Saturday, December 24, 2011
Boracay: Check!
Share |
('Sensya naman sa delayed na post...)
Sinisimulan ko nang isa-isahing i-explore ang kagandahan ng ating bansa. Sows! Ako na ang makabayan...
Medyo nagmamayaman lang ang beauty ko kaya napadalaw lang naman ako sa pinagmamalaking kiddy-pool ng Pilipinas, ang walang kalatuylatoy na... BORACAY! Tama, kahit ulit-ulitin mo pa ang basa sa jan BO-RA-CAY talaga ang basa niyan. Maaaring dedma lang ang mga taga Aklan sa balitang ito pero... mga my friends, hindi naman sa pang-iinggit, napadaan lang naman ako dun nung Dec. 10 to 12. Uhuh-uhuh!
Simulan natin ang kwento sa isa ko pang 1st time. Departure time from Manila to Aklan: 4:30pm. Umisplit na ako sa work (Ortigas) 3 hours before the flight para makahabol sa aking unang paglipad, via ZestAir (pangmayaman yon, ok?). Hiwa-hiwalay kaming pitong magkakasama. Hah? Mgakakasama, hiwa-hiwalay? Basta, tatlong magkakahiwalay na taxi kami. Yung isa, iba ang dinaanan. Worried na kami dahil 1 1/2 hour na lang before flight e nasa byahe to airport pa lang kami. Sobrang traffic pa naman.
Mabuti na lang at medyo maalam yung kasama namin sa direksyon. Itinuro niya sa drayber ang alternative route to get to the airport early. Pero may isa pang pagsubok, traffic din sa sa short cut way. Ganonpaman, umabot kami on time. We arrived about 45 minutes before the check in time. Pero yung dalawang taxi, wala pa. Tarantahan mode na kami. Merong tawag ng tawag sa mga kasamang wala pa, meron ding nag-aabang sa pila for posible earlier last call for passengers. At gaya ng hindi inaasahan, nag-close yung check in counter at ako lang ang umabot. Yung mga kasama ko, naghihintayan pa sa labas. Pagkatapos ko, saka nagsisunuran yung iba, ipinilit lang namin kay kuya counter. Kahit yamot na sya, tinanggap pa rin yung mga tickets ng iba. Pero yung isa na iba ang dinaanan, talagang nahuli na. Iniwan na namin sya. Nagparebook nalang sya ng ticket at ang sunod na flight na inabutan niya ay 10pm pa. Wala syang nagawa kundi aliwin ang sarili sa mga matatandang nagkalat sa kanyang paningin.
Sunod naman kaming nagsitakbuhan sa isa pang counter para magbayad ng terminal fee achuchu, ang haba pa ng pila e ina-announce na yung flight number namin. Takbo dito, takbo doon ang eksena namin sa loob ng airport. Nakiusap nalang kami kung pwede sumingit dahil talagang lilipad na si giant bird na maglululan sa amin to Aklan. My isa pang x-ray machine na dadaanan after non, maliban pa yun sa pinaka-unang x-ray pagpasok. This time tanggalan ng sapatos ang labanan. Halong hilo sa katatakbo, ikot, at amoy ng paa ang aming ininda. Sa wakas, pasado lahat ng dala, well maliban din sa mga bagong biling perfumes nung mga kasama namin. Bawal daw pala yun. No choice kundi iwanan ang mga pampahalimuyak namin sa singit.
Pagkasakay na pagkasakay namin sa eroplano, biglang bumuhos ang ulan. Medyo pinatila muna bago kami lumipad. Maganda ang view sa taas. Abot-ulap, lampas pa nga. Inabot ng 45 minutes ang biyahe sa himpapawid (naks) bago lumapag. Mula doon ay sumakay kami ng van ng halos 2 hours. Then boat papuntang isla. Not to mention na may mga unexpected hidden charges pa bago lumarga. After non, tricycle naman ng about 15 minutes papunta mismo sa centro ng Boracay! Yahoo... nakarating din. Sa Station 2 kami naka-book ng hotel. Maganda, maayos, maluwag at masaya sa room. Higit sa sapat para sa 7 na tao. May 4 beds, 2 doubles at 2 singles although malaki parin para sa isa yung single. At isang wall-hung flat screen TV na talagang bumenta sa mga kasama mo. Ipinagpalit ang Boracay beach sa mga Sarah G - John Lloyd at Kim - Gerald tandems ng Cinema One.
Syempre gabi na kami nakarating. Natatandaan ko pa yung dalawang Korean na nakatabi ko sa airplane, kasi nakasabay din namin sila sa van. Nakita ko din sila pagbaba ng boat. Pakiramdam ko talaga soul mate ko yung poging yon, kayalang, bantay-sarado sya ng jowa niya. Kung maka-display ng mga kutis 'kala mo bestfriend nila si Belo eh. Pero hindi ko naisip na kaya pala sila magbobora ay dahil nailipat na ang Seoul sa Boracay. Pagbaba ko ng trike, nasagi ako nung kasunod naming trike, sakit, pero dedma lang don dahil hindi yon ang highlight ng pagbaba ko. Nakakawindang ang naglipanang Korean. Here, there and everywher you throw your eyes, you'll hit them. Hindi naman sa nakaka-insecure ang kanilang nakakasilaw na kutis pero pakiramdam ko kasi dayuhan ako sa sarili kong isla, oo akin ang isla ng Bora... inangkin?
Malalim ang tubig pag gabi. Pero pagod kami galing sa work deretso sa byaheng puno ng aksyon. Kaya yun, hindi na kami nakapasyal-pasyal sa sea-side by the sea-shore nung unang day namin. Again, bumenta si LCD TV.
Kinabukasan, medyo late na kami lumabas ng hotel para damahin ang kahadalisayan ng Bora dahil napaka condusive ng room for sleeping. Na-enjoy namin ang pagtulong ng bongga. Paglabas namin ay agad kaming nag-breakfast at sinulit ang malinaw na tubig-Bora. Nilakad namin mula Station 2 hanggang 1 para makita ng malapitan yung groto. Doon kami nagsilublob at nagbabad sa tirik na sikat ng araw. Suylit naman ang pagpapatianod namin sa mga nangdadambang mga alon dahil bukod sa napagandang tanawin mismo ng Bora, dagdag aliw pa sa paningin ang mga nagku-cute-ang mga Korean.
Kain, ligo, babad, lakad, pasyal, bili,,, Halos ganon ang aming naging routine sa aming stay sa Bora. Kinahapunan, hindi namin pinalampas na maexperience ang isa sa mga pinaka best-selling activities, and FLYING FISH! Para lang siyang banana boat (na hindi ko pa nasakyan) pero masmalapad yung inflatable boat niya. Anim ang sabay-sabay na pwede niyang ilulan. Mabilis kaming hinihila ng speed boat papunta sa malalim na bahagi ng dagat. Sinasalubong ang haging para umangat ang harapan ng Flying Fish boat. The stronger the wind, the higher the boat flew. Tapos biglang kakabigin ng driver ang speedboat sa direksiyong hindi namin inaasahan. Ang sunod na mga eksena? Balebalentwang ang mga mahina ang kapit sa dagat. Maiiwan ng Flying Fish sa kalaliman, char, syempre naka-life vest naman. Paulit-ulit yun hanggang mahulog lahat, yun ang goal, pero may isang anak ng linta sa amin, ni hindi natinag kahit ipiniwesto sa gilid. Hindi talaga nahulog, which is boring, because he had not experienced the most out of the thrilling activity.
Kinabukasan, bitin man ay kailangan na naming lisanin ang paraiso. Madilim na nung nag-flight back kami to Manila kaya hindi na ko nasyado naabsorb ang enjoyment ng muli kong paglipad... bilang Darna, charot!
Ka-Conekz:
Airplane ride,
Aklan,
Beach Outing,
Boracay,
Zest Air
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
JC kamusta na? miss you.favor paki advertise nga blog ko...
ReplyDelete.http://myhubslab.blogspot.com/
Ok cge... Add kta sa blogroll ko
ReplyDelete