Sunday, November 27, 2011

Ligawan sa Divi...

Share
As usual, nakasanayan na ng team namin ang gumala every after friday shift. Lalo pa at sahod. This time, ginalugad namin ang kasukalan ng Binondo at Divisoria para lang ipagdiwang ang pagtanda ng aking kakambal... sa uma. Nag-birthday kasi siya kaya nagpa-blow-out daw, kahit medyo huli na. Para sa inyong kaalaman, siya ang aking alter-ego. Siya si Mistika, ako si Luna. Siya si Bendita, ako naman si Agua. At siya si Kristal, ako naman si Charming. Nauna lang siya lumabas sa akin ng dalawang araw, kaya ganto itsura ko, medyo over-due.

Anyway, after ng lafangan, eto na nga't nagsimula na kaming makihalu-bilo sa kumpulan ng mga taong may sari-sari nang amoy dahil nga bandang ala-una-alas dos na ng hapon iyon. Iisa ang pakay, ang marating ang 169 Mall. Sa sobrang siksikan ng mga tao, akala mo e rush hour sa MRT. Kahit di ka gumalaw e kusa kang lilipat sa kakakaladkad sayo ng mga nagtutulakang tao. Matatawa ka nalang sa mga isinisigaw ng mga nila.

Mama 1: "HUWAG KASI KAYONG SUMALUBONG, HINDI NAMAN KAYO KAMAG-ANAK! ANG SALUBONG SA AIRPORT, HINDI DITO!"

Mama 2; "SAAN BA ANG LIBING NITO? ANG HABA NG PROSISYON AH."

Ako: (nakisawsaw na...) "ANO BA ANG PINAGLALABAN NATIN DITO?" (mala-rally kasi eh)

Ni hindi ka makayuko para mamili ng mga produkto. Napakaraming panindang mukang hindi naman ginagamit sa buhay. Hindi ka rin makapili kung may type kang bilhin dahil isang grupo kaming nagbubuntutan. Paghuminto ka, sa "Lost and Found Section" ka na matatagpuan. Hanggang natunton din namin aming pakay, Food Court ng 169 Mall, (Disclaimer: Hindi ko sure yung numero ng mall, parang 69 kasi yung naaalala ko eh), take note, galing lang kami sa lamunan nito ah.

After magtambay-tambayan nung iba, mag-shopping-shoppingang nung iba pa, at mag-idlip-idlipan nung isa (ako yun), nagdesisyon na kaming rumampa. Muli, sinuong namin ang kasukalan ng Divisoria. Hiwa-hiwalay na sa puntong ito. Uwian mode na poh...

Kaming dalawa na lang ni landlord/lady ko ang magkasamang uuwi. 4:00 pm na nung sumakay kami pauwi. Sumakay kami ng jeep mapuntang Morayta, at sagot daw muna niya ang pamasahe. Mula doon, isang sakay pa papuntang North Edsa. Naks, kala mo mahusay sa direksyon oh. Dahil antok na antok na talaga ako, umidlip, este, nag-check-in ako sa jeep. Super tulog ang aking ginawa. Kampante ako dahil may kasama naman ako. kahit sa totoong buhay, wala talaga akong kaalam-alam sa lugar.

Tulog... tulog... tulog... Paggising ko, VOILA! Nandito na ako. OPO, AKO LANG! Wala na ang aking kasama. At kung asan na bang lupalop ako? Guess where... Nasa kasukalan uli ako ng DIVISORSIA! Umikot na ang jeep mula Morayta pabalik ng Divi... PATAY! Hindi ko talaga kabisado ang lugar. To be honest, second time ko palang sa lugar na yon, well bale third time na since ibinalik nga ako ng jeep.

Bumaba ako at tumawid ng footbridge. Naki-tsismis sa mga barker. May sumisigaw ng "Ang Cubao sa kabila poh!" Dan-da-dan! Basta makarating lang ako ng EDSA, buhay na ko. Lipat ako agad sa kabila. Putek, ang mga jeep papuntang Morayta lahat. Eh di ko nga alam yung lugar diba? Hintay lang ang beauty, tiis ganda lang muna. Binggo! May jeep na may tatak na "MRT"... Mailiit lang ang pangalan pero since MRT, EDSA yon, sakay ako agad. Sa harap ako umupo para makapagtanong sa driver.

Me: "Kuya, saang MRT station po ba to dadaan?"

Driver: "SAAN KA BA?!" (hyper sa highblood si kuya)

Me: "Sa MRT nga po, anong estasyon po ba dadaanan natin?"

Driver: "SAAN KA NGA?!!" (Umuusok na ang tenga sa galit!)

Me: (Sorry po, nagtatanong lang), "Kahit anong estation na lang poh!" (Tameme...)

Umandar kami patungong kung saang direksyon. Nagsiaabutan na ng pamasahe ang ibang mga pasahero. Nakigaya na din ako. Suplado talaga ang mama, sabi "HAWAKAN MO MUNA!", tapos bigla syang pumarada sa gilid. May balak palang mag-counter-flow ang tsuper. Agad kaming sinalubong ng parak. Sinasabi ko na nga bang hindi gagawa ng maganda ang mama eh, nasa ugali naman. Umatras siya agad at nagpaharurot sa tamang direksyon, not to mention na tunog lata na talaga ang andar namin at may time pang tumirik ang jeep sa crossing. Nag-aangas look nadin ako dahil sa pagka-rude ni manong. Maya-maya, inabutan niya ako ng sukli kahit di ko pa binibigay yung pamasahe ko, nakonsensya atang nauto niya ako nung sinabi niyang "HAWAKAN MO MUNA!"


Kung saan-saang iskinita siya naglulusot. Pero kita ko padin yung mga tuktok ng matataas na buildings sa Divi, naiiba lang ng anggulo pero yun padin yon. Hindi pa din ako nakakalayo. Bigla niya akong inihinto sa siksikan ng mga tao. Sa isip ko, "Ano ito? Divi ulit?" pero pinutol niya ang aking pagdududa, andito na tayo sa LRT. "HUWAAAAT????!!!"

Me: "Kuya 'kala ko ba MRT?"

Driver: "Eto na nga yon, LRT."

Me: "MRT ako kuya, ayan po oh!", sabay turo sa plakard ng jeep niya, (MRT)

Driver: "Eto na yon, LRT ang tawag jan, ang MRT nasa EDSA..."

Pu*****-inang... alam naman pala niyang nasa EDSA ang MRT at hindi siya dadaan don, bakit niya inilagay sa karatula niya! Putakteng... ang sarap paglalamukusin ang pagmumuka ng pu****-inang... bumaba nalang ako sa inis. Naghananp ako ng Taxi dahil yon lang ang nasa isip kong pwedeng sakyang hindi ako maliligaw kahit matulog pa ako. Buti na alng wala. Dahil hindi ko din tantiya ang distansya ko mula sa EDSA. Sa kalalakad ko, napansin kong nasa harap pala ako ng Isetan, ganon pa man, walang kwenta yon, hindi ko alam kung saang bahagi na ako ng kagubatan. Wala akong load at lowbat pa ang CP ko.

Abang... abang... abang... AYUN! May dumaan na jeep to Cubao. Hinabol ko at sumakay. Hindi ko talaga tinulugan ang biyaheng iyon. Napakahaba ng lakbay. Kasing haba ng reyles ng LRT. Dahil mula nung sumakay ako, nakaparallel ang aming kalsada sa reyles ng LRT, na by the way e hindi ko alam sakyan. Oo, araw-araw ako s umasakay ng MRT pero hindi ko alam ang sistema ng LRT, promise. Ang haba-haba... nakakainip. Sa sobrang haba, pakiramdam ko nakabalikan na ako ng North to Taft. Misan naiisip kong yun na ang Cubao pero bakit hindi ko pa din ramdam ang EDSA, sa dulo na ako umupo para tanaw na tanaw ko ang paligid. Kilala ko ang Cubao. Alam ko kung andon na ako. Tyaga lang dai.

Hanggang, finally! Narating ko din ang Cubao. Lumundag na ako ng jeep bago pa makarating ng Aurora, mahirap na, baka maligaw pa ulit.

Mga lampas ala-sais na ako nakarating. mula doon ay konting lakad pa hanggang makarating sa sakayan ng bus. Home-Sweet-Home! Naka-uwi rin! At ang hayop na nang-iwan saken, ang sarap ng tulog. Ni walang bakas ng pag-aalala sa muka. Ang sarap balibagin ng bangungot!

May lakad pa ako ng bandang 8:00 pm. Kahit pagod, nag-igib ako ng panligo at naghanda ng maisusuot. May 30 minutes pa ako. Humiga lang ako saglit para magpahinga. Paggising ko, "Hello sunshine!" na po ang batian... Pasensya naman, nailigaw lang. Kala ko pa naman joke-joke lang ni landlord/lady na palalayasin niya ako, yun pala dinadaan niya sa panliligaw sa boarders niya ang pagpapalayas. Pasensya siya, malakas amoy niya. Nasundan ko siya. Pang-ilang araw na kaya niyang walang-ligo...

Maquoleet-add-comments

Wednesday, November 16, 2011

Silip at Hipo

Share
Mula sa di ma-trace na kadahilanan, bigla nalang nagkatakutan sa bahay kanina.
Eto kasing si LandLord-slash-LandLady na kinasasampidan namin ay biglang nagkwento ng mga nakakatakot na naranasan niya. Siguro ay naalala niya lang bigla dahil nga kagagaling niya sa kanilang probinsya last weekends para sa libing ng kanyang sumakabilang-buhay na lolo.

Meron daw kasing nagpapa-cute sa kapatid nitong white-lady. Nung bata pa raw siya, meron na yun pero recently lang ang pinakamalala. May isang pagkakataong ginabi daw siya ng uwi sa kanila. Medyo baryo at magubat daw kasi sa kanilang lugar sa probinsya. May madadaanan daw kasing abandonadong bahay bago yung sa kanila. Nung pagkatapt daw niya sa bahay, may sumisitsit nanaman sa kanya. Lumingon siya sa likod pero wala... eto na, lumingon siya uli sa harap... BULAGA! Wala pa din, kaliwa, kanan wala. Pagtingala niya, BUH! Andon siya! Ang suitor niyang white lady.

Nagtitili na kami nung makwento nya yun. Lalo na kagagaling lang dito sa tinutuluyan namin yung kapatid niya. Panu kung nasundan siya non? Tapos natipuhan niya yung syota ng isa naming roommate, edi nagpaiwan yung white lady samen... O kaya habang pagalagala yung white lady sa Trinoma nakakita ng maraming maspapabols kung kani-kanikanino lumingon-lingon, hanggang sa mahilo siya sa dami ng choices tapos maisip niyang bumalik nalang sa kapatid ni landlord/landlady. Kaya lang hindi namalayan ng ghost na nakasakay na pala ng bus pauwi sa probinsiya yung boylet na ini-stalker-an niya, edi tumambay ngayon yung white lady sa bahay para sa pagbabalik nung kanyang childhood sweethart. No-Way!

Nadagdagan pa ang mga mala-"True Philippines Ghost Stories" naming kwentohan. Dito na nga pumasok ang usapang silip at hipo. Syempre usapang multo pa din, hindi to manyakan, wag kang bastos.

May kwento daw kasi sa isang boarding house. Nagtatatka ang isang boarder dahil sa gabi-gabing pagkalabog sa kabilang kwarto. Sumilip siya sa maliit na butas ngunit matingkad na kulay bughaw lamang ang kanyang nakita. Bughaw is blue, OK, drama epek lang. Ilang gabi din syang sumilip ngunit parehong bagay lang talaga ang kanyang nakikita, matingkad na kulay asul, (blue din yon, ok).

Kinabukasan, nagtanong siya sa landlady tungkol sa kung anong meron sa kabilang kwarto. Sinabi sa kanyang may namatay kasi sa kwartong iyon ng hindi nila alam ang dahilan. Basta ang pinakanaalala lang sa kanya ay ang kulay blue niyang mata. Kinilabutan ako sa kwento.

May parehong kwento naman daw ang pinsan ni Landlord namen. Sumilip din daw ito sa dingding sa bahay ng kapit-bahay na kalaro. Inaasahang gubat ang kabilang banda ng dingding ngunit kulay pula ang tumambad sa kanya pagkasilip. Mabilis syang umatras at hindi na bumalik sa bahay ng klaro, forever. Nilagnat sya afterwards.

Hipuan naman ang sumunod, kwentong multo padin, no-chance na magiging mayakan ito, wag ka na umasa.
Sa CR daw ng aming company, my isang nagdeposito sa banko de negro. Sa tuwing yuyuko daw sya, pakiramdam niya ay may humihipo sa kanyang... noo. Kung bakit naman noo pa ang hihipuin sa kanya eh lantad na lantad na ang kanyang pagkatao. Suguro ay malapit kasi yun sa tagabuga ng kanyang sama ng loob, "mahirap na", 'ka ng multo. "Baka iba pa ang makapa ko, ew!" dagdag pa niya. Char lang!

Nag-usisa din ang biktima ng hipo. Tinanong sa guard kung bakit meron ngang nanghihipo ng noo niya nung nagbabanyo sya. Sabi ng guard, baka yun daw yung paa nung nagbigti sa cubicle na iyon. Ew! Nangilabot uli ako.

Syempre marami pang mga takutang kwento ang tinilian namin.
Hanggang sa dumating na sa point na kelangan ko ng maligo dahil papasok pa ako (night-shifter, to remind). Ang problema, kelangan ko pang mag-igib ng tubig pero yung mga timba ay lahat naiwan sa banyo nung huling naligo. Wala kaming ilaw sa banyo, flashlight lang ang gamit namin. Ginamitan ko nung flashlight sa fone ko, (oo, cheap lang ang phone ko, de-flashlight, anu ngayon?) pero for some wierd bizzare reason, biglang namamatay yung fone ko,,, nagtitili ako at natatakot. Tapos pag-inanabot ko sa loob yung timba biglang kinakalabog ni landlord yung yerong dingding. O kaya nagpapatunog sya ng creepy sound effects sa fone niya.

Ang tagal bako ko nabura ang takot sa aking systema at sa wakas nakaligo din. Habang nagsasabon ako, tuloy naman sa pananakot ang pi-yu-ti-ey! Twing nasa bahay daw siya ni lolo niya, ayaw niyang maligo ng nagsasabon sa muka. Dedma lang naman ako, anu naman ngayon? Nagtanong yung isa king bakit habang nagsasabon na ako ng mukha noon. Sabi niya, kasi feeling ko pagdididlat ako biglang bubulaga si sadako. "AYYYYYYyyyyyy!" Bigla kong hinawi yung kurtina at lumundag palabas. Pinagtatawanan nila ako pero talagang natatakot ako nung oras na yon. Itinuloy klo nalang anhg paliligo ng half-way open yung kurtina ng banyo para kita ko sila.

Hindi naman ako talagang matatakutin In fact, Kaya ko ngang dumaan sa simenteryo samen kahit fullmoon at hating-gabi, take note, nang mag-isa, walang takot factor at all. Ewan ko lang talaga kung ba't takot na takot ako noon. Hmmmnnn!



Maquoleet-add-comments

Sunday, November 13, 2011

Team Building at Morong

Share

Mala-Temptation Island ang aming naging team building sa Morong, Bataan last Nov. 5-6. Pero sa halip na puno ng temptasyon ang aking paglalamyerda sa Waterfront Beach Resort, panay island lang ang aking napala. Island ng mga buhangin at alon, walang temptasyon, at all!

Solo kasi namin ang buong beach resort. Kung iisipin mo pa lang kung gaano kalawak ang isang beach resort at wala kang matanaw na na kahit isang bukol kundi umbok ng buhangin, watta boring sight! Hindi ito ang inaasahan ko. I was expecting for boodies!

Buti na lang at malinaw ang tubig. Napakalinis ng dagat. Hindi tulad ng ibang beach resorts na napuntahan ko, kung anu-anong makukulay na plastic creatures ang malayang nakikihalubilo sa mga hitang naglulublob.

Napaganda ng malalaking-alon. Mababaw ang tubig. Malayo na ang aming nararating pero hanggang dibdib pa din. Sa bahaging mababaw humahampas ang malalaking alon. Ang saya magpasaklob at magpatangay sa mga tsunano - mini tsunami.

Nadedma ang isang bottle ng The Bar, masmasaya magbabad sa dagat. Pero Masaya din tumagay, sakto... tubig dagat ang chaser, pangontra sa pakla.

After naming i-marinade ang aming mga katawan sa alat ng dagat, sa swiming pool naman kami nag-babad. Pictyur-pictyuran. Languy-languyan. Enjoy lang!

Pamatay ang pa ang aming mga games the night before. Dragon tail! Dalawang team na may mga tig-pitong miyembro. Bubuo ng parang centipede. Nakahawak lang sa mga damit at shorts. may buntot na panyo yung nasa dulo (tail). Nakaipit lang sa shorts para madaling hablutin ng head (nasa harap). Habulan, banatan, dapaan, sigawan, tawanan, sakitan, subuan... ng buhangin haha. 5 times kelanagang mahablot ng kalaban ang tail para manalo. After ng games, yung mga bitin na shirts, nagiging gown, yung mga fitted naging loose, yung hindi strechables nagiging gula-gulanit. Aside from the fact na mega exhausted talaga ang bawat players dahil walang bumibitaw maliban nalang kung nabudburan ng buhangin sa bunganga at mata. Walang bumibitaw kahit dumagan pa yung pinakadambuhalang kalaban. Baldado talaga yung nasa ilalim, hindi bumitaw, manalo lang, sudexo ba naman ng Starbucks ang premyo eh, P100 bawat gift cert.

Walang araw nung nagswiming kami, in fact maambon nga, pero bakit ganon? Lalo akong naging ulingling, kirara, baluga, as in talagang Ms. Angola!



Maquoleet-add-comments

Wednesday, November 2, 2011

Halloween o Sinakulo?

Share
Napakaganda ng usapan namin ng aking friendship-slash-workmate, nang biglang nagpa-cute ang isa ko pang workmate na boylet at tinawag ako upang kausapin. Goodbye-freindship ang drama hello-boylet ang exena.

Ang dahilan pala niya ay makikiusap siyang maging back-up ako sa kanyang pagtupad sa kanyang commitment. Well, keri lang naman since belong ako sa Gig Club kung san siya naka-commit. Tsaka, may iba pa kaming kasama kaya hindi ganon ka-effort...sana. Na-assign kasi ang lolo mo na mamuno sa pakanang takutan sa 4th floor ng building. Gagawa ng horror booth para sa halloween party ng company. Bale kami ang naka assign sa entrance ng horror room, Creepy Garden ang theme, sunod samen ang Cemetery, last ang Hell.

Nasabi na niya lahat ng plano on the 1st day. Infairness sa lolo mo, pakiramdam niya ata mga anak kami ng Diyos. Sabihin mo lang na "Let there be this... Let there be that..." e kusang magsisilitawan ang mga props enebriting...

Meron nalang kaming 3 days para isakatuparan ang mga makatotohanang mga kathang isip niya. Syempre kasama sa 3 days na yun ang mga oras ng work, working with that project, and time to rest/sleep.

Ang masama dito, wala na talagang natitirang time to sleep, as in, literal! Right after shift, walang uwi-uwi, deretso work sa project na pagdedesign ng pantry para maging horror house. Ni hindi na rin ako nakaligo, promise. Nung next day nga, nag-calls ako na suot ko parin yung suot ko nung nakaraang araw. Ni wala ring time magbihis. Busy ang shower room kahit anong oras akong bakante kaya tiisan ang labanan.

Until... dizizit na!
Halloween party na at oras na para manakot. Bata ang mga bisita, mga anak ng reps. Meron din namang mga reps galing ibang floor ang dumadalaw. Ako ang gumanap na manananggal. Nakacostume ako ng kalahating katawan na may pekeng kay na nakahawak sa kawayan na nakasaksak sa dibdib ko. Habang ang totoo kong kamay ay nakahawak sa aking mga wings para mukang lumilipad lang. Nakatungtong ako sa lamesa sa pantry, iisa ang paa non kaya bawal malikot, babagsak. nakatago ang aking lower body sa background nameng garbage bag.

10 pesos ang bayad ng bawat papasok, marami naman kaming nauto kaya kumita naman. Unang pinapasok ang mga adults, parang dry run. Tapos yung mga bata na.

Mommy: Baby, look up there oh...(sabay turo saken)
Kid: (Kumunot ang nuo, lumaki ang mata) Waaaaahhhhhhh!(Mega cryola ang bata)

At marami pang sunodsunod na maga batang pinaiyak ko kahit hindi na ako kumikilos. Itinatakip ko na nga yung wings ko sa mukha ko pag-umiiyak na sila, baka matroma ang mga bata. Pero pag lampas sa creepy backyard, walang patawad ang mga aswang at multo. Sinisigawan ang mga kids kahit nagmamakaawa na ang mga mommy nilang "Be mild, my son is scared"

Meron namang mga kids na dedma lang. Parang walang kamuwang-muwang sa kung ano ang scary at hindi. Meron namang natuwa pa at sabi "Cool!" daw ang manananggal. Yung mga adult visitors naman, brutal. Naniira ng set. Kelangan naming mag-emergency break para mag-ayos ng set. Meron namang paepal lang, pero karamihan tinawan lang ang pananakot ko. tumatawa lang din daw kasi me. Merong mga nagsabi ang cute ko daw, well, bilang manananggal.

Ang epal dito, nakadipa ako para nakabuka ang aking mga pakpak mula 8 PM hanggang 1 AM, nakatayo sa ibabaw ng lamesa at bawal maglikot, garalgal na ang lalamunan kakasigaw, wala pang kain, wala pang tulog at wala pang kasama dahil yung isang multong kasama ko sa creepy backyard area ay mahilig gumala sa cemetery at hell. Hindi naman ako maka alis kasi nga nakalusot ang katawan ko sa background. Halloween pa ba talaga ito o sinakulo?

Meron namang break paminsan-minsan in-fairness pero... hello? Try mo, baka masgusto mo pang ipako nalang sa krus kaysa maging manananggal, kulang nalang sunugin ako non eh.

Ganon pa man, masaya parin kahit papaano. Maraming tawa moments, lalo pagtakot na takot ang mga bisita. May mga unforgetable moments na pwedeng idagdag sa list ng "ma-forget na lang sana ", char!



Maquoleet-add-comments