Wednesday, February 17, 2010
Mga Makabagong Salawikain
Share |
* Nawawala ang ari, ngunit ang uri ay hindi.
Kooly M.: Nawawala ang ari, nagpatransplant kasi.
*Sa larangan ng digmaan, nakikilala ng tapang.
Kooly M.: Sa gitna ng digmaan, ang tumindig ay iwasan.
* Ang bayaning nasugatan, nag-iibayo ang tapang.
Kooly M.: Ang bayaning nasugatan, hatakbo hatulin.
*Ang natatakot sa ahas ay huwag lalakad sa gubat.
Kooly M.: Ang natatakot sa ahas ay cobraphobia.
*Walang matibay na baging sa magaling maglambitin.
Kooly M.: Walang matibay na baging, try mo ang lubid.
*Ang nagtitiis sa hirap, may gihawang hinahangad.
Kooly M.: Ang nagtitiis sa hirap, hindi mayaman.
*Kapag nakabukas ang kaban, natutukso kahit banal.
Kooly M.: Kapag nakabukas ang kaban, mamanukin ang bigas.
*Sa taong may hiya, ang salita’y panunumpa.
Kooly M.: Sa taong may hiya, ang kapos ay kapal-muka.
*Ang lumakad ng matulin, kung matinik ay malalim.
Kooly M.: Ang lumakad ng matulin, kakahingal habulin.
Ka-Conekz:
Salawikaing kulot,
salawikaing pinoy
Wednesday, February 3, 2010
Bob Ong Quotes
Share |
Kooly M.: Huwag mong bitawan ang nota niya kung di mo keri na hawak ng ibang bakla.
Bob Ong: Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yong pangalawa, kasi hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una.
Kooly M.: Kung dalawa lang ang mahal mo, dagdagan mo pa. Kasi hindi ka naman magmamahal ng dadalawa kung mayaman ka naman. (Muslim ka kaya!)
Bob Ong: Kung hindi mo mahal ang isang tao, huwag kang magpakita ng motibo para mahalin ka niya.
Kooly M.: Kung hindi mo mahal, baka kasi di sya tao. Huwag kang magpakita at magtago para hanapin ka niya. (Siya ngayon ang taya... Tagu-taguan ito!)
Bob Ong: Hiwalayan na kung di na masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa.
Kooly M.: Hiwalayan na kung di na nakapagpapasaya. Wala ng gamot, ubos na ang viagra.
Bob Ong: Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang.
Kooly M.: Pag may mahal ka at ayaw sayo, belat mo! Malay mo sunog kana sa araw ayaw mo pang mag-gluta, nagtitipid ka lang.
Bob Ong: Parang elevator lang yan eh, bakitmo pagsisiksikan yung sarili mo kung walang pwesto para sayo. Ek meron namang hagdan, ayaw mo lang pansinin.
Kooly M.: Para elevator lang eh. Ang damot niyo! Meron namang hagdan, try niyo gamitin.
Bob Ong: Mahirap pumapel sa buhay ng tao. Lalo na kung hindi ikaw yung bida sa script na pinili niya.
Kooly M.: Mahirap pumapel sa malaki ang ulo. Lalo na kung ikaw yung bida pero iba ang script na pinili niya. (Sumbong mo kay direk... Extra lang kaya siya, ambisyosa!)
Bob Ong: Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang.
Kooly M.: Huwag mong hawakan: Mainit! Mabibitawan mo lang.
Bob Ong: Minsan kahit ikaw ang naka-schedule, kailangan mo pa ring maghintay, kasi hindi ikaw ang priority.
Kooly M.: Lalo na kung ang schedule mo ay lypo at si Ruby Rodriguez ang nauna sayo. Masmasebo mas-priority. (Per hour kaya ang bayad ni doc, praktikalan lang!)
Bob Ong: Huwag na huwag kang hahawak kapag alam mong may hawak ka na.
Kooly M.: Huwag na huwag ka nang hahawak kapag may mga hawak ka na... Isubo mo naman. (Baklang 'to! Hindi na nakontento sa isa!)
Subscribe to:
Posts (Atom)