Wednesday, February 17, 2010

Mga Makabagong Salawikain

Share
Mga Makabagong Salawikain

* Nawawala ang ari, ngunit ang uri ay hindi.
Kooly M.: Nawawala ang ari, nagpatransplant kasi.

*Sa larangan ng digmaan, nakikilala ng tapang.
Kooly M.: Sa gitna ng digmaan, ang tumindig ay iwasan.

* Ang bayaning nasugatan, nag-iibayo ang tapang.
Kooly M.: Ang bayaning nasugatan, hatakbo hatulin.

*Ang natatakot sa ahas ay huwag lalakad sa gubat.
Kooly M.: Ang natatakot sa ahas ay cobraphobia.

*Walang matibay na baging sa magaling maglambitin.
Kooly M.: Walang matibay na baging, try mo ang lubid.

*Ang nagtitiis sa hirap, may gihawang hinahangad.
Kooly M.: Ang nagtitiis sa hirap, hindi mayaman.

*Kapag nakabukas ang kaban, natutukso kahit banal.
Kooly M.: Kapag nakabukas ang kaban, mamanukin ang bigas.

*Sa taong may hiya, ang salita’y panunumpa.
Kooly M.: Sa taong may hiya, ang kapos ay kapal-muka.

*Ang lumakad ng matulin, kung matinik ay malalim.
Kooly M.: Ang lumakad ng matulin, kakahingal habulin.

3 comments:

Anong say mo?