Wednesday, June 15, 2011
Talamak na ang Bentahan!
Share |
Exotic pet? Perferct ang "Tuko" o Tokey Gecho na ito para dyan. Dahil kapag napataba mo ito, next millionaire ka aking lolo. Medyo nababalitang ginto ang katapat ng nakadidiri at nakakatakot na nocturnal animal na ito. Kaya naman talamak ang hantingan ng mga tuko sa mga magugubat na lugar sa Pilipinas sa ngayon. Nauuso kasi ang tuko hindi lang upang gawing pet kundi upang magbinyag sayo ng "Pepito Manunuko", dahil talaga naman para kang tumama sa lotto pag nachambahan mo ang tuko king.
Kung matatag ang iyong sikmura hindi lamang sa pagdakma ng kuluguhing giant butiking ito kundi pati sa paglapastangan sa kanilang kakarampot lamang na animal rights, ito na ang ika-aahon mo mula sa pagkakabaon sa utang. May mga buyers kasi ng mga tukong gumagalagala sa mga kabaryuhan upang kalapin ang pinakabigating tuko. Katumbas kasi ng 300 grams nito ay tumataginting na P60,000.00. Ang 500 grams naman nito ay tatapatan ng P500,000.00, kung hindi mandurugas na barat ang buyer mo. At syempre, kahit medyo imposible, pero kung napasatimbangan nila ang 600 and up grams ng giant tukong nahuli mo, tentenenen... isang-milyong-piso ang mapapasayo!
Ayon kasi sa mga na-google ko, binibili ang mga tuko upang gamitin sa medisina. Ayon din sa mga nasagap kong chika, mahusay daw ang dila ng mga tuko na panglunas sa ibat-ibang uri ng sakit kabilang ang cancer. Hindi pa man napapatunayan ngunit balibalita ding nakakagamot ito ng AIDS. Hmmm... Mahusay din daw ang mga substance ng tuko sa pagpapasigla kay manoy. Gaya ng ibang butiki, nakagagamot din daw ng asthma ang tuko.
Kaya pag instant yaman ang ibig mo, patabain mo na ang iyong tuko. Don't make it the biggest losser...
(Ang tukong nasa larawan ay huli dito sa lugar namen, pero dahil bagsak sa standards ng buyers, pinakawalan namin ni sis ko ang mga huli ni kuya na halos 30 piraso ata... ayun, nagmaktol ang lolo mo hehe... Kinabukasan biglang may buyer, ready to pay ng P1,000.00 per 150 grams na tuko... Tsk!)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment
Anong say mo?