Monday, March 11, 2013

Byaheng Langit

Share
Nauna nang umalis si landlady-slash-landlord para tuntunin ang Spa. Nakamura kasi kami ng kalahating porsyento sa Swedish Massage and Ear Candling dahil sa voucher na nabili online from CashCashPinoy.com noong September 2012 pa.

Sa katunayan, expired na ang voucher last March 2 pa. Tinawagan na niya yung Spa, days before the expiration date. Kayalang dahil na din sa kabisihan ng aming mga schedule sa trabaho at iba pang mga gala, nakaligtaan na namin ang tungkol don. Nang sa wakas ay nagkatagpo-tagpo ang aming mga free days, napagpasyahan naming i-redeem na ang aming promo. Makailang beses syang tinawagan ni landlady-slash-landlord umaga palang pero walang sumasagot kaya napagpasyahan nyang hagilapin nalang ayon sa pagkakatanda niya sa pangalan ng lugar at direksyong nakuha niya nung huli syang tumawag.

Swerte naman ng loko at may napagtanungan syang drayber na familiar sa lugar kaya kahit hindi pa sya ang susunod na lalarga sa pila ay dun na sumakay ang aming lider, si landlady-slash-landlord. Habang nasa daan ay nakontak na daw niya yung staff. Ala-una pala ng hapon nagbubukas ang spa. Pagdating ng isa pa naming kasama, ang pinsan ni lider, naligo at nagbihis na ako para makasunod kami dun agad. Ala-una daw pala ang appointment time namin, pero for sure naman lampas na sa oras dumating si lider dun, plus waiting time pa aming dalawa.

Pero ayos lang kasi 5 minutes lang daw mula sa Trinoma jeep terminal to the meeting place e andon na kami. Bagong ligo pa naman ako ngunit sa alinsangan ng panahon, pakiramdam ko ay aalsa ako bilang isang pandesal o mammon kung tatagal pa ang pila ng kahit tatlong minuto lang. Napakainit kasi ng loob ng jeep na para kang nasa loob ng isang pugon or baking oven. (Syempre hindi ko pa naranasang makapasok sa pugon, lalo sa loob ng oven)

Pakiramdam ko ay umalis kami ng hindi namin alam ang aming patutunguhan. Ngayon pa namang hindi ako nakaregister ng unli-data kaya useless ang GPS capability ng aking smartphone. Pero mukang malinaw naman ang mga landmarks na binigay ni lider. Sa Petron daw na malapit sa Allied Bank at may ginagawang building, oops don't forget the fact na five minutes lang ang byahe. Feeling all-set naman kami. Di pa man kami nakakalampas ng Trinoma dahi sa siksikang mga sasakyan, tumawag samin si landlady-slash-landlord para mag-update. Ng masabi namin ang aming exactong lokasyon, muli nyang kinumpirma na malapit lang daw. Ok, relax mode.

Pagkaandar ng jeep, tutok ang aming mga mata sa paligid upang abangan ang mga landmarks. Ng may makitang Petron ang aking kasama, kumatok sya bubong ng jeep upang pumara ang drayber. Bumaba kami sa kalyeng nagliliyab sa init. Ang Petron ay nasa tawid pa. Saktong may construction sa tabi niya, pero ni wala pang building, more of dinimolish na building sya sa aking impression. Lingon dito at doon kami upang hanapin ang Allied Bank. Negative. Text kami kay lider. "Nasa Petron na kami, sa tapat ng Shell". Reply: "Shet, mali, wala akong nakikitang Shell dito". Alam mo na. Napaaga kami ng baba. Buti nalang at may traffic enforcer sa kantong yon, naka-vest kasi ng orange na parang sa MMDA. Tanong kami ng direksyon sa kanya na agad namang tumuro sa jeep na paparaan. Pagsakay palang namin ay tinanong na namin kung dadaan sa mga landmarks na binanggit namin, hindi daw kaya baba agad. Peke pala yung enforcer.

Pero kung 5 minutes lang talaga ang layo, malamang sa tagal ng stay namin sa jeep baka konting lakad nalang at makakarating na kami. Sa katirikan ng araw, nilakad namin ang karugtong ng kalye, mga 10-15 min siguro din yon hanggang sa pakinggan namin ang mga bulong sa aming tenga, magtanong daw kami. Sabi ng ale na nagtitinda nasa tamang direksyon naman daw kami, pero medyo malayo pa, ginatungan naman yun ng isang binatang napadaan na tsismoso pala. Madalang na ang jeep na may plakang katulad ng sinakyan namin kaya nung may dumaang FX, pinara na namin. Sakto namang dadaan daw sa lugar, sabi ng drayber mismo.

Habang nandon ay malakas ang aming usapan na kahit mga pasahero ay mukang nais na ding tumulong sa aming mala-National Treasure hunting adventure kaya ng may matapatan kaming Petron, turo naman si kuya sabay sabing, "Dito na kayo." Sang-ayon naman kami agad ng walang bahid ng kahit sangkusing na duda. May footbridge kaming tinawiran para makarating doon. Ngunit pagdating sa Petorn, ampotang Shell, lumitaw na naman sa tapat nito, just right across the street. Text kami kay lider uli. Nagdagdag pa sya ng landmarks, malapit daw sa ChinaBank at along Congressional Ave. at tapat ng One Stop Hardware. Lakad naman kami at sa tantya ko mga 10 minute pa din iyon sa gilid nang nagngangalit sa init na kalye. Ng may matanungan kami,  nagturo sya ng direksyon pabalik dahil lumampas daw kami.

Sumakay naman kami ng bus pabalik ngayon. Ng binanggit namin sa kundoktor ang pangalan ng avenida mukang hindi sya pamilyar. Buti nadinig ng drayber at sya na daw bahala. May mga nadaanan uli kaming Peton na may tapat na Shell pero dedma na lang. Ibinaba kami sa kayleng hinahanap daw namin. Sa kalalakad namin pabalik may nadaanan kaming ChinaBank sa wakas, tabi ng kung anu-anu pang Banks. Text uli kami kay lider, "Nasa Chinabank na kami pero wala ang ibang landmarks dito" and guess what, my Shell na naman sa di kalayuan, syempre may Petron din. Mukang mag-asawa ang dalawang gasolinahan na kung saan ang isa andun namang nakasunod ang isa.

Nawawalan na ako ng pag-asa at gusto ko ng bumalik pauwi at kumain nalang sa mall sa gutom ko. Nagpipilit ang kasama ko na try pa daw namin once again. Tumawid uli kami. This time taxi na ang aming pinara. Mukang may kaasiman ang muka ni kuya na kala mo eh malayo pa sa quota. Pero masmaasim ang amoy ng aming sa pawis at syempre, di ako magpapatalo sa asim ng attitude. Sa kakausap namin tungkol sa aming National Treasure Adventure, sumabat ang kuya at mukang sya na ang susi ng langit. Kabisado nya ang lugar. At tumutugma ang mga landmarks namin sa mga probing nya. This is it.

Ibinaba nga kami sa lugar at saktong tumawag naman ang aming magaling na lider. Paglingon ko ay nakita ko din sya.  Nakarating nga kami. At ang spa, Blue Elements, na nakapa-inviting sa photo ads sa internet, 1st floor pala ng ginagawa palang na gusali, ang isa sa mga landmarks.
Alas tres na kami nakarating.

Ang mga sumunod na pagyayari ay puro ginhawa naman. Bawat hagod ng mga masahista sa aking nanakit na kalamnan ay piraso ng langit.
Ngunit ang dapat na isa't kalahating oras na pagpapakasasa ay naging isang oras nalang dahil sa sobrang atrasado namin. May mga susunod na kasing mga kleyente.

Unang beses kong mapadpad sa lugar na yon at mukang wala naman akong balak bumalik. Oo wala akong balak pero kelangan. Naiwan ko sa cubicle hanger yung bluetooth headset ko na masmahal pa ang presyo sa ginastos sa buong session. Bangungot ba ito? Sana hindi maulit ang nagyari pagbalik ko doon.

By the way, yong natipid ko sa voucher ay halos katumbas na din nagastos sa pamasahe sa transpo sa pagpunta at pagbalik ko doon.