Tuesday, July 19, 2011

Die-Hard Fan Ka Ba ni David?

Share
"Aaaaaaaaiiiiiiiiiiiiiiiiiiiieeeeeeeeeeee!!!!!!!!! I LOVE YOU DAVID!!!!!!!!! "

Literal ang basagan ng ear-drum sa Event Center ng SM Megamall noong Linggo. My special appearance slash autograph-signing slash konting birit kasing ipapamalas si hearthrob singing idol David Archuleta.

Ala-una pa lang ay naghanda bna kami ni friendship na kinasasampidan ko sa QC upang sugurin ang venue ng pagpapasikatan ni American Idol David. Dumating nga kami sa lugar ng maaga. Tamang-tama dahil wala pang gaanong tao. Napili naming pumuwesto sa kaliwa ng stage dahil naradar naming duon siya dadaan. Sakto sa picture-taking.

Naroon na kami quarter to 2pm. Pero para sabihin ko sa inyo, hindi ako fan ni David, swear, mamatay na ang langaw sa pwet ng batang kalye pati ang ipis na pumasok sa bigasan. Ganonpaman, pagkakataon ko na iyong makakita ng isang international idol, kaya naman nakipagmatatagan ako sa aking friendship na die-hard fan nga daw ni David. Again, bago 2pm andun na kami. Ang Appearance ni David ay 5pm, daw, sabi ni tarpulin. Dahil sa takot na maagawan kami ng pwesto, tiisan ang labanan. Pigil-ihi. Tatag-tuhod. Puti-mata. Rindi-tenga. At sari-sari pang first time ever na experiences.

Sa ngawit, gusto ko ng sumalampak sa lapag, pero buti nalang may nauna sa aking gawin yun at nasita ng gard, hahahaha, buti nga. Kaya ayun, sinasampay ko na lang ang aking lupaypay na katawan sa bakod, na every 10 minutes e tinutulak ng mga gards dahil lumalampas sa finish line. Isang oras ang lumipas, lakas-flanax pa din ang drama ko. 2 oras, keri pa, 3 oras, kakayanin pa... 4 na oras, nagdadalawang-isip na... ang akala kong 5pm na appearance ni David ay isa pa lang panlilinlang. Lampas ala-singko na wala man lang ni muta ni David ang lumitaw. Samantalang ang mata ko ay halos kulay muta na sa kahihintay.

Naka sampung ulit na ang mga music videos niya na pinapalabas sa giant screen na nasaksihan pa naming asembolin mula sa unang pixel. At halos mamemoryado ko na lahat ng mga sagot niya sa paulit-ulit ding Q&A portion ng interview niya. Isang kanta pa e sasagad na ako sa umay kay DAVID ARCHULETA.

Mga bandang 6pm na siya lumitaw. Finally!!! Pagkatapos ng dalawang nagdidiva-divahang accoustic singers, na not to mention yung una e parang nahablot lang ng gard mula sa constipated area ng mall. Pero yung isa ay kung maka-outfit naman e kala mo gaga, as in Lady Gaga. Pero bongga na din naman sila.

Kung hindi ko man nabanggit, inuulit ko, HINDI AKO FAN NI DAVID ARCHULETA!!! Pero nung lumabas na siya, ako yata ang pinakaunang nagtitili ng "Aaaaaaaiiiiiiiiiiiiiiiiiiiieeeeeeeeeeee!!!!!!!!! I LOVE YOU DAVID!!!!!!!!! " Ganon pa man, halos hindi ko rin marinig ang aking sarili dahil napaliligiran ako ng mga totoong fans na armado ng vocal cords na binabad sa salabat kung makatili. The moment na lumabas siya mula sa hagdan, nagwala na ang mga tao. Nung pumapasok na siya sa binarikadahang stage, umaandar na ang bakod papalapit sa kanya to the point na hindi na kinakaya ng mga gwardiya. Ni hindi na rin pinakikilaaman ng mga fans kung ano man ang mga nginangawa ni David nung nasa stage na siya habang iniinterview ng mga epalers na host. Epalers dahil kung makabalandra sa camera namin ay kala mo sila ang ipinunta namin duon.

May mga fans na kung makapagtanggol kay David na inaasar ng gard na beki si David e kala mo kapitbahay lang sila sa sobrang close sa dami ng nalalaman. May mga nagmamayaman na kung makabili ng CD album niyang 500+ e kala mo bargain lang. Mayrong kung makapagmakaawang gumilid kayo e may luhang nangingilid sa mga mata. Merong ate na kung makatili sa likod ng "Kuya ang kamay mo ibaba mo naman! Gusto ko lang makita si David" e halatang below required heights. Merong kung makasagot sa ate na yun e sabi "Ate, naimbento na kaya ang heels... Uso na ang Cheryfer... try mo mag Star margarine baka maihabol pa!", ako pala yun! Merong kung makapwesto sa harap e nakakalimot na mukha siyang bumabatak ng solvent para maki-idol kay David, tapos ayaw magpatulak (Duh, sarap niyang itulak, nasa harap kaya siya, kung maka reklamo pa ng "Huy, anu ba yan? Kung makatulak kayo kala niyo ngayon lang makakita ng artista ah!" kala mo hindi halatang excited din siya. Nauna pa ngang makisiksik. At "OO, ngayon lang ako makakita ng international artist, kaw?")

Ang inaasahan kong mini concert ay verses lang pala ng banyo queen ang maririnig ko. Tama, konting bahagi non ang kanyang binirit na lalong nagpatili sa mga manonood. (To avoid being misled, ang kinanta niya ay ang "Stand By Me" ata ang tittle, basta yung song sa Banyo Queen ni Andrew E.)

At in fairness sa mga fan na pinagpupulot ng mga epality hosts, kinakabog yung mga accoustics singers na front acts. Pwedeng pang Pinoy Idol. Dahil die-hard nga ang frienship ko, nagtataas din siya ng kamay tuwing tinatanong kung sino pa ang makakaawit ng David Archuleta songs. Abot-langit talaga ang kaba kong mapili siya dahil baka iyun na ang maging mitsa na paglubog ng foreign artists visits sa Pilipinas. Baka dahil sa pag-awit niya kung sakasakali eh magback-out si David sa paglantad sa publiko nung mga oras na iyon. Mabuti na lang at mabait ang tadhana. Saswing-palad siyang mapili hahahaha....



Maquoleet-add-comments

No comments:

Post a Comment

Anong say mo?