Sunday, November 27, 2011

Ligawan sa Divi...

Share
As usual, nakasanayan na ng team namin ang gumala every after friday shift. Lalo pa at sahod. This time, ginalugad namin ang kasukalan ng Binondo at Divisoria para lang ipagdiwang ang pagtanda ng aking kakambal... sa uma. Nag-birthday kasi siya kaya nagpa-blow-out daw, kahit medyo huli na. Para sa inyong kaalaman, siya ang aking alter-ego. Siya si Mistika, ako si Luna. Siya si Bendita, ako naman si Agua. At siya si Kristal, ako naman si Charming. Nauna lang siya lumabas sa akin ng dalawang araw, kaya ganto itsura ko, medyo over-due.

Anyway, after ng lafangan, eto na nga't nagsimula na kaming makihalu-bilo sa kumpulan ng mga taong may sari-sari nang amoy dahil nga bandang ala-una-alas dos na ng hapon iyon. Iisa ang pakay, ang marating ang 169 Mall. Sa sobrang siksikan ng mga tao, akala mo e rush hour sa MRT. Kahit di ka gumalaw e kusa kang lilipat sa kakakaladkad sayo ng mga nagtutulakang tao. Matatawa ka nalang sa mga isinisigaw ng mga nila.

Mama 1: "HUWAG KASI KAYONG SUMALUBONG, HINDI NAMAN KAYO KAMAG-ANAK! ANG SALUBONG SA AIRPORT, HINDI DITO!"

Mama 2; "SAAN BA ANG LIBING NITO? ANG HABA NG PROSISYON AH."

Ako: (nakisawsaw na...) "ANO BA ANG PINAGLALABAN NATIN DITO?" (mala-rally kasi eh)

Ni hindi ka makayuko para mamili ng mga produkto. Napakaraming panindang mukang hindi naman ginagamit sa buhay. Hindi ka rin makapili kung may type kang bilhin dahil isang grupo kaming nagbubuntutan. Paghuminto ka, sa "Lost and Found Section" ka na matatagpuan. Hanggang natunton din namin aming pakay, Food Court ng 169 Mall, (Disclaimer: Hindi ko sure yung numero ng mall, parang 69 kasi yung naaalala ko eh), take note, galing lang kami sa lamunan nito ah.

After magtambay-tambayan nung iba, mag-shopping-shoppingang nung iba pa, at mag-idlip-idlipan nung isa (ako yun), nagdesisyon na kaming rumampa. Muli, sinuong namin ang kasukalan ng Divisoria. Hiwa-hiwalay na sa puntong ito. Uwian mode na poh...

Kaming dalawa na lang ni landlord/lady ko ang magkasamang uuwi. 4:00 pm na nung sumakay kami pauwi. Sumakay kami ng jeep mapuntang Morayta, at sagot daw muna niya ang pamasahe. Mula doon, isang sakay pa papuntang North Edsa. Naks, kala mo mahusay sa direksyon oh. Dahil antok na antok na talaga ako, umidlip, este, nag-check-in ako sa jeep. Super tulog ang aking ginawa. Kampante ako dahil may kasama naman ako. kahit sa totoong buhay, wala talaga akong kaalam-alam sa lugar.

Tulog... tulog... tulog... Paggising ko, VOILA! Nandito na ako. OPO, AKO LANG! Wala na ang aking kasama. At kung asan na bang lupalop ako? Guess where... Nasa kasukalan uli ako ng DIVISORSIA! Umikot na ang jeep mula Morayta pabalik ng Divi... PATAY! Hindi ko talaga kabisado ang lugar. To be honest, second time ko palang sa lugar na yon, well bale third time na since ibinalik nga ako ng jeep.

Bumaba ako at tumawid ng footbridge. Naki-tsismis sa mga barker. May sumisigaw ng "Ang Cubao sa kabila poh!" Dan-da-dan! Basta makarating lang ako ng EDSA, buhay na ko. Lipat ako agad sa kabila. Putek, ang mga jeep papuntang Morayta lahat. Eh di ko nga alam yung lugar diba? Hintay lang ang beauty, tiis ganda lang muna. Binggo! May jeep na may tatak na "MRT"... Mailiit lang ang pangalan pero since MRT, EDSA yon, sakay ako agad. Sa harap ako umupo para makapagtanong sa driver.

Me: "Kuya, saang MRT station po ba to dadaan?"

Driver: "SAAN KA BA?!" (hyper sa highblood si kuya)

Me: "Sa MRT nga po, anong estasyon po ba dadaanan natin?"

Driver: "SAAN KA NGA?!!" (Umuusok na ang tenga sa galit!)

Me: (Sorry po, nagtatanong lang), "Kahit anong estation na lang poh!" (Tameme...)

Umandar kami patungong kung saang direksyon. Nagsiaabutan na ng pamasahe ang ibang mga pasahero. Nakigaya na din ako. Suplado talaga ang mama, sabi "HAWAKAN MO MUNA!", tapos bigla syang pumarada sa gilid. May balak palang mag-counter-flow ang tsuper. Agad kaming sinalubong ng parak. Sinasabi ko na nga bang hindi gagawa ng maganda ang mama eh, nasa ugali naman. Umatras siya agad at nagpaharurot sa tamang direksyon, not to mention na tunog lata na talaga ang andar namin at may time pang tumirik ang jeep sa crossing. Nag-aangas look nadin ako dahil sa pagka-rude ni manong. Maya-maya, inabutan niya ako ng sukli kahit di ko pa binibigay yung pamasahe ko, nakonsensya atang nauto niya ako nung sinabi niyang "HAWAKAN MO MUNA!"


Kung saan-saang iskinita siya naglulusot. Pero kita ko padin yung mga tuktok ng matataas na buildings sa Divi, naiiba lang ng anggulo pero yun padin yon. Hindi pa din ako nakakalayo. Bigla niya akong inihinto sa siksikan ng mga tao. Sa isip ko, "Ano ito? Divi ulit?" pero pinutol niya ang aking pagdududa, andito na tayo sa LRT. "HUWAAAAT????!!!"

Me: "Kuya 'kala ko ba MRT?"

Driver: "Eto na nga yon, LRT."

Me: "MRT ako kuya, ayan po oh!", sabay turo sa plakard ng jeep niya, (MRT)

Driver: "Eto na yon, LRT ang tawag jan, ang MRT nasa EDSA..."

Pu*****-inang... alam naman pala niyang nasa EDSA ang MRT at hindi siya dadaan don, bakit niya inilagay sa karatula niya! Putakteng... ang sarap paglalamukusin ang pagmumuka ng pu****-inang... bumaba nalang ako sa inis. Naghananp ako ng Taxi dahil yon lang ang nasa isip kong pwedeng sakyang hindi ako maliligaw kahit matulog pa ako. Buti na alng wala. Dahil hindi ko din tantiya ang distansya ko mula sa EDSA. Sa kalalakad ko, napansin kong nasa harap pala ako ng Isetan, ganon pa man, walang kwenta yon, hindi ko alam kung saang bahagi na ako ng kagubatan. Wala akong load at lowbat pa ang CP ko.

Abang... abang... abang... AYUN! May dumaan na jeep to Cubao. Hinabol ko at sumakay. Hindi ko talaga tinulugan ang biyaheng iyon. Napakahaba ng lakbay. Kasing haba ng reyles ng LRT. Dahil mula nung sumakay ako, nakaparallel ang aming kalsada sa reyles ng LRT, na by the way e hindi ko alam sakyan. Oo, araw-araw ako s umasakay ng MRT pero hindi ko alam ang sistema ng LRT, promise. Ang haba-haba... nakakainip. Sa sobrang haba, pakiramdam ko nakabalikan na ako ng North to Taft. Misan naiisip kong yun na ang Cubao pero bakit hindi ko pa din ramdam ang EDSA, sa dulo na ako umupo para tanaw na tanaw ko ang paligid. Kilala ko ang Cubao. Alam ko kung andon na ako. Tyaga lang dai.

Hanggang, finally! Narating ko din ang Cubao. Lumundag na ako ng jeep bago pa makarating ng Aurora, mahirap na, baka maligaw pa ulit.

Mga lampas ala-sais na ako nakarating. mula doon ay konting lakad pa hanggang makarating sa sakayan ng bus. Home-Sweet-Home! Naka-uwi rin! At ang hayop na nang-iwan saken, ang sarap ng tulog. Ni walang bakas ng pag-aalala sa muka. Ang sarap balibagin ng bangungot!

May lakad pa ako ng bandang 8:00 pm. Kahit pagod, nag-igib ako ng panligo at naghanda ng maisusuot. May 30 minutes pa ako. Humiga lang ako saglit para magpahinga. Paggising ko, "Hello sunshine!" na po ang batian... Pasensya naman, nailigaw lang. Kala ko pa naman joke-joke lang ni landlord/lady na palalayasin niya ako, yun pala dinadaan niya sa panliligaw sa boarders niya ang pagpapalayas. Pasensya siya, malakas amoy niya. Nasundan ko siya. Pang-ilang araw na kaya niyang walang-ligo...

Maquoleet-add-comments

2 comments:

  1. potang ina mo. tawa ako ng tawa. hahaha. buti nga sayo at iniligaw kang pusakal ka. haha. at kumusta naman yon naghintay ako sa mrt. at ikaw natutulog.

    ReplyDelete
  2. may paanonimous-anonimous ka pang nalalaman ah... buti nga din sayo... naligaw na nga minura pa... haha... kwits na ba?

    ReplyDelete

Anong say mo?