling-blig ba Charo? Madomo din ditey... megagivsung ni friendship na vakloushee.
Isang gabu Charo, gumora akez upang magwokaton sa jiskinita at naka-sight akez ng super B.Y. na ombre. Wit kez makeri ang pagpipigil kumapa-kapa dear Charo. Megagapang ang mga gabi as in makakati kong fingerz. Mali as in wrong dear Charo ang nasa mind mez. Sa loob ng mga bulsa kez nagsisuot ang akong mga kamot. Bet kez ma-learn nong mga clock na yunerz if may anda pa akez na keri i-booking ang ombre. Madam Auring Charo as in "Guest what Charo?", bongayshoos itey dahil mayroonerz pa akez one quiao after kez magshopping ng mga bintana as in window shop-lifting (wa konek). Efek na efek pang pampayola itey sa kokak (hada). Mega talak kez sa ombre na bet kez pajer-jer Charo at mega song ng long nota. Charo wagi ang drama. Wez pakipot ang papa nang ma-sight ang dakota kong anda na tres-headed.
Charo, mega panomo ang ombre ng "the bar" at super punggay ang beauty kez. Award winning ang binyagan at pagsuko sa Bataan. Kayalang dear Charo juliktad ata ang milagro nung gabung yoonerz. Wit kez pa keri ang maging mudra. Charo mega-late na ang everything nang ma-knowing kez ang trulili na ako'y najikot. ang jumerjer sa kyoken ay isang tander na tibuli. Kaloka Charo nang majodat kez ang hunyango as in magpanggap na bilat. Halos matiblos akez sa lason na nakavolt-in kez. To the maximum eeeew level. Na-Luz Valdez akez nooners sa self kez Charo.
Waz ko bet ng ganitis. Bet kez maging mudra... wit fudra. Ombre ang bet kes... wit tibuli. Darna akez Charo! Anez eksena kez ngayonerz? Kaka-olay itiz! Anez churva mez Charo? Charuhin mez akez dear Charo ng mega bungga!
"Kalukresha!"
Wednesday, December 2, 2009
TSPI: Story Behind
Share |
Sa mura niyang edad na disinuyebe, kahelera na ni bunso ang mga beteranong dalawambeses ng lumampas sa kalendaryo ang gulang. Sa unang tingin sa kanyang maamo't bubot pang anyo ay hindi mo aakalaing tumatahak na siya ng ganoon kalaking pakikipagsapalaran sa buhay. Nagpasama siya sa akin upang saksihan ang kanyang panunumpa. Sa kanyang mga kinikilos at reaksiyon sa mga mga bagay-bagay sa loob ng opisina, hindi kaila ang naturtal na paglabas ng kanyang kamusmusan. Pagkatapos niyang manumpa at bibong pinagsasagot ang mg asimpleng katanungan, deklaradong isa nang ganap na nanay si bunso.
Isang titulong pinagtatawanan lang niya ngunit nangangahulugan ng isang seryosong obligasyon ayon sa kanyang sinumpaan sa harap ngiba pang mga nanay, ng chief executive ng sangay na siyang nagsagawa ng interview, at ng Diyos na siyang katuwang sa pagtupad ng sinumpaan.
Isang titulong ikinabit bago ang kanyang pangalankapalit ang hiling na pagkatiwalaan ng maliit lamamng na halagang malaking tulong sa pagsisimula ng kabuhayan.
Pagkatapos ng interview ay pinaupo na siya ng Chief Executive (CO) ng sangay. Nasalamin siguro ang buhay ng isang kasapi mula sa sentro na una niyang pinanggalingan. Pansamantala niyang inantala ang progreso ng pag-iinterbiyu sa natitira pang kasapi upang ibahagi ang kwentong babago sa mga pananaw ng bawat isa sa paghuhusga.
…May isang ginang na nais maging kasapi upang makahiram ng halagang pamumuhunan sana sa kabuhayang itatatag. Ngunit dahil mapanghusga ang mga mata ng nasa sentrong sumasakop sa kanya, nagdalawang-isip silang tangapin siya dahil baka maging kasiraan siya sa magandang record ng sentro. Malaki ang kanilang pangamba na baka maging pabigat lang siya dahil ang mga kasapi ang babalikat sa kanyang obligasyon sakaling makaligtaan nito ang bayaran.
Hindi naman siya masisi dahil kung tutuosin nga naman ay isang hamak na construction worker lang ang kanyang asawa. Nakatira lang sila malapit sa reyles at ang tanging pinagkakakitaan ay ang paglalako ng mga usbong ng kangkong mula sa sapa malapit sa kanilang tagpi-tagping barong-barong. Dahil doon ay nangibabaw sa mga kasapi ang larawan ng pobreng walang pag-asa kaysa sa pagnanais na matupad ang isang pangarap dahil sa tulong sana na magmumula sa pagsang-ayon nila bilang mga kasapi.
Pinaalala ng chief executive ang bahagi ng isang linyang kanilang sinumpaan ng sila’y nagsisismula pa lamang, “…tulungang umunlad ang mga kasapi…”, ayon sa aking pagkakaalala. Binigyan ng CO ng pagkakataon ang ginang na maging isa ring nanay at pinagkatiwalaan ng halagang madali lang niyang sulusyunan ang lingguhang pambayad.
Mula sa tatlong-libong pisong ipinagkatiwala sa kanya, sinikap ng nanay na hindi mawalang-saysay ang tiwalang binigay sa kanya. Nagsimula siya sa simpleng pagtitinda ng sari-sari ayon sa naiisip niyang magiging mabenta sa kanilang lugar, gaya nang sardines, noodles, sigarilyo at alak. Hanggang lumaon ay unti-unting lumalago ang munti niyang negosyo. Sa tulong ng Diyos ay linguhan nanman niyang natutugunan ang kanyang obligasyon sa sentro. Nagpatuloy ang nanay hangagang makumpleto niya ang isang buong cycle kung saan ay naitalang nakapagbayad siya ng obligasyon na umabot sa halagang benti mil mula lamang sa dating maliit na hanap-buhay.
Sinigurado niyang hindi maaaksaya ang tiwalang ipinagkaloob sa kanya na hindi niya ganoon kadaling nakamit dahil sa hadlang na estado sa buhay. Ngunit pinatunayan niyang isa siyang disiplinadong kasapi sa pamamagitan ng pagiging responsible sa obligasyon sa kabila ng kanyang mababang estado sa buhay.
Bago dumistino ang CO sa ibang sangay, inimbitahan siya ng nanay sa kanyang bahay upang ipakita ng isang surpresa. Inasahan ng chief executive na gaya lang iyon ng mga ordinaryong surpresa… may ipapakitang pag-unlad sa anyo ng bahay o negosyo o di kaya’y may isang bagay na ibibigay sa kanya bilang regalo ng pasasalamat.
Pagdating nila sa bahay ng nanay, kapuna-puna nga ang malaking pagbabagong nayo ng mga tagpi-tagping dingding nito sa isang pulidong plywood. Mas nagmukya na ring sari-sari store ang dati nitong tinda-tindahan. Ipinagmalaki pa ng nanay na nakapag-uulam na sila ngayon ng munggo na may halong tilapiya o tinapa at kung sinuswerte ay kaunting karne ng baboy.
Pinatuloy ng nanay ang CO sa bahay-na-ring-maituturing na tinutuluyan upang ipakita ang tunay na surpresa.
“Nay, asan na po ang surpresa niyo?”, inip na tanong ng CO.
“Mam, eto po oh!” pagmamalaking turo ng nanay sa electric fan.
“Nay,… ano naman po ang kakaiba diyan?” halos dismayadong tanong ng CO.
“Mam naman, nabili ko po ‘yan. Iyan po ang naipundar ko mula sa perang ipinagkatiwala niyo sa akin, at napalago ko sa tulong ng Diyos”, masayang pagdedepensa ng nanay. “Kung hindi po dahil sa tiwalang binigay niyo sa akin, baka po hanggang ngayon, umaasa pa rin po ako sa barya-baryang kinikita ko mula sa mga talbos ng kangkong. Salamat po Mam!”
Bahagyang nabasa ng luha ang mga mata ng mga nanay sa tanggapan dahil sa maka-kurot-pusong istorya ng buhay ng isang nanay ding katulad nila.
Sa paglabas naming sa silid ay tumatak sa aming isipan ang kwentong iyon. Napagtanto naming ng nanay na ring si bunso na seryosong bagay pala ang kanyang sinuong. Hindi ito basta katuwaan lang gaya ng aming inaakala. Sa mura niyang edad ay kailangan na niyang gampanan ang obligasyon ng isang ganap na nanay. Nanay na tutugon di lamang sa nangangailangang kasapi kundi nanay ding sumusuporta sa ikauunlad ngkanyang pamilya gaya ng isa rin sa kanyang mga sinumpaan. Dalawa na ang nanay sa bahay ngayon, ngunit napakabata pa ni bunso para sa obligasyonng iniatang sa kanya. Hanggang ngaon, pinagkakatuwaan pa rin naming ang taguring nanay sa kanya.
Subscribe to:
Posts (Atom)