Monday, June 7, 2010
Sa Likod ng Pagluluksa
Share |
Sa Likod ng Pagluluksa
Habang ang mga naulila ay nagluluksa sa hindi inaasahan o mahirap tanggaping pagpanaw ng isang mahal sa buhay, may mga kwento sa likod nito na hindi man akma ay nakasanayan nang gawi ng mga Pinoy.
Sa mga probinsya, lalo na sa gawing hilaga at Gitnang Luzon, pag may sumakabilang-buhay, parang may pagdiriwang ang mga tagpo. Dadagsa ang mga manlalamay na hindi mo aakalaing makaaamoy ng patay dahil sa ikatlong-baryo pa nilang layong pinagmulan. Agad ding lalaki ang kumusyon ng mga manunong-it at majongera mapalalaki man o babae, mula sa pinakayagit na paslit hanggang sa pinakaugod-ukod na seniors.
Kuntodo porma naman ang mga kabataang nakikiusyoso. Pano ba naman ay tila nagagalak ang mga nawalan dahil espesyal ang arkila sa funeral service, may kasamang kumbo. Sino ba naman ang magpipigil umindak kung ang kanilang tinutugtog ay mga usong dance craze. Maupuna rin ang mga naglipanang ikatlong kasarian, badings to be exact, dahil lipana rin naman ang mga kalalakihan na halata namang naghahanap ng palipasan.
Sa dinami-dami ng mga manlalamay mula sa unang gabi lalo na sa kahuli-hulihan, sa malamang naman ay sampung porsyento lamang sa mga ito ang may taos-pusong pagluluksa at pakikiramay na pakay sa pagdalo. Ang mga natitira ay pihadong ni hindi man lang nakatapak sa salas ng bahay o sumilip man lang sa yumao. Panay naman ang tayo upang mag-ihi-ihian ng mga liyamado sa peryahan, este tong-itan at swimming (majongan), upang makaiwas pusoy, as in “tong”.
Bihira na nga lang sa mga pabisita-effect na dumadalo ang mag-abot ng abuloy sa mga pobreng iniwan, hindi pa mabawas-bawasan ang kanilang di-mahulugang-karayom na bilang hangang hindi natitikman ang lahat ng mga putahe-ng-gabi, (kape, sopas, aroz caldo, biscuit, mani, butong-pakwan, atbp.) na kultura nang responsibilidad ng mga kaawa-awang naulila.
May mag puntong nagkakapikunan na ang mga manginginom kung kaya naman may dahilan nang gumilid-gilid ng mga kabataan sa may kadiliman sulok upang magparaos, este magpababa ng tension, (malamang pati ng temperatura sa katawan). Sa muli nilang paglitaw sa liwanag, mapapansing kakalahati hindi lang ang kanilang mga lakas-sa-katawan kundi pati ang bilang. Ang ilan kasi ay nagsiuwian na nang walang paalam dahil tagumpay na nga naman sa kanyang misyon.
Kapag ang mga bading ay makikitang malapit sa mga musikero at tauhan ng servicio-funeral, asahan mong magkikita ulit ang mga ito sa susunod na piyestahan, este lamayan dahil piniga ng mga ito ang impormasyong kailangan upang makumpleto ang schedule ng susunod na rampa-de-lamay.
Ang tiyak naman sa mga mapagmalasakit na manlalamay ang pagmukaing santo ang yumao, kahit siya pa man ang pinaka katakwil-takwil na residente ng barangay, sa pamamagitan ng pagsala sa mabubuti nitong nagawa nong siya’y nabubuhay pa.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
wahahaha natawa ako sa mga kabataang bading, hehehe. pero napapansin ko nga mangilanngilan na nga lang talaga yong taos pusong lumalamay at nakikidalamhati. yong iba nakikikaain na lang. hehehe
ReplyDeleteta...mhaaaa.... hehehe...
ReplyDelete