Tuesday, July 19, 2011
Ruta sa Penetensiya!
Share |
Eto ang rutang tinahak ko patungo sa taimtim na pagpepenitensiya upang mahanap ang aking kapalaran.
Magsimula tayo sa "1". Yun ang Ortigas MRT station. Dun ako bumaba galing North Ave bandang 10 ng umaga. Dun na rin ako nagsimulang maglakad. Sundan lamang ang pulang linya hanggang sa "2". Lumiko ako duon dahil inakala kong duon banda ang address na hinahanap ko, ang mahiwagang Silver City Mall. Ngunit ayon sa aking napagtanungang guwardiya, hindi ko pala dapat binali ang pagkakatuwid ng aking landas. Tumuloy ako ng paglalakbay hanggang inabot ko ang fly-over, yun ang may markang "3". Huminto ako duon dahil malayo na ako, hindi ko pa din nakikita ang gusali o compaound na hinahanap ko. Wala akong ideya. Nagtanong ako sa boy ng gasoline station duon. Sinabi niyang tawirin ko lang ang kalsada at mag-abang ng jeep, pero bihira lang daw ang dumadaan duon. Kaya itinuro niya ang daang pakaliwa kung saan daw marami ang nagsusulputang jeep papunta sa hinahanap kong lugar. Meron daw traffic light doon at doon nga ako mag-aabang ng jeep. Pagkarating ko sa "4", nakumpirma ko nga ang mga sinabi niya. Positibo ang Traffic light at dagsaang jeepneys. Ngunit bakit ganon? Pagtinatanong ko ang mga jeep kung dadaan ba iyon sa mahiwagang City na aking hinahanap, e hindi ata kilala ng mga konduktor ang lugar.
Nagtanong ako sa dalawang takatak vendors, hindi rin daw nila alam ang lugar,ngunit familiar daw iyon, kaya itinuro nila ang daang alam nilang patutungo sa aking hinahanap ng lugar. Nilakad ko ang kahabaan ng kalye sa ilalim ng nagtataray ng reynang araw. Mabuti nalang at nakabalandra ang pampaganang hubad na katawan ni Phil Younghusband na siya kong naging talang sinusundan hanggang maabot ko nga ang "5". Mula duon, nag-abang ako ng jeep. Umupo ako sa plantbox upang magpahinga. Nagpunas ng pawis. Nagpolbo. Nagpabango. Naghintay. Naghintay. At patuloy na naghihintay. Sa wakas, maeron ding pumarang jeep. Itinanong ko kung dadaan ba ito sa Silver City Mall, at halos lahat ng nakarinig sa loob ng jeep ay excited na nagsisagot ng "oo!". Yes! Mula duon hanggang sa "6" ay sumakay ako ng jeep. Yun na nga ang aking hinahanap. Pagkarating ko sa loob ng Mall, "7", nakailang ikot-ikot pa ako bago nasagi sa isip kong magtanong sa gwardiya kung saan eksakto naroroon ang aking hinahanap na opisina o departamento. Nasa dulo pala ito ng gusali. Nagtagal ako duon hanggang matapos ang aking pakay ng halos 3 oras.
Pagkatapos noon ay kailangan kong bumalik sa aking pinaggalingan para sa isa pang pakay sa isa namang gusali pa. Dahil alam ko na ang ruta papunta doon, iyon muli ang aking tinahak pabalik. Ngunit sa aking kahihintay, ni walang kahit bubong ng jeep akong napadaan. Wala akong choice kundi lakarin ang daan pabalik. Sa aking buong kalbaryong penetensya, wala talaga ni isang jeep ang naligaw. Sundan lamang po ang dilaw na linya patungong "8". Ganyan lang naman po kaiksi ang pagsubok na iyon. Mula duon, konting lakaran nalang ang naganap patungong "9", ang "end" o dulo ng prosisyon.
But wait, there more!
Kailangan kong bumalik sa Silver City Mall bago o sa ganapna ika-10 ng GABI sa parehong araw kaya tumambay nalang ako sa SM Megamall hanggang sa tantya kong sapat na oras upang lakbayin ko ang pagpunta duon. Naisip kong madali na lang ito dahil hindi na ako maghahanap, alam ko na. Ngunit sa kahihintay ko ng kahihintay, nauubos ang aking oras sa wala. Hindi pa ako nasanay, wala talagvang jeep na dumadaan duon sa ghost city na yun. Lakaran ang labanan mula "1 " hanggang "7", alisin mo lang yun "2" at "4".
Tapos malaman laman ko na lang na may short cut way pala papunta duon gamit ang rutang nasa kulay orange. All by taking jeep away of 8 pesos fare! Putek!
Die-Hard Fan Ka Ba ni David?
Share |
Saturday, July 16, 2011
Condolences!
Share |
Kasalukuyan akong naglalakbay nuon patungong QC. Ipapasyal ko sana siya at patitikimin ng polusyon sa kamaynilaan. Ngunit habang nasa biyahe kami, kinailangan kong palitan ang kanyang pusong SMART ng artipisyal na pusong GLOBE, ngunit pagkatapos ng operasyon, tuluyan na siyang sumakabilang buhay. Hindi na siya humihinga. Papikit-pikit nalang siya habang hindi na niya makumpleto ang paghikbi ng kanyang opening tones. Ni hindi na niya maipaskil ang welcome message na "maquoleet.blogspot.com".
Wala na ang mga sekreto namin. Patay na din ang aking mga virtual pets. archieves nalang ang aking mga mobile ebooks. Hindi na ako maglelevel-up sa mga 3D games ko. At lalong-lalo na, hindi na ko makakapag-fezbuk araw-araw.
Ang bigat sa pakiramdam na maalala ang aming mga pinagdaanan. Ang mga tanawing aming itinigil sa mga kuha nito. Ang mga sex scandal na aming pinagnasahan. At ang mahigit sa tatlong-daang koleksyon ko ng nude fotos.
Paalam aking 6270, my Tulilit! Huwag kang mag-alala, gagawin ko ang lahat ng aking makakaya upang isagawa ang iyong resurrection. Muli kang babangon at dudurugin... duduruging muli. Hanggang sa muli nating pagkikita.
Wednesday, July 6, 2011
3 Milimeter Graph
Share |
Napakaganda ng simula ng araw ko last weekend. Pagkasilay na pagkasilay sa liwanag ng aking mga namumutakti pa sa mutang beautiful eyes, agad kong hinagilap ang aking bulok na selpon (Nokia 6270) upang pakainin ang aking mga virtual pets. Minsan na kasi akong namatayan ng panda bear at gold fish, na kulay aqua blue, (pero gold fish talaga yun, promise). Masakit pala sa kalooban ang mamatayan ng alaga, lalo kung wala kang magawa upang ilibing sila sa magandang sementeryong pang-hayop habang nakikitamo itong nakabulagta lang at nilalangaw, o kaya ay nakabaliktad na parang tinamaan ng fishkill. Uso pa naman non.
Naka-mind set na din ako upang i-Dora Explore ang aking mga dinawnlowd na bagong mobile application ng hanggang alas-tres ng madaling araw sa bulok kong selpon din.
All set! After ng regular kong morning rituals: drink coffee first before peeing, wash dishes na pinagkainan pa last night (kultura ko na yun para ma-ferment mabuti ang mga mumu ng kanin na nakadikit sa mga ito, usually inaabot pa silang nakababad hanggang matapos ang Playful Kiss, pang-umaga kasi sya sa GMA Dagupan), at finally, magbakbak ng mga muta, huli talagang ginagawa yu... sisimulan ko na sana ang pagpapakasasa sa higit kwarentang 3D java games ko, pagpapakadalubhasa sa anim na ebooks ni Bob Ong (oo, kahit na mukang 10 years na yatang uso ang mga books ni Bob Ong e ngayun ko palang sila sinisimulang basahin, tag-hirap lang, kung nalaman ko lang sana ng masmaaga na may mga mobile ebook na pala yun...), pagpapadugo ng ilong sa pitong Harry Potter ebooks padin (kasama pa ang part 0 - yung prequel daw), pagpapaka-Kuya Kim sa ibat-ibang linguwahe ng mobile dictionaries, at pagpapakabanal sa pagbabasa sana ng mobile King James Version ng New Testament,,, Bukod pa riyan ang mayat-mayang pag-update ko ng post sa FB, pag comment, pag-like at pag-google,,, Idagdag mo pa ang pabaltik-baltik kong pag-aabang ng aking slideshow screen saver (na collection of nude photos, hehe),,, siya namang dating ng aking SWERTE!
Siyempre, ang sarap naman ng buhay ko bilang bida kung walang kulay ang buhay. Dumating ang isang hahadlang sa aking nakaprogram na Mobile Computing Day. Keri lang, usual naman na e. Medyo in-demand lang kasi ako sa mga estudyante ng buong community mula ng matengga ako from being kicked-off sa trabaho (char lang, EOC yun). Mula sa mga pinsan kong elementary na halos araw-araw na nagpapadrawing sa art project, gabi-gabing free tutorial ng elementary subjects from grade 1 to under graduate high school pupils (nax, ticher na ticher), hanggang sa mga anak ng kapitan na kagawad nalang ngayon, at hanggang sa anak ng pastor na galing pa sa ikatlong-baryo awey, na siyang dumating upang gambalain ang aking plan for the day.
Kooly: "Owryt, ano problema naten?"
Siya: (Dala ang buong engineering parapernalya niya)
"E, eto po e. Kelangan po kasi ito i-pass sa Monday, may klase pa po ako ngayun," (Instruction provided)
"Balik nalang po ako mamaya..."
Kooly: "Owryt, see yah later!" (dugo ilong, nanlalamig, pinagpapawisan ng katas ng pinigang saluyot, alugbati at okra in-one, at unti-unting nabibitak ang muka na parang tag-tuyot.)
Note: Hindi yun ang actual dialogs, pero yun ang thought, owryt?
Q: Bakit nga ba ganon na lang ang panlulumong sumaklob sa akin?
A: Flash back!
Instruction:
Siya: "Kuya, (medyo outching...), gawan mo nga po ako ng graph. Ito
po kasing ginawa ko e balu-baluktot."
Kooly: "Ow sure, graph lang pala eh. Panu ko ba gagawin? (Toinks!)"
Siya: "Eto ang kartolina-like na papel kuya," (reminder lang, hindi ito ang actual conversation dialogs, pero yun ang thought for the sake of complying to the Kengkoyan Law of Maquoleet Article 1 Section 3K. Baka kasi mabasa niya din to hak-hak!)
"Ang bawat margin ay dapat sunod sa sukat. Pati space na paglalagyan ng name ko at section at grade at project title, dapat kalkulado.
Koooly: "Owryt owryt, wat elz?" (Hooh, sisiw!)
Siya: "Eto po ang main parusa este part ng graphing chu-chu na kakanain mu, ang sukat po ng grid kuya, e tig-tatlong guhit sa ruler awey. Bale pupunuin mo yang kartolina-like na papel na ang sukat e 28 x 43 centimeters."
Kooly: (relax mode lang) "Hoooo-Waaaaat?!!! Naku, kamote! Ang hirap niyan brow."
Convertion:
isang maliit na guhit sa ruler = 1 MILImeter
Siya: (sympathizing) "Oo nga po e, kami nga ng mga kakaklase ko e inabot ng mga tatlong oras kagagawa niyan, hindi pa kami tapos sa lagay na yun ah! Muntik na naming batuhin ng kamatis yung titser namen eh!"
(Discouraging pala..., San manggagaling ang kamatis? Baon mo?)
"Pagkatapos po non, susulatan mo siya ng Alpabet mula A-Z na kapital at numbers from 0-9. Tapos, a-z na small caps, then a-z small caps ulit pero naka-italic."
Kooly: "Ow, Kamown!" (lawit dila at babang talukap ng mata down to the floor...)
Ano pa nga ba, malaki ang tiwala nila sa IT grad na tulad ko e. Ni hindi ko nga alam kung paano ko nairaos ang pag-graduate ko dahil sa kawalan ng interes sa pag-aaral, hindi ba nila nabalitaan yun?
Pagkaalis na pagkaalis niya, sinimulan ko ng magpapasapi sa pinakamalapit na ispiritu ng enhenyerong masasagap ko, ngunit sawing-palad ang aking pagpapaka-babaylan.
Fighting spirit nga e nahirapan pa akong buhayin sa loob ko. Sa sobrang liliit ng pagitan ng mga guhit e halos 1MM nalang ang layo nila sa isat-isa dahil sa pakapal ng pakapal na dulo ng lapis (take note, sa dinami-dami ng mga rulers nya including 5 types of curves, 2 triangles, walang protactor at isang T-square, plus isang set ng high-tech pens, at dalawang gasgas na mini ereyser, WALA syang dalang sharpener!). Nakaduduling, kaya tuwing magkakamali ako at magbubura, damay hanggang ikaapat ng linya dahil pudpod na din ang ereyser. Sinikap kong matapos ang proyekto ng parang isang ganap na
mag-aaral ng pagka-enhenyero dahil na din sa tiwalang tinanggap ko
na mula sa kanila. Pressure-cooking!
Pagkatapos ng mga trihandred-porti-eyt years, natapos ko din ang proyekto. Ito ang unang pagakakataong sumulat ako ng alpabetong napaka-kalkulado ng bawat hagod ng lapis sa papel: walong area ang height, anim ang width, at dalawa sa bawat pagitan nila. Wag ko nalang banggitin ang mayat-mayang burahan dahil nakakalimot na ata ako sa pagkakasunod-sunod ng mga letra at numero. Syempre damay dyan ang pagguhit sa mga linyang dinaanan ng pambura. Putek!
Pakiramdam ko ay nagsusulsi ako ng punit na kulambo. O kaya e nagtatastas nga maling sinulid sa cross stitch. Nasa kalagitnaan na ako nung mapansin kong may may linyang nagkandasalubong-salubong. Hooh! dinaya ko nalang.
Kung alam niyo lang, nung elementary ako, lagi akong may palo sa math titser dahil 2 out of 10 ang average ng scores ko sa quizes, sa high school naman nagigising nalang ako bigla pagsinigawan ng
math titser pag napansing tinutulugan ko ang klase nya, habang hayaan ko nalang magpaliwanang ang mga minor math subject ko sa college sa grades nilang ranging from 2.9 to 3.0, promise!
Kalahati ata ng bilang ng mga guhit ng graph na yun e katumbas ng bilang na napamura ako. Paulit-ulit na namumutawi sa akin ang "Hindi ko pinangarap mag-engineer! Juskolord! Ano po bang nagawang
pagkakasala at sinasapit ko ang ganitong parusa? Magdodoctor nalang ako!" Hindi ko din maiwasan ang mapaawit ng "O..., Dyos ko! Anu ba naman... eto, di ba... Tang*na! Nagmuka akong tanga,.. pinaasa niya
lang ako... Letcheng graphing to woho-wo-ow!..." Dagdag pa ang init ng panahon. Yung elektrikpan ginagamit ni sis. Perfect!
Anu pa bang kinakana ko? E, nakaraos naman na ako. Tapos na ang kalbaryo! Hihintayin ko nalang siyang dumating to pick-up the sinumpang project. Owrayt, dumating na nga siya. Pero, Hindi ko ba
napansin na dalawa ang blangkong kartolina-like na dala niya?
Siya: "Uy galing, gano mo katagal ginawa to kuya?" (mukang nang-aano lang eh.)
Kooly: "Ah eh, speechless me eh."
Siya: "Nga pala kuya, etong isa naman e, ganon din ang graphing
pero this time, favorite quotations ko ang isusulat!"
Kooly: (O hindeeee!) "Owryt! Ahhh, pwedeng... pwedeng patayin mo nalang ako? Dumaaan na ako sa kalbaryo eh, bitay naman." (Wish ko lang ganon nalang.)
Siya: "Ah kuya, may prayer meeting pa kasi kami... ganto nalang, iwanan ko nalangmuna tong mga gamit ko, tapos balik nalang ako bukas."
Kooly: "Ow sure! Wala ka naman sinabing..
A. Wala kang choice kaya say YES!,
B. Sa ayaw mo o sa gusto, gagawin mo ito, wala lang trip ko lang!; and
C. Pwedeng tumanggi in 5-4-3-2-1!,
...edi sana umaalingawngaw na sa tenga mo ang sagot kong 'C, utang na loob, C!.. C!...C!'"
Muling gumuho ang aking bagong-usbong na ginhawa! Muli ko ring nagunita ang bawat dugo't pawis na tumagaktak mula sa aking saradong pores sa anit. Mula sa kawalan e tumugtog ang acoustic version ng, "O..., Dyos ko! Anu ba naman... eto, di ba... Tang*na! Nagmuka akong tanga,.. pinaasa niya lang ako... Letcheng graphing to woho-wo-ow!... Dyos ko hooh!"
Kooly: (nagpipigil-hurumintado) "Ano pala ang quotation na ilalagay ko?
A. 'Do the right thing, right the first time, everytime',
B. 'Not once... but TWICE!',
C. 'One is enough, two is too much, three is poison that can KILL a person'; or
D. 'None of the above, please leave it blank?'"
Siya: "Eto nalang pong sinajes ni dadi, 'Efficiency is doing things right, while effectiveness is doing the right thing.'"
Kooly: "Owrayt. Ganon padin ba ang sukat ng mga letra?"
Siya: "Oo, pero pwede daw tantiyahin para gumitna ang quotation sa graph."
Kooly: (Wow tantya, sounds great! Walang sukatang magaganap. Work, work, work)
Kinabukasan...
Kooly: "Ayan tapos na, OK naba to?"
Siya: "Ay PATAY! Nakalimutan ko! Dapat pala kuya, yung una puro capital letters tapos sa baba ang puro small caps..."
Kooly: (Anak ng... patayan na lang!)
"Pano na to, gawa na? mahirap na magsimula ulit. Di na to mabubura!" (sa gigil ko, halos mag-alboroto ang natutulog na bulkang Hibok-hibok at magdulot ng tsunaming maghahati ng dalawa sa bansang Japan, muntik ng mag-isa ang kulog at kitlat na magbubuhos ng tubig na babaha sa karagatang timog-silangang Tsina na tuluyang bubura sa mga Spratly Islands,at halos kumawala ang toxic gasses na kusang
namuo sa loob ng aking systema at bumulwak bilang isang mapaminsala at nakakalasong utot palabas ng aking pusod.)
Siya: (Nakahalata yata at naagapan ang nagbabantang sakuna) "Ganito nalang kuya, sa baba mo nalang ilagay yung puro capital letters. Kunyari nakalimutan ko nalang."
Kooly: (Bahagyang kumalma.) "Owrayt! Leave it to me."
Pagkalipas ng tatlumpong taon, anim na buwan, dalawang araw at maglilimang oras, nawakasan din ang aking pagpapaka-enhenyero. Ayoko ng muling alalahanin pa ang mga sumunod na usapan namin dahil baka biglang magbago ang nakaraan at magpagawa pa siya ulit ng graph, this time 2mm X 2mm, at susulatan ng capital letters of latin alphabet and small caps ng steno.
Ngayon ko lang napagtanto ang mga butas ng karayum na pinagdadaan ng mga enginnering students. Ngayon ko lang lubusang na-apreciate ang kahusayan ng mga taong may titilong "Engr." bago isulat ang mga pangalan. Ganunpaman, hindi nito nabago ang aking isip na sana nag-take-up nalang ako ng engineering. No way!
Ang kinatatakutan ko na lamang ngayon ay baka hindi tanggapin ng intructor niya ang palusot at muling ipagawa ang proyekto no matter what. "Hin-Dehhhhhhhhhh!"