Sunday, June 12, 2011
Walang Pangarap!
Share |
Araw ng kalayaan ngayon kaya hayaan niyo namang simulan ko ang lahat sa pagbati ng "Maligayang Pag-iisa sa lahat!" (tama ba ang translation ko? "Happy Independence day to everyone!")
Lingo din ngayon, araw ng pagsisimba. Hindi ako napilit ni sis ko kaya sila nalang ng jowa niya ang magkasamang nagpakaantok sa simbahan. (Char lang, nagpakabanal ang ibig kong sabihin.) Dahil nga Independence Day nga, may kinalaman ang preach ni pastor sa pagdiriwang, "Panagarap!" (Basta, konekted yan...)
Nirelay nalang ni sis ko sa akin ang kwento ni pastor sa preaching na tungkol nga sa pagkakaroon ng pangarap sa buhay.
Kwento:
May tatlong magkukumpareng construction worker. Yung una ay nakapangasawa ng bikolana. Yung ikalawa naman ay nakapangasawa ng kapangpangan. Habang ang ikatlo naman ay Ilokana ang napangasawa.
Isang araw, nung sila'y manananghaliaan, binuksan ng una ang kanyang baon. Ginataan ang ulam niya.
Una: Ginataan na naman! Kung ginataan uli ang ulam ko bukas, tatalon ako sa bilding!.
Binuksan ng pangalawa, nakapangasawa ng kapangpangan, ang baon niya.
Pangalawa: Ginisa na naman! Kung ginisa uli ang ulam ko bukas tatalon ako sa bilding!
Binuksan din ng ikatlo, nakapangasawa ng ilokana, ang kanyang baon.
Pagatlo: Hah! Buridibod na naman! Kung buridibod uli bukas ang ulam ko, tatalon din ako sa bilding!
Kinabukasan. Pananghalian na naman. Binuksan ng una ang kanyang baon. Ginataan ang kanyang ulam. Tumalon siya sa bilding at namatay.
Binuksan ng ikalawa nag kanyang baon. Ginisa uli ang kanyang ulam. Tumalon din siya sa bilding at namatay.
Yung ikatlo naman ang sumunod. Binuksan niya ang kanyang baon at muli, buridibod ang kanyang ulam kaya tumalon din siya sa bilding at namatay!
Napagpasyahan ng namamahala sa construction na gawing sabay-sabay na ang burol ng tatlo. Sabay-sabay ding nagluluksa ang mga asawa ng mga magkukumpare.
Bikolana: OOoooh asawa ko, sana sinabi mong ayaw mo na pala sa ginataan para ipinagluto kita ng iba. hu hu hu...
Kapangpangan: OOoooh asawa ko, sana sinabi mong ayaw mo na pala sa ginisa ipinagluto kita ng iba. hu hu hu...
Kapansin-pansing hindi nagluluksa ang ilokana. Tinanong siya ng iba pang mga asawa.
"Bakit hindi mo ipinagluluksa nag asawa mo?"
Ilokana: E hindi naman ako ang nagluluto ng ulam ng asawa ko e, SIYA NAMAN!!!
Istoryaheeeee!!!
Aral: "Kung gusto mong may mangyari sa buhay mo, gumawa ka ng ikatututpad ng iyong mga pangarap! (Daw! Ikonek mo nalang!)"

Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Istoryaheee talaga hahaha..!
ReplyDeletehehe... naispire ba sa teevee pautot? tawa ko dun ih...
ReplyDelete