Tuesday, July 19, 2011

Ruta sa Penetensiya!

Share



Click on image to Zoom In

Eto ang rutang tinahak ko patungo sa taimtim na pagpepenitensiya upang mahanap ang aking kapalaran.

Magsimula tayo sa "1". Yun ang Ortigas MRT station. Dun ako bumaba galing North Ave bandang 10 ng umaga. Dun na rin ako nagsimulang maglakad. Sundan lamang ang pulang linya hanggang sa "2". Lumiko ako duon dahil inakala kong duon banda ang address na hinahanap ko, ang mahiwagang Silver City Mall. Ngunit ayon sa aking napagtanungang guwardiya, hindi ko pala dapat binali ang pagkakatuwid ng aking landas. Tumuloy ako ng paglalakbay hanggang inabot ko ang fly-over, yun ang may markang "3". Huminto ako duon dahil malayo na ako, hindi ko pa din nakikita ang gusali o compaound na hinahanap ko. Wala akong ideya. Nagtanong ako sa boy ng gasoline station duon. Sinabi niyang tawirin ko lang ang kalsada at mag-abang ng jeep, pero bihira lang daw ang dumadaan duon. Kaya itinuro niya ang daang pakaliwa kung saan daw marami ang nagsusulputang jeep papunta sa hinahanap kong lugar. Meron daw traffic light doon at doon nga ako mag-aabang ng jeep. Pagkarating ko sa "4", nakumpirma ko nga ang mga sinabi niya. Positibo ang Traffic light at dagsaang jeepneys. Ngunit bakit ganon? Pagtinatanong ko ang mga jeep kung dadaan ba iyon sa mahiwagang City na aking hinahanap, e hindi ata kilala ng mga konduktor ang lugar.

Nagtanong ako sa dalawang takatak vendors, hindi rin daw nila alam ang lugar,ngunit familiar daw iyon, kaya itinuro nila ang daang alam nilang patutungo sa aking hinahanap ng lugar. Nilakad ko ang kahabaan ng kalye sa ilalim ng nagtataray ng reynang araw. Mabuti nalang at nakabalandra ang pampaganang hubad na katawan ni Phil Younghusband na siya kong naging talang sinusundan hanggang maabot ko nga ang "5". Mula duon, nag-abang ako ng jeep. Umupo ako sa plantbox upang magpahinga. Nagpunas ng pawis. Nagpolbo. Nagpabango. Naghintay. Naghintay. At patuloy na naghihintay. Sa wakas, maeron ding pumarang jeep. Itinanong ko kung dadaan ba ito sa Silver City Mall, at halos lahat ng nakarinig sa loob ng jeep ay excited na nagsisagot ng "oo!". Yes! Mula duon hanggang sa "6" ay sumakay ako ng jeep. Yun na nga ang aking hinahanap. Pagkarating ko sa loob ng Mall, "7", nakailang ikot-ikot pa ako bago nasagi sa isip kong magtanong sa gwardiya kung saan eksakto naroroon ang aking hinahanap na opisina o departamento. Nasa dulo pala ito ng gusali. Nagtagal ako duon hanggang matapos ang aking pakay ng halos 3 oras.

Pagkatapos noon ay kailangan kong bumalik sa aking pinaggalingan para sa isa pang pakay sa isa namang gusali pa. Dahil alam ko na ang ruta papunta doon, iyon muli ang aking tinahak pabalik. Ngunit sa aking kahihintay, ni walang kahit bubong ng jeep akong napadaan. Wala akong choice kundi lakarin ang daan pabalik. Sa aking buong kalbaryong penetensya, wala talaga ni isang jeep ang naligaw. Sundan lamang po ang dilaw na linya patungong "8". Ganyan lang naman po kaiksi ang pagsubok na iyon. Mula duon, konting lakaran nalang ang naganap patungong "9", ang "end" o dulo ng prosisyon.

But wait, there more!
Kailangan kong bumalik sa Silver City Mall bago o sa ganapna ika-10 ng GABI sa parehong araw kaya tumambay nalang ako sa SM Megamall hanggang sa tantya kong sapat na oras upang lakbayin ko ang pagpunta duon. Naisip kong madali na lang ito dahil hindi na ako maghahanap, alam ko na. Ngunit sa kahihintay ko ng kahihintay, nauubos ang aking oras sa wala. Hindi pa ako nasanay, wala talagvang jeep na dumadaan duon sa ghost city na yun. Lakaran ang labanan mula "1 " hanggang "7", alisin mo lang yun "2" at "4".

Tapos malaman laman ko na lang na may short cut way pala papunta duon gamit ang rutang nasa kulay orange. All by taking jeep away of 8 pesos fare! Putek!




Maquoleet-add-comments

2 comments:

  1. Putek. Ang effort ng ginawa mo. Tsk.

    ReplyDelete
  2. oo nga e.. super exhausted talaga ako non... ka-tanga kong hindi ko naisip na laging nanadyan si pareng google map para tumulong...

    ReplyDelete

Anong say mo?