Sunday, June 26, 2011
Ang Cactus Ko, Falcon!
Share |
Kaagang nangalabog ni sis, bandang 6:30 kanina. Bulahaw ngunit dinedma ko lang. 8:30-9:00 am na aksi ang nakasanayan kong gising these rainy days. Di masisi, libre aircon eh, lamig ng panahon.
Nang-gigising siya dahil lubog na daw yung washing maschine namen, kelangan i-angat else tuluyang di mapapkinabangan, bago pa naman. Dead-ma pa din ako. Nung sinabi niyang, "...lubog na yung mga CACTUS mo!" agad na akong bumangon sa taranta.
Pagdungaw ko sa bintana, HAL-LA! Napalilibutan na kami ng tubig-baha. Stranded na kami. "Ang mga cactus ko! Huhuhu" Tumuntong ako sa tabla at sinubukang isalba ng mga maaabot kong cactus. Mabuti nalang at mukang hindi pa bulok ang aking mga ornamental plants. Kahit nagkandatusok-tusok ako sa pangangapa sa kanila, atlis, hindi masasayang ang buhay ng aking mga halamang ilang taon ko ding binabansot.
(The Cactus' image was taken before th flood.)
Inilagay ko na sila sa loob ng bahay para safe. Ngunit ganon pa man, hindi matahimik ang aking konsensya na hinayaan ko ang ibang nakalubog pa din sa baha. Nandon pa naman ang mga pinakamalalagong varieties, saka iilang species lang ang aking nailigtas. Ang aking paborito ay umaasa pang maiahon sa ibabaw ng tubig at maka-absorb ng mainit na temperatura. Masyado mang maaga para maligo, sinuong ko ang baha at pilit pinagkakapa ang aking mga giniginaw na cactus sa ilalim ng baha sa pamamagitan ng aking paa. Ng matumbok ko ang kanilang knalulubugan ay isa-isa kong iniahon ang aking mga halamang tapat pa ding nakakapit sa kanikanilang mga paso. Isinalba ko na din ang iba pang mga halamang nakapaso.
Di ko kasi tantiya kong hanggang kelan ang baha at kung gaano pa ito tataas. Konting-konti nalang ay aabutin na ang aming sahig sa loob ng bahay ay kami naman ang kailanagan ilikas.
Di niyo kasi naitatanong, nature lover din ako. Mahilig sa mga halaman at mga hayop.
Maya-maya, nagsisisigaw ang hipag ko. May ahas daw na nakikisilong sa loob ng bahay nila. Malamang ay binaha na din ang kanyang tirahan. Agad kumuha yung kuya ko ng pamalo at pinagtataboy yung ahas. At dahil nga may puso ako para sa mga hayop... kala niyo ba sinaway ko sila at iniligtas ang ahas? No way! Ahas kaya yun! Tsaka hindi naman ata in-dangered species yun. Go lang! Hehe, lupet. Agad akong umahon sa tubig at tumuntong sa pinakamalapit na pwedeng tuntungan. Baka kasi biglang lumabas ang ahas, lumangoy sa baha at kumapit saken... eeeee!
Ngayon tuloy, kahit saang sulok ng bahay ako tumingin, pakiramdam ko may nagkukumbling ahas. eee!!!
(I'll update you about the weather here every time I can. Please send me DOH (Department of HELP when I need. Thanks!)

Ka-Conekz:
Baha 2011,
cactus,
Falcon in Paniqui Tarlac,
nature lover
Wednesday, June 15, 2011
Talamak na ang Bentahan!
Share |
Exotic pet? Perferct ang "Tuko" o Tokey Gecho na ito para dyan. Dahil kapag napataba mo ito, next millionaire ka aking lolo. Medyo nababalitang ginto ang katapat ng nakadidiri at nakakatakot na nocturnal animal na ito. Kaya naman talamak ang hantingan ng mga tuko sa mga magugubat na lugar sa Pilipinas sa ngayon. Nauuso kasi ang tuko hindi lang upang gawing pet kundi upang magbinyag sayo ng "Pepito Manunuko", dahil talaga naman para kang tumama sa lotto pag nachambahan mo ang tuko king.
Kung matatag ang iyong sikmura hindi lamang sa pagdakma ng kuluguhing giant butiking ito kundi pati sa paglapastangan sa kanilang kakarampot lamang na animal rights, ito na ang ika-aahon mo mula sa pagkakabaon sa utang. May mga buyers kasi ng mga tukong gumagalagala sa mga kabaryuhan upang kalapin ang pinakabigating tuko. Katumbas kasi ng 300 grams nito ay tumataginting na P60,000.00. Ang 500 grams naman nito ay tatapatan ng P500,000.00, kung hindi mandurugas na barat ang buyer mo. At syempre, kahit medyo imposible, pero kung napasatimbangan nila ang 600 and up grams ng giant tukong nahuli mo, tentenenen... isang-milyong-piso ang mapapasayo!
Ayon kasi sa mga na-google ko, binibili ang mga tuko upang gamitin sa medisina. Ayon din sa mga nasagap kong chika, mahusay daw ang dila ng mga tuko na panglunas sa ibat-ibang uri ng sakit kabilang ang cancer. Hindi pa man napapatunayan ngunit balibalita ding nakakagamot ito ng AIDS. Hmmm... Mahusay din daw ang mga substance ng tuko sa pagpapasigla kay manoy. Gaya ng ibang butiki, nakagagamot din daw ng asthma ang tuko.
Kaya pag instant yaman ang ibig mo, patabain mo na ang iyong tuko. Don't make it the biggest losser...
(Ang tukong nasa larawan ay huli dito sa lugar namen, pero dahil bagsak sa standards ng buyers, pinakawalan namin ni sis ko ang mga huli ni kuya na halos 30 piraso ata... ayun, nagmaktol ang lolo mo hehe... Kinabukasan biglang may buyer, ready to pay ng P1,000.00 per 150 grams na tuko... Tsk!)
Ka-Conekz:
Gecho,
Philippine Tuko,
tuko for sale
Sunday, June 12, 2011
Walang Pangarap!
Share |
Araw ng kalayaan ngayon kaya hayaan niyo namang simulan ko ang lahat sa pagbati ng "Maligayang Pag-iisa sa lahat!" (tama ba ang translation ko? "Happy Independence day to everyone!")
Lingo din ngayon, araw ng pagsisimba. Hindi ako napilit ni sis ko kaya sila nalang ng jowa niya ang magkasamang nagpakaantok sa simbahan. (Char lang, nagpakabanal ang ibig kong sabihin.) Dahil nga Independence Day nga, may kinalaman ang preach ni pastor sa pagdiriwang, "Panagarap!" (Basta, konekted yan...)
Nirelay nalang ni sis ko sa akin ang kwento ni pastor sa preaching na tungkol nga sa pagkakaroon ng pangarap sa buhay.
Kwento:
May tatlong magkukumpareng construction worker. Yung una ay nakapangasawa ng bikolana. Yung ikalawa naman ay nakapangasawa ng kapangpangan. Habang ang ikatlo naman ay Ilokana ang napangasawa.
Isang araw, nung sila'y manananghaliaan, binuksan ng una ang kanyang baon. Ginataan ang ulam niya.
Una: Ginataan na naman! Kung ginataan uli ang ulam ko bukas, tatalon ako sa bilding!.
Binuksan ng pangalawa, nakapangasawa ng kapangpangan, ang baon niya.
Pangalawa: Ginisa na naman! Kung ginisa uli ang ulam ko bukas tatalon ako sa bilding!
Binuksan din ng ikatlo, nakapangasawa ng ilokana, ang kanyang baon.
Pagatlo: Hah! Buridibod na naman! Kung buridibod uli bukas ang ulam ko, tatalon din ako sa bilding!
Kinabukasan. Pananghalian na naman. Binuksan ng una ang kanyang baon. Ginataan ang kanyang ulam. Tumalon siya sa bilding at namatay.
Binuksan ng ikalawa nag kanyang baon. Ginisa uli ang kanyang ulam. Tumalon din siya sa bilding at namatay.
Yung ikatlo naman ang sumunod. Binuksan niya ang kanyang baon at muli, buridibod ang kanyang ulam kaya tumalon din siya sa bilding at namatay!
Napagpasyahan ng namamahala sa construction na gawing sabay-sabay na ang burol ng tatlo. Sabay-sabay ding nagluluksa ang mga asawa ng mga magkukumpare.
Bikolana: OOoooh asawa ko, sana sinabi mong ayaw mo na pala sa ginataan para ipinagluto kita ng iba. hu hu hu...
Kapangpangan: OOoooh asawa ko, sana sinabi mong ayaw mo na pala sa ginisa ipinagluto kita ng iba. hu hu hu...
Kapansin-pansing hindi nagluluksa ang ilokana. Tinanong siya ng iba pang mga asawa.
"Bakit hindi mo ipinagluluksa nag asawa mo?"
Ilokana: E hindi naman ako ang nagluluto ng ulam ng asawa ko e, SIYA NAMAN!!!
Istoryaheeeee!!!
Aral: "Kung gusto mong may mangyari sa buhay mo, gumawa ka ng ikatututpad ng iyong mga pangarap! (Daw! Ikonek mo nalang!)"

construction workers,
ulam,
walang pangarap
Subscribe to:
Posts (Atom)