Saturday, December 24, 2011

Boracay: Check!

Share

('Sensya naman sa delayed na post...)

Sinisimulan ko nang isa-isahing i-explore ang kagandahan ng ating bansa. Sows! Ako na ang makabayan...

Medyo nagmamayaman lang ang beauty ko kaya napadalaw lang naman ako sa pinagmamalaking kiddy-pool ng Pilipinas, ang walang kalatuylatoy na... BORACAY! Tama, kahit ulit-ulitin mo pa ang basa sa jan BO-RA-CAY talaga ang basa niyan. Maaaring dedma lang ang mga taga Aklan sa balitang ito pero... mga my friends, hindi naman sa pang-iinggit, napadaan lang naman ako dun nung Dec. 10 to 12. Uhuh-uhuh!

Simulan natin ang kwento sa isa ko pang 1st time. Departure time from Manila to Aklan: 4:30pm. Umisplit na ako sa work (Ortigas) 3 hours before the flight para makahabol sa aking unang paglipad, via ZestAir (pangmayaman yon, ok?). Hiwa-hiwalay kaming pitong magkakasama. Hah? Mgakakasama, hiwa-hiwalay? Basta, tatlong magkakahiwalay na taxi kami. Yung isa, iba ang dinaanan. Worried na kami dahil 1 1/2 hour na lang before flight e nasa byahe to airport pa lang kami. Sobrang traffic pa naman.

Mabuti na lang at medyo maalam yung kasama namin sa direksyon. Itinuro niya sa drayber ang alternative route to get to the airport early. Pero may isa pang pagsubok, traffic din sa sa short cut way. Ganonpaman, umabot kami on time. We arrived about 45 minutes before the check in time. Pero yung dalawang taxi, wala pa. Tarantahan mode na kami. Merong tawag ng tawag sa mga kasamang wala pa, meron ding nag-aabang sa pila for posible earlier last call for passengers. At gaya ng hindi inaasahan, nag-close yung check in counter at ako lang ang umabot. Yung mga kasama ko, naghihintayan pa sa labas. Pagkatapos ko, saka nagsisunuran yung iba, ipinilit lang namin kay kuya counter. Kahit yamot na sya, tinanggap pa rin yung mga tickets ng iba. Pero yung isa na iba ang dinaanan, talagang nahuli na. Iniwan na namin sya. Nagparebook nalang sya ng ticket at ang sunod na flight na inabutan niya ay 10pm pa. Wala syang nagawa kundi aliwin ang sarili sa mga matatandang nagkalat sa kanyang paningin.

Sunod naman kaming nagsitakbuhan sa isa pang counter para magbayad ng terminal fee achuchu, ang haba pa ng pila e ina-announce na yung flight number namin. Takbo dito, takbo doon ang eksena namin sa loob ng airport. Nakiusap nalang kami kung pwede sumingit dahil talagang lilipad na si giant bird na maglululan sa amin to Aklan. My isa pang x-ray machine na dadaanan after non, maliban pa yun sa pinaka-unang x-ray pagpasok. This time tanggalan ng sapatos ang labanan. Halong hilo sa katatakbo, ikot, at amoy ng paa ang aming ininda. Sa wakas, pasado lahat ng dala, well maliban din sa mga bagong biling perfumes nung mga kasama namin. Bawal daw pala yun. No choice kundi iwanan ang mga pampahalimuyak namin sa singit.

Pagkasakay na pagkasakay namin sa eroplano, biglang bumuhos ang ulan. Medyo pinatila muna bago kami lumipad. Maganda ang view sa taas. Abot-ulap, lampas pa nga. Inabot ng 45 minutes ang biyahe sa himpapawid (naks) bago lumapag. Mula doon ay sumakay kami ng van ng halos 2 hours. Then boat papuntang isla. Not to mention na may mga unexpected hidden charges pa bago lumarga. After non, tricycle naman ng about 15 minutes papunta mismo sa centro ng Boracay! Yahoo... nakarating din. Sa Station 2 kami naka-book ng hotel. Maganda, maayos, maluwag at masaya sa room. Higit sa sapat para sa 7 na tao. May 4 beds, 2 doubles at 2 singles although malaki parin para sa isa yung single. At isang wall-hung flat screen TV na talagang bumenta sa mga kasama mo. Ipinagpalit ang Boracay beach sa mga Sarah G - John Lloyd at Kim - Gerald tandems ng Cinema One.

Syempre gabi na kami nakarating. Natatandaan ko pa yung dalawang Korean na nakatabi ko sa airplane, kasi nakasabay din namin sila sa van. Nakita ko din sila pagbaba ng boat. Pakiramdam ko talaga soul mate ko yung poging yon, kayalang, bantay-sarado sya ng jowa niya. Kung maka-display ng mga kutis 'kala mo bestfriend nila si Belo eh. Pero hindi ko naisip na kaya pala sila magbobora ay dahil nailipat na ang Seoul sa Boracay. Pagbaba ko ng trike, nasagi ako nung kasunod naming trike, sakit, pero dedma lang don dahil hindi yon ang highlight ng pagbaba ko. Nakakawindang ang naglipanang Korean. Here, there and everywher you throw your eyes, you'll hit them. Hindi naman sa nakaka-insecure ang kanilang nakakasilaw na kutis pero pakiramdam ko kasi dayuhan ako sa sarili kong isla, oo akin ang isla ng Bora... inangkin?

Malalim ang tubig pag gabi. Pero pagod kami galing sa work deretso sa byaheng puno ng aksyon. Kaya yun, hindi na kami nakapasyal-pasyal sa sea-side by the sea-shore nung unang day namin. Again, bumenta si LCD TV.

Kinabukasan, medyo late na kami lumabas ng hotel para damahin ang kahadalisayan ng Bora dahil napaka condusive ng room for sleeping. Na-enjoy namin ang pagtulong ng bongga. Paglabas namin ay agad kaming nag-breakfast at sinulit ang malinaw na tubig-Bora. Nilakad namin mula Station 2 hanggang 1 para makita ng malapitan yung groto. Doon kami nagsilublob at nagbabad sa tirik na sikat ng araw. Suylit naman ang pagpapatianod namin sa mga nangdadambang mga alon dahil bukod sa napagandang tanawin mismo ng Bora, dagdag aliw pa sa paningin ang mga nagku-cute-ang mga Korean.

Kain, ligo, babad, lakad, pasyal, bili,,, Halos ganon ang aming naging routine sa aming stay sa Bora. Kinahapunan, hindi namin pinalampas na maexperience ang isa sa mga pinaka best-selling activities, and FLYING FISH! Para lang siyang banana boat (na hindi ko pa nasakyan) pero masmalapad yung inflatable boat niya. Anim ang sabay-sabay na pwede niyang ilulan. Mabilis kaming hinihila ng speed boat papunta sa malalim na bahagi ng dagat. Sinasalubong ang haging para umangat ang harapan ng Flying Fish boat. The stronger the wind, the higher the boat flew. Tapos biglang kakabigin ng driver ang speedboat sa direksiyong hindi namin inaasahan. Ang sunod na mga eksena? Balebalentwang ang mga mahina ang kapit sa dagat. Maiiwan ng Flying Fish sa kalaliman, char, syempre naka-life vest naman. Paulit-ulit yun hanggang mahulog lahat, yun ang goal, pero may isang anak ng linta sa amin, ni hindi natinag kahit ipiniwesto sa gilid. Hindi talaga nahulog, which is boring, because he had not experienced the most out of the thrilling activity.

Kinabukasan, bitin man ay kailangan na naming lisanin ang paraiso. Madilim na nung nag-flight back kami to Manila kaya hindi na ko nasyado naabsorb ang enjoyment ng muli kong paglipad... bilang Darna, charot!


Maquoleet-add-comments

Sunday, November 27, 2011

Ligawan sa Divi...

Share
As usual, nakasanayan na ng team namin ang gumala every after friday shift. Lalo pa at sahod. This time, ginalugad namin ang kasukalan ng Binondo at Divisoria para lang ipagdiwang ang pagtanda ng aking kakambal... sa uma. Nag-birthday kasi siya kaya nagpa-blow-out daw, kahit medyo huli na. Para sa inyong kaalaman, siya ang aking alter-ego. Siya si Mistika, ako si Luna. Siya si Bendita, ako naman si Agua. At siya si Kristal, ako naman si Charming. Nauna lang siya lumabas sa akin ng dalawang araw, kaya ganto itsura ko, medyo over-due.

Anyway, after ng lafangan, eto na nga't nagsimula na kaming makihalu-bilo sa kumpulan ng mga taong may sari-sari nang amoy dahil nga bandang ala-una-alas dos na ng hapon iyon. Iisa ang pakay, ang marating ang 169 Mall. Sa sobrang siksikan ng mga tao, akala mo e rush hour sa MRT. Kahit di ka gumalaw e kusa kang lilipat sa kakakaladkad sayo ng mga nagtutulakang tao. Matatawa ka nalang sa mga isinisigaw ng mga nila.

Mama 1: "HUWAG KASI KAYONG SUMALUBONG, HINDI NAMAN KAYO KAMAG-ANAK! ANG SALUBONG SA AIRPORT, HINDI DITO!"

Mama 2; "SAAN BA ANG LIBING NITO? ANG HABA NG PROSISYON AH."

Ako: (nakisawsaw na...) "ANO BA ANG PINAGLALABAN NATIN DITO?" (mala-rally kasi eh)

Ni hindi ka makayuko para mamili ng mga produkto. Napakaraming panindang mukang hindi naman ginagamit sa buhay. Hindi ka rin makapili kung may type kang bilhin dahil isang grupo kaming nagbubuntutan. Paghuminto ka, sa "Lost and Found Section" ka na matatagpuan. Hanggang natunton din namin aming pakay, Food Court ng 169 Mall, (Disclaimer: Hindi ko sure yung numero ng mall, parang 69 kasi yung naaalala ko eh), take note, galing lang kami sa lamunan nito ah.

After magtambay-tambayan nung iba, mag-shopping-shoppingang nung iba pa, at mag-idlip-idlipan nung isa (ako yun), nagdesisyon na kaming rumampa. Muli, sinuong namin ang kasukalan ng Divisoria. Hiwa-hiwalay na sa puntong ito. Uwian mode na poh...

Kaming dalawa na lang ni landlord/lady ko ang magkasamang uuwi. 4:00 pm na nung sumakay kami pauwi. Sumakay kami ng jeep mapuntang Morayta, at sagot daw muna niya ang pamasahe. Mula doon, isang sakay pa papuntang North Edsa. Naks, kala mo mahusay sa direksyon oh. Dahil antok na antok na talaga ako, umidlip, este, nag-check-in ako sa jeep. Super tulog ang aking ginawa. Kampante ako dahil may kasama naman ako. kahit sa totoong buhay, wala talaga akong kaalam-alam sa lugar.

Tulog... tulog... tulog... Paggising ko, VOILA! Nandito na ako. OPO, AKO LANG! Wala na ang aking kasama. At kung asan na bang lupalop ako? Guess where... Nasa kasukalan uli ako ng DIVISORSIA! Umikot na ang jeep mula Morayta pabalik ng Divi... PATAY! Hindi ko talaga kabisado ang lugar. To be honest, second time ko palang sa lugar na yon, well bale third time na since ibinalik nga ako ng jeep.

Bumaba ako at tumawid ng footbridge. Naki-tsismis sa mga barker. May sumisigaw ng "Ang Cubao sa kabila poh!" Dan-da-dan! Basta makarating lang ako ng EDSA, buhay na ko. Lipat ako agad sa kabila. Putek, ang mga jeep papuntang Morayta lahat. Eh di ko nga alam yung lugar diba? Hintay lang ang beauty, tiis ganda lang muna. Binggo! May jeep na may tatak na "MRT"... Mailiit lang ang pangalan pero since MRT, EDSA yon, sakay ako agad. Sa harap ako umupo para makapagtanong sa driver.

Me: "Kuya, saang MRT station po ba to dadaan?"

Driver: "SAAN KA BA?!" (hyper sa highblood si kuya)

Me: "Sa MRT nga po, anong estasyon po ba dadaanan natin?"

Driver: "SAAN KA NGA?!!" (Umuusok na ang tenga sa galit!)

Me: (Sorry po, nagtatanong lang), "Kahit anong estation na lang poh!" (Tameme...)

Umandar kami patungong kung saang direksyon. Nagsiaabutan na ng pamasahe ang ibang mga pasahero. Nakigaya na din ako. Suplado talaga ang mama, sabi "HAWAKAN MO MUNA!", tapos bigla syang pumarada sa gilid. May balak palang mag-counter-flow ang tsuper. Agad kaming sinalubong ng parak. Sinasabi ko na nga bang hindi gagawa ng maganda ang mama eh, nasa ugali naman. Umatras siya agad at nagpaharurot sa tamang direksyon, not to mention na tunog lata na talaga ang andar namin at may time pang tumirik ang jeep sa crossing. Nag-aangas look nadin ako dahil sa pagka-rude ni manong. Maya-maya, inabutan niya ako ng sukli kahit di ko pa binibigay yung pamasahe ko, nakonsensya atang nauto niya ako nung sinabi niyang "HAWAKAN MO MUNA!"


Kung saan-saang iskinita siya naglulusot. Pero kita ko padin yung mga tuktok ng matataas na buildings sa Divi, naiiba lang ng anggulo pero yun padin yon. Hindi pa din ako nakakalayo. Bigla niya akong inihinto sa siksikan ng mga tao. Sa isip ko, "Ano ito? Divi ulit?" pero pinutol niya ang aking pagdududa, andito na tayo sa LRT. "HUWAAAAT????!!!"

Me: "Kuya 'kala ko ba MRT?"

Driver: "Eto na nga yon, LRT."

Me: "MRT ako kuya, ayan po oh!", sabay turo sa plakard ng jeep niya, (MRT)

Driver: "Eto na yon, LRT ang tawag jan, ang MRT nasa EDSA..."

Pu*****-inang... alam naman pala niyang nasa EDSA ang MRT at hindi siya dadaan don, bakit niya inilagay sa karatula niya! Putakteng... ang sarap paglalamukusin ang pagmumuka ng pu****-inang... bumaba nalang ako sa inis. Naghananp ako ng Taxi dahil yon lang ang nasa isip kong pwedeng sakyang hindi ako maliligaw kahit matulog pa ako. Buti na alng wala. Dahil hindi ko din tantiya ang distansya ko mula sa EDSA. Sa kalalakad ko, napansin kong nasa harap pala ako ng Isetan, ganon pa man, walang kwenta yon, hindi ko alam kung saang bahagi na ako ng kagubatan. Wala akong load at lowbat pa ang CP ko.

Abang... abang... abang... AYUN! May dumaan na jeep to Cubao. Hinabol ko at sumakay. Hindi ko talaga tinulugan ang biyaheng iyon. Napakahaba ng lakbay. Kasing haba ng reyles ng LRT. Dahil mula nung sumakay ako, nakaparallel ang aming kalsada sa reyles ng LRT, na by the way e hindi ko alam sakyan. Oo, araw-araw ako s umasakay ng MRT pero hindi ko alam ang sistema ng LRT, promise. Ang haba-haba... nakakainip. Sa sobrang haba, pakiramdam ko nakabalikan na ako ng North to Taft. Misan naiisip kong yun na ang Cubao pero bakit hindi ko pa din ramdam ang EDSA, sa dulo na ako umupo para tanaw na tanaw ko ang paligid. Kilala ko ang Cubao. Alam ko kung andon na ako. Tyaga lang dai.

Hanggang, finally! Narating ko din ang Cubao. Lumundag na ako ng jeep bago pa makarating ng Aurora, mahirap na, baka maligaw pa ulit.

Mga lampas ala-sais na ako nakarating. mula doon ay konting lakad pa hanggang makarating sa sakayan ng bus. Home-Sweet-Home! Naka-uwi rin! At ang hayop na nang-iwan saken, ang sarap ng tulog. Ni walang bakas ng pag-aalala sa muka. Ang sarap balibagin ng bangungot!

May lakad pa ako ng bandang 8:00 pm. Kahit pagod, nag-igib ako ng panligo at naghanda ng maisusuot. May 30 minutes pa ako. Humiga lang ako saglit para magpahinga. Paggising ko, "Hello sunshine!" na po ang batian... Pasensya naman, nailigaw lang. Kala ko pa naman joke-joke lang ni landlord/lady na palalayasin niya ako, yun pala dinadaan niya sa panliligaw sa boarders niya ang pagpapalayas. Pasensya siya, malakas amoy niya. Nasundan ko siya. Pang-ilang araw na kaya niyang walang-ligo...

Maquoleet-add-comments

Wednesday, November 16, 2011

Silip at Hipo

Share
Mula sa di ma-trace na kadahilanan, bigla nalang nagkatakutan sa bahay kanina.
Eto kasing si LandLord-slash-LandLady na kinasasampidan namin ay biglang nagkwento ng mga nakakatakot na naranasan niya. Siguro ay naalala niya lang bigla dahil nga kagagaling niya sa kanilang probinsya last weekends para sa libing ng kanyang sumakabilang-buhay na lolo.

Meron daw kasing nagpapa-cute sa kapatid nitong white-lady. Nung bata pa raw siya, meron na yun pero recently lang ang pinakamalala. May isang pagkakataong ginabi daw siya ng uwi sa kanila. Medyo baryo at magubat daw kasi sa kanilang lugar sa probinsya. May madadaanan daw kasing abandonadong bahay bago yung sa kanila. Nung pagkatapt daw niya sa bahay, may sumisitsit nanaman sa kanya. Lumingon siya sa likod pero wala... eto na, lumingon siya uli sa harap... BULAGA! Wala pa din, kaliwa, kanan wala. Pagtingala niya, BUH! Andon siya! Ang suitor niyang white lady.

Nagtitili na kami nung makwento nya yun. Lalo na kagagaling lang dito sa tinutuluyan namin yung kapatid niya. Panu kung nasundan siya non? Tapos natipuhan niya yung syota ng isa naming roommate, edi nagpaiwan yung white lady samen... O kaya habang pagalagala yung white lady sa Trinoma nakakita ng maraming maspapabols kung kani-kanikanino lumingon-lingon, hanggang sa mahilo siya sa dami ng choices tapos maisip niyang bumalik nalang sa kapatid ni landlord/landlady. Kaya lang hindi namalayan ng ghost na nakasakay na pala ng bus pauwi sa probinsiya yung boylet na ini-stalker-an niya, edi tumambay ngayon yung white lady sa bahay para sa pagbabalik nung kanyang childhood sweethart. No-Way!

Nadagdagan pa ang mga mala-"True Philippines Ghost Stories" naming kwentohan. Dito na nga pumasok ang usapang silip at hipo. Syempre usapang multo pa din, hindi to manyakan, wag kang bastos.

May kwento daw kasi sa isang boarding house. Nagtatatka ang isang boarder dahil sa gabi-gabing pagkalabog sa kabilang kwarto. Sumilip siya sa maliit na butas ngunit matingkad na kulay bughaw lamang ang kanyang nakita. Bughaw is blue, OK, drama epek lang. Ilang gabi din syang sumilip ngunit parehong bagay lang talaga ang kanyang nakikita, matingkad na kulay asul, (blue din yon, ok).

Kinabukasan, nagtanong siya sa landlady tungkol sa kung anong meron sa kabilang kwarto. Sinabi sa kanyang may namatay kasi sa kwartong iyon ng hindi nila alam ang dahilan. Basta ang pinakanaalala lang sa kanya ay ang kulay blue niyang mata. Kinilabutan ako sa kwento.

May parehong kwento naman daw ang pinsan ni Landlord namen. Sumilip din daw ito sa dingding sa bahay ng kapit-bahay na kalaro. Inaasahang gubat ang kabilang banda ng dingding ngunit kulay pula ang tumambad sa kanya pagkasilip. Mabilis syang umatras at hindi na bumalik sa bahay ng klaro, forever. Nilagnat sya afterwards.

Hipuan naman ang sumunod, kwentong multo padin, no-chance na magiging mayakan ito, wag ka na umasa.
Sa CR daw ng aming company, my isang nagdeposito sa banko de negro. Sa tuwing yuyuko daw sya, pakiramdam niya ay may humihipo sa kanyang... noo. Kung bakit naman noo pa ang hihipuin sa kanya eh lantad na lantad na ang kanyang pagkatao. Suguro ay malapit kasi yun sa tagabuga ng kanyang sama ng loob, "mahirap na", 'ka ng multo. "Baka iba pa ang makapa ko, ew!" dagdag pa niya. Char lang!

Nag-usisa din ang biktima ng hipo. Tinanong sa guard kung bakit meron ngang nanghihipo ng noo niya nung nagbabanyo sya. Sabi ng guard, baka yun daw yung paa nung nagbigti sa cubicle na iyon. Ew! Nangilabot uli ako.

Syempre marami pang mga takutang kwento ang tinilian namin.
Hanggang sa dumating na sa point na kelangan ko ng maligo dahil papasok pa ako (night-shifter, to remind). Ang problema, kelangan ko pang mag-igib ng tubig pero yung mga timba ay lahat naiwan sa banyo nung huling naligo. Wala kaming ilaw sa banyo, flashlight lang ang gamit namin. Ginamitan ko nung flashlight sa fone ko, (oo, cheap lang ang phone ko, de-flashlight, anu ngayon?) pero for some wierd bizzare reason, biglang namamatay yung fone ko,,, nagtitili ako at natatakot. Tapos pag-inanabot ko sa loob yung timba biglang kinakalabog ni landlord yung yerong dingding. O kaya nagpapatunog sya ng creepy sound effects sa fone niya.

Ang tagal bako ko nabura ang takot sa aking systema at sa wakas nakaligo din. Habang nagsasabon ako, tuloy naman sa pananakot ang pi-yu-ti-ey! Twing nasa bahay daw siya ni lolo niya, ayaw niyang maligo ng nagsasabon sa muka. Dedma lang naman ako, anu naman ngayon? Nagtanong yung isa king bakit habang nagsasabon na ako ng mukha noon. Sabi niya, kasi feeling ko pagdididlat ako biglang bubulaga si sadako. "AYYYYYYyyyyyy!" Bigla kong hinawi yung kurtina at lumundag palabas. Pinagtatawanan nila ako pero talagang natatakot ako nung oras na yon. Itinuloy klo nalang anhg paliligo ng half-way open yung kurtina ng banyo para kita ko sila.

Hindi naman ako talagang matatakutin In fact, Kaya ko ngang dumaan sa simenteryo samen kahit fullmoon at hating-gabi, take note, nang mag-isa, walang takot factor at all. Ewan ko lang talaga kung ba't takot na takot ako noon. Hmmmnnn!



Maquoleet-add-comments

Sunday, November 13, 2011

Team Building at Morong

Share

Mala-Temptation Island ang aming naging team building sa Morong, Bataan last Nov. 5-6. Pero sa halip na puno ng temptasyon ang aking paglalamyerda sa Waterfront Beach Resort, panay island lang ang aking napala. Island ng mga buhangin at alon, walang temptasyon, at all!

Solo kasi namin ang buong beach resort. Kung iisipin mo pa lang kung gaano kalawak ang isang beach resort at wala kang matanaw na na kahit isang bukol kundi umbok ng buhangin, watta boring sight! Hindi ito ang inaasahan ko. I was expecting for boodies!

Buti na lang at malinaw ang tubig. Napakalinis ng dagat. Hindi tulad ng ibang beach resorts na napuntahan ko, kung anu-anong makukulay na plastic creatures ang malayang nakikihalubilo sa mga hitang naglulublob.

Napaganda ng malalaking-alon. Mababaw ang tubig. Malayo na ang aming nararating pero hanggang dibdib pa din. Sa bahaging mababaw humahampas ang malalaking alon. Ang saya magpasaklob at magpatangay sa mga tsunano - mini tsunami.

Nadedma ang isang bottle ng The Bar, masmasaya magbabad sa dagat. Pero Masaya din tumagay, sakto... tubig dagat ang chaser, pangontra sa pakla.

After naming i-marinade ang aming mga katawan sa alat ng dagat, sa swiming pool naman kami nag-babad. Pictyur-pictyuran. Languy-languyan. Enjoy lang!

Pamatay ang pa ang aming mga games the night before. Dragon tail! Dalawang team na may mga tig-pitong miyembro. Bubuo ng parang centipede. Nakahawak lang sa mga damit at shorts. may buntot na panyo yung nasa dulo (tail). Nakaipit lang sa shorts para madaling hablutin ng head (nasa harap). Habulan, banatan, dapaan, sigawan, tawanan, sakitan, subuan... ng buhangin haha. 5 times kelanagang mahablot ng kalaban ang tail para manalo. After ng games, yung mga bitin na shirts, nagiging gown, yung mga fitted naging loose, yung hindi strechables nagiging gula-gulanit. Aside from the fact na mega exhausted talaga ang bawat players dahil walang bumibitaw maliban nalang kung nabudburan ng buhangin sa bunganga at mata. Walang bumibitaw kahit dumagan pa yung pinakadambuhalang kalaban. Baldado talaga yung nasa ilalim, hindi bumitaw, manalo lang, sudexo ba naman ng Starbucks ang premyo eh, P100 bawat gift cert.

Walang araw nung nagswiming kami, in fact maambon nga, pero bakit ganon? Lalo akong naging ulingling, kirara, baluga, as in talagang Ms. Angola!



Maquoleet-add-comments

Wednesday, November 2, 2011

Halloween o Sinakulo?

Share
Napakaganda ng usapan namin ng aking friendship-slash-workmate, nang biglang nagpa-cute ang isa ko pang workmate na boylet at tinawag ako upang kausapin. Goodbye-freindship ang drama hello-boylet ang exena.

Ang dahilan pala niya ay makikiusap siyang maging back-up ako sa kanyang pagtupad sa kanyang commitment. Well, keri lang naman since belong ako sa Gig Club kung san siya naka-commit. Tsaka, may iba pa kaming kasama kaya hindi ganon ka-effort...sana. Na-assign kasi ang lolo mo na mamuno sa pakanang takutan sa 4th floor ng building. Gagawa ng horror booth para sa halloween party ng company. Bale kami ang naka assign sa entrance ng horror room, Creepy Garden ang theme, sunod samen ang Cemetery, last ang Hell.

Nasabi na niya lahat ng plano on the 1st day. Infairness sa lolo mo, pakiramdam niya ata mga anak kami ng Diyos. Sabihin mo lang na "Let there be this... Let there be that..." e kusang magsisilitawan ang mga props enebriting...

Meron nalang kaming 3 days para isakatuparan ang mga makatotohanang mga kathang isip niya. Syempre kasama sa 3 days na yun ang mga oras ng work, working with that project, and time to rest/sleep.

Ang masama dito, wala na talagang natitirang time to sleep, as in, literal! Right after shift, walang uwi-uwi, deretso work sa project na pagdedesign ng pantry para maging horror house. Ni hindi na rin ako nakaligo, promise. Nung next day nga, nag-calls ako na suot ko parin yung suot ko nung nakaraang araw. Ni wala ring time magbihis. Busy ang shower room kahit anong oras akong bakante kaya tiisan ang labanan.

Until... dizizit na!
Halloween party na at oras na para manakot. Bata ang mga bisita, mga anak ng reps. Meron din namang mga reps galing ibang floor ang dumadalaw. Ako ang gumanap na manananggal. Nakacostume ako ng kalahating katawan na may pekeng kay na nakahawak sa kawayan na nakasaksak sa dibdib ko. Habang ang totoo kong kamay ay nakahawak sa aking mga wings para mukang lumilipad lang. Nakatungtong ako sa lamesa sa pantry, iisa ang paa non kaya bawal malikot, babagsak. nakatago ang aking lower body sa background nameng garbage bag.

10 pesos ang bayad ng bawat papasok, marami naman kaming nauto kaya kumita naman. Unang pinapasok ang mga adults, parang dry run. Tapos yung mga bata na.

Mommy: Baby, look up there oh...(sabay turo saken)
Kid: (Kumunot ang nuo, lumaki ang mata) Waaaaahhhhhhh!(Mega cryola ang bata)

At marami pang sunodsunod na maga batang pinaiyak ko kahit hindi na ako kumikilos. Itinatakip ko na nga yung wings ko sa mukha ko pag-umiiyak na sila, baka matroma ang mga bata. Pero pag lampas sa creepy backyard, walang patawad ang mga aswang at multo. Sinisigawan ang mga kids kahit nagmamakaawa na ang mga mommy nilang "Be mild, my son is scared"

Meron namang mga kids na dedma lang. Parang walang kamuwang-muwang sa kung ano ang scary at hindi. Meron namang natuwa pa at sabi "Cool!" daw ang manananggal. Yung mga adult visitors naman, brutal. Naniira ng set. Kelangan naming mag-emergency break para mag-ayos ng set. Meron namang paepal lang, pero karamihan tinawan lang ang pananakot ko. tumatawa lang din daw kasi me. Merong mga nagsabi ang cute ko daw, well, bilang manananggal.

Ang epal dito, nakadipa ako para nakabuka ang aking mga pakpak mula 8 PM hanggang 1 AM, nakatayo sa ibabaw ng lamesa at bawal maglikot, garalgal na ang lalamunan kakasigaw, wala pang kain, wala pang tulog at wala pang kasama dahil yung isang multong kasama ko sa creepy backyard area ay mahilig gumala sa cemetery at hell. Hindi naman ako maka alis kasi nga nakalusot ang katawan ko sa background. Halloween pa ba talaga ito o sinakulo?

Meron namang break paminsan-minsan in-fairness pero... hello? Try mo, baka masgusto mo pang ipako nalang sa krus kaysa maging manananggal, kulang nalang sunugin ako non eh.

Ganon pa man, masaya parin kahit papaano. Maraming tawa moments, lalo pagtakot na takot ang mga bisita. May mga unforgetable moments na pwedeng idagdag sa list ng "ma-forget na lang sana ", char!



Maquoleet-add-comments

Monday, October 24, 2011

Up-close with Vice Ganda

Share

Oct. 23, 2011

For some weird bizarre reason, naisuot ko na bakliktad ang aking undie before going out for malling kahapon, nasa labas ang tahi. Dahil pure black naman siya at hindi ganoon kahalata, hinayaan ko na lang. wala naman sigurong manghuhubo sakin at pagtatawanan ako dahil sa baliktad kong panti. Oo panti nga, bakit, me raklamo?

Medyo maulan nung lumabas kami papuntang Trinoma. Atat lang naman akong mag-malling para mapakinabangan ko naman yung aking wave board. Wala kasing space na malaruan sa bahay, saying naman ang bili ko kung di magagamit.

Kalalakad namin, napadpad kami sa SM North Edsa. Hindi naman ganon kalayo kaya keri lang. Medyo tinapatan na ng ulan ang lakas ng artificial falls ng Sky Garden kaya medyo stranded kami. Tamang-tama naman kasi may mga events. At saktong darating ang “Libera”. Yung mga angelic children all boys choir. Una ko lang silang napanood sa YouTube tapos nandito na sila sa Pilipinas, unexpected kaya nakipagmatiisan din kami sa isang pwesto para hintayin ang kanilang appearance. Hindi naman kami nabigo. Na-frustrate lang. Inexpect ko kasing kakanta sila, autograph signing lang pala. Keri na din, basta nakita ko sila ng personal, OK na yun.

En den, bumalik na kami sa Trinoma para i-meet yung isang fren na nagpaimportante. After eating at Landmark foodcourt, ginalugad namin ang mataong kagubatan ng Trinoma hanggang maiangat kami ng mga hagdan sa last floor, sa may Carrousel. Napansin namin ang kumpulan ng mga langaw sa tae. Charing! Naagaw ang aming atension ng mga kumpulan ng mga tao na mukang may pinagkakaguluhan. Nilapitan namin at may kaguluhan nga. May Mall-tour si Mama Vice Ganda para sa Movie niyang “Private Benjamin”. Wala pang artistang lumalabas pero ang dami ng tao. Hindi na kami nakahanap ng magandang pwesto. Nasa pinakalikod kaming bahagi at talagang malayo na.

Pero dahil wala namang magawa, nakipagmatatagan na naman kami as usual. Hanggang may isa-isa na sa mga cast ang nagsisilabas upang mag-entertain. Nanjan si Vandoph, Nikki Valdez, yung batang hindi ko kilala, yung isa pang madaldal na cast din pero di ko din kilala, tsaka si Carlos Agasi, tapos may isa pang kontrabida daw ang role.

Ni hindi ko nga alam na my mga Movie pala si Mama Vice. FYI kasi eh mula nung mapadpad nga ako dito sa QC ay hindi ako naka-experience ng TV sa bahay. Wala kaming TV! This is not life. Going back, si mama Vice Ganda na ang lumabas! Nagsibanatan na naman ang mga vocal chords ng mga baklitang alagad ng lola mo.

Twing nagtitingkayad kami sa likod para makita sya, kusang-tumtangkad ang mga tao sa harap. Los Valdez ang mga height namen sa likod. Mahiraf Makita ang mama Vice. Pero dahil nasisilip-silp naman siya OK na, dinig naman naming ang mga punchline niya.

Pumirmi nalang ako sa likod at nakontento na nakikita ko ang kanyang teased-hair. Yun lang kinaya e. Hanggang nagpakulo ang lola mo. Nagpa-game ang bruha. Nangalap na ng kalalakihan ang Host dahil yun nga naman ang kaligayahan ng mama Vice ko. Naglibot ang host para mamulot ng lalampuchingin ni mama Vice sa haraf. Nung malapit na sya, tinataas ng fren ko ang aking kamay. Hindi ho naman mahablot pababa ang kamay ko dahil medyo may pilay siya. Nanakit ata sa kakukusot ko kaya kahit lupaypay ay hinahayaan ko lang siyang iwagayway ang aking kamay. Napansin nga ang beauty ko dahil ginatungan pa iyon ng pag-turo sa akin ng isa ko pang fren. Tinawag ako ng Host at pinapasok sa barikada. Hindi ko man lang namalayang malapit nap ala siya sa amin. Ni hindi ko na nga alam na may pa-game pala si mama. Syempre chance ko na yon, super rampa ako kahit hindi ko man lang alam ang kakanain ko sa taas ng stage. Lima kaming pinili mula sa mga kumpulan ng langaw, este audience. Ako ang pinaka-una.

Again, hindi ko alma ang eeksinahin naming. Until, nagkaokrayan na. Magpapakilala daw. Mga tanongs: Pangalan, Edad, Tagasan, ect. Pagkahawak na pagkahawak ko sa mic, nagtitili ako sa tense, haha. Addict lang. Ako pos si blah-blah, chu-chung years old, tili… parang nasabi ko pa ata na “Vice, kaptid mo ako, promise!”…

Tinanong ako ni vice, kong san ako nakatira, sabi ko, “Jan lang, nilalakad lang”. Sabin g lola mo, “Ah, so kung tinakbo ko lalampas ako, ganon?”

Vice: Anong work mo?

Me: Call center agent po.

Vice: Ay, ang mga call center agent magaganda ang boses, wag ka nga lang nila makikita. (tawanan…)

Me: (Sumasagot), kaya nga call center ang pinasok kong trabaho e, (walei!).

Vice: JC, bakla ka ba?

Me: Ay hindi! Hindi obvious! (pumapapel).

Vice: Ah, kala ko addict ka lang! (bumenta!)

At marami pang mga okrayan. Like, nung tinanong niya yung cute na high school na kasama sa napili kung may house na ba siya, sabi wala, tapos sagot ni vice, “Tamang-tama, may karpentero na na” sabay turo sa akin.

And the main event! Doggy Dance! Yun pala an gaming kakanain. Ako nag una pero hindi ko alam kong ano yun. Gaya nga nag sabi ko, wala kaming TV. At kong meron man, hindi rina ako makakanuod ng showtime dahil tulog ako sa umaga, bight shift ako sa work e. Kung face Dance lang ang labanan, baka ako na ang champion. Yun lang ang huling uso sa Showtime na naabutan ko.

Nagtawag siya ng bata sa audience para i-demo ang sayaw. Yun pala yun! Dahil hindi naman talaga ako likas na mananayaw. Pinilit kong gawin ng buong tigas ang aking katawan na parang nagkukusot lang ng buhok! Ayun, lumabas na isa akong, ganap na… addict!

Vice: Ano ba to? Baklang walang talent!

Nagperform ang apat pa at nung natapos nga, botohan na ng winner!

Vice: Sino ang boto sa contestant #1?

Me: Aaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhuhh! (Super tili!)

Audience: (Dedma!)

Vice: Nubayan, wala ka man lang kaibigan!

Hahaha, at least masaya. Na-enjoy ko ang moment na yun, kahit sa totoong buhay ay nangangatog talaga ako sa stage dahil ni hindi ko alam ang aking gagawin noon. Pagkatapos ng botohan (syempre, olats ako) ay kinamayan ako ni mama Vice Ganda at inabutan ng julalay niya ng Poster ng kanyang movie: Praybeyt Benjamin.

Pagbalik ko sa aking mga fren sa likod, pinaghahawakan ko sila, sabi nanlalamig daw ako. Sorry naman, na-starstruck lang!



Maquoleet-add-comments

Friday, October 14, 2011

Thursday the Malas!

Share
October 13,2011


Bwisit! Bwisit! Bwisit!

Regular kong pasok twing Thursday ang 10 pm - 7 am. Ito ang Black Sheep sa aking mga sked sa buong linggo dahil siya lang ang naiiba. All the rest, 11 pm - 8 am. OK sana e kasi maaga makakauwi, masmaaaga makakatulog. Pero dahil nasanay ako sa 11-8 na sked ng sunod-sunod na tatlong araw, nawawala sa isip kong 10-7 pala ako on the next day (Thursday). Consequence? na-late ako ng 30 minutes dahil inakala kong 11-8 ang sked ko, but that was mild, and it happened last week. Mas terible ngayon!


I went to work early today for I know I suppose to log in early at 10pm. I arrived early as expected and I had a lot of time to change my log in password which my system is advising me to expire in 4 days.

Dahil marami nga akong time, pinagwarm-up ko na ang aking mga daliri sa kakatype ng passwords. Sa awa ng Dyos, nakahalos isang dosena na akong palit ngunit wala ni isa sa mga iyon ang tinanggap ng aking system! Sa inis ko, anjang sinubukan ko ang iba-ibang text case ng "BullShit!****", "WalangHiyaKa!*****", "PunyetaKangPCka!****" ngunit wala siyang tinanggap. Parang gusto ko na sanang subukan ang "Penis" ngunit baka sabihin nyang "Your Password is Too SHORT!"... Gusto ko din sanang gayahin si Mr. Bean na gumamit ng password na "incorrect", dahil twing magkakamali sya ng enter, mismong computer ang magpapaalala sa kanya ng "Your password is incorrect!",,,

Paubos na ang aking time at magteten na hindi pa din ako nakapalit ng log-in password kaya ginamit ko nalang ang aking nalalabing avail time to set up my tools. Naset-up ko nga 2 minutes before 10. Kahihintay ko ng 10 para mag-log-in sa system (gamit ang luma at expiring ko nang password), nagbasa-basa muna ako ng emails at nagreview ng mga resources. Basa-basa-basa! Hanggang nakaligtaan kong 2 MINUTES na pala akong late at hindi nakakalog-in sa system!
Putek!


Dali-dali akong naglog-in habang nananalaytay na sa akin ang espiritu ng pagkabanas/bad-trip/bullshit! Isa sa pinaka-high-light ng skejul kong ito ay mag-isa ako sa bay namin ng isang oras! Solo ko ang mundo! Akin ang buong floor! Bida ako ng Castaway Part 2, 3, and so on...


Walang anu-ano ay tumunog ang aking headset, ang sabi... "ToooT!" Syempre super spiel ako ng "Thank you for calling achu-chu-chooo! How can I help you today?"

Customer: "Is there a supervisor or manager that I can speak to?"


Lukresha Mirasol ang drama ng lolei mez! Super de-escalate naman ako pero ang lolo mong Onaks (Kano) na Dispenza pa naman ang apelido ay hindi tumatanggap ng dispensa o apology. He has been on the phone for 4 hours na daw last time he called regarding his concern and no one can help him. I offered assistance naman to the best that I can pero tinutoldukan niya ng "Give me a suppervisor or a manager!" ang bawat statement of frustaration niya.

At sa hinaba-haba ng de-escalation ko na inabot na ng 23 minutes na kinumpirma niyang kalkulado niya din, naganap ang kauna-unahan kong sup-call (Supervisor Call) sa loob ng 6 weeks ko sa floor. Ang sama sa loob na ang pinaka iniiwasan kong mangyari ay nakaenkwentro ko na. Unang call for the day, sup-call pa! Although parang normal lang sa ibang ahente ang kumota ng 3 sup-calls sa isang araw, mabigat sa aking damdamin ang magkaroon ng sup-call. Kahit hindi na ako pumasa sa Q.A. basta lahat ng calls ko ay hindi tinapos ng isang supervisor/manager.


Anu pa nga ba? Naganap na! Akala ko pa naman Friday the 13th ang malas day. Hindi na pala, na-ajust na ng mas-maaga.


At ang twist? Pagkatapos i-notate ng sup ko ang account about the call, I went back to check my sked online, at eto ang pak na pak! 11 pm - 8 am ako ngayon! Putek!

I went to work early thinking that my regular Thursday sked stays the same. Then I found out, palaspas 11-8 pala ang buong week ko! Bwisit! Bwisit! Bwisit!

Kung hindi ako nag-log in ng maaga edi may masmahaba pa sana akong time magset-up ng new Password ko. Hindi ko sana natanggap ang unang sup-call ko. Hindi sana badtrip ang Thursday the 13th kong hinayupak na hindi ko man lang kasi naisip na i-check yung sked ko kahapon o noong nakaraan pang mga araw tuloy nabigyan ko ng maagang quota ang aking supervisor na sick na din sa mga sup-calls...

Naaalala ko pa tuloy ang putakting Mr. Dispenza na ang kapal ng mukang magbanta na sasabihan daw niya ang mga 200 niyang tauhan na ayaw niya sa aming siniserbisyuhang carrier e currently under ibang carrier naman pala siya. Kaya siya siguro bumagsak sa aming credit check up to the maximum try na pwede naming i-offer dahil he's not eligible for our service!






Maquoleet-add-comments

Monday, September 26, 2011

Trak-trakan!

Share

Naging masmadalas na ang pagsumpong ng sakit sa puso ni Carl nitong mga nakaraang araw. Sa pinakahuling atake ng sakit nito ay kinailangang lumiban siya sa klase ng dalawang linggo upang magpaggaling sa hospital.

Bihira lang siyang makalabas upang makipaglaro sa mga bata sa kalye sa tapat ng bahay nila, dahil nakasasama sa kanya ang mapagod. Awang-awa ang mga magulang ni Carl sa kanya ngunit wala naman silang magawa dahil hindi naman ganoon kasapat ang pinagsamang kita ng kanyang ina sa pananahi at ng kanyang ama sa paextra-extrang pagmamaneho ng taxi upang tustusan ang kanyang paggagamot. Napakainosente pa niya para maagang danasin ang mabigat na pagsubok sa buhay. Pinayuhan pa ang kanyang mga magulang ng doktor na pansamantala muna nilang ihinto sa pag-aaral ang bata dahil makadaragdag lang sa pagsama ng kalagayan nito ang nalakalilitong palaisipan o pagsusulit sa eskwela.

Ganoon pa man, nakakikitaan ng kasiyahan si Carl sa araw-araw na simpleng pag-aabang sa makulay na Delivery Truck ng convenient store malapit sa kanila. Humihinto iyon sa kantong tanaw mula sa salas ng bahay nila, tuwing bandang ika walo ng umaga. Iyon kasi ang oras ng pagrarasyon nito ng produkto sa tindahan. Responsableng humihinto ang sasakyan upang sundin ang batas trapiko. Ngunit matulin naman itong humaharurot pagkapula ng ilaw na siya talagang inaabangan ni Carl. Natutuwa kasi ito sa mahusay na pagmaneobra ng drayber nito sa mga biglaang pag-liko at maagap na pag-hinto kung may mga hindi inaasahang pedestriyang tumatawid.

Batid ng mga magulang ni Carl ang bihira at mangilan-ngilang pagkakataong bumubuka ang mga labi ng anak upang ngumiti. Paraan niya iyon upang bigyang-pugay ang paghanga sa Dilivery Truck. Hindi man niya masambit sa mga magulang na ibig niyang magkaroon ng trak-trakan bilang kalaro sa loob ng bahay, halata iyon ng kanyang mga magulang. Kaya naman palihim nilang pinag-iipunan ang malaking trak-trakang pinagmamasdan nito sa malapit na toy store sa kanila. Isa pa, makatutulong sa kanyang mabilis na pag-buti ang palagiang pagsasaya ayon sa payo ng doktor. Kaya kahit sa simpleng pagbibigay ng bagay na kanyang ikatutuwa ay sa ganoong paraan na lang bumabwi ang kanyang mga magulang, hindi kasi nila kayang suportahan ang kanyang mahal na gamutan at operasyon sa puso.

Nag-iisang anak si Carl at mahal na mahal siya ng kanyang ama’t ina. Kung magkakaroon lang sana sila ng magandang pagkakataon upang bigyan ng magandang buhay ang kanilang anak, walang pagdadalawang-isip nilang susunggaban ito. Ngunit hindi iyon ganoon kadalin para sa kanilang parehong hindi nakapag-aral.

Sa hindi inaasahang pagkakataon, humina nag benta ang convenient store na malapit sa kanila. Naging dahilan iyon ng madalang na pagdaan ng Delivery Truck na inaabangan ni Carl. Matiyaga pa rin siyang nag-aabang araw-araw upang sakaling mapadaan ang makulay na truck, ngunit naging masmadalang pa ang pag-daan nito. Bakas na sa mukha ni Carl ang unti-unting pagkatamlay. Nag-aalala ang mga magulang nito dahil nagsisimula palang sana siyang bumuti, ay saka naman muling lumala ang kalagayan ng kanilang anak. Hindi pa man sapat ang naiipon ay sinubukang bilhin ng ama ni Carl ang laruang truck sa toy store. Walang ibinaba ang presyo nito mula noong una nilang makita at kapos talaga ang dalang pera ng kanyang ama upang maiuwi ang laruang maaaring makpag-balik sigla sa kanilang anak. Bigong umuwi ang kanyang ama. Malaking halaga pa ang kulang upang mabili ng mag-asawa ang laruan. Hindi pa rin dumadaan ang makulay na truck at hindi na maipagkakaila ang lungkot sa mukha ni Carl.

Muli na na namang umatake ang sakit ni Carl. Hirap siyang huminga at kailangan niyang makainom ng mamahaling gamot na laging reseta ng doktor. Ang perang naitatabi nila upang bilhin ang laruan ay higit na salat upang bilhin ang kailangan nitong gamot.

Nang bahagyang humupa ang kalagayan ni Carl sa paghehele nilang mag-asawa, gumayak ang kanyang ina at walang-paalam na lumabas ng bahay. Dala niya ng perang inipon nilang mag-asawa. Magdidilim na nang siya’y makabalik, dala ang malaking kahon. Binili ng ina ni Carl ang malaking trak-trakan na matagal ng pangarap laruin ngkanilang anak. Mahimbing na nagpapahinga ang anak kaya nagpasya ang mag-asawang kinabukasan pag-gising ng anak nalang nila ibibigay ang ang regalo.

Dahil sa pagtataka kung paano nabili ng asawa ang laruan, tinanong ng ama kung saan kinuha ng ina ang pinangdagdag sa ipon. Ipinaliwanag daw nito sa may-ari ng tindahan ang kalagayan ng anak at ang tungkol sa perang mayroon lamang siya. Naawa ang may-ari ng tindahan at naunawan ang kanilang kalagayan kaya pumayag itong pagtrabahuhan nalang ng pobreng ina ang kulang sa pambili ng laruan. Iyon ang dahilan kaya madilim na itong nakauwi.

Kinabukasan, maagang nagising si Carl at kaagad nag-abang sa salas sa Delivery Truck. Perpekto ang pagkakataong iyon dahil kita ang pagkasabik ng bata na parang ramdam nitong daraan sa araw na iyon ang paborito nitong sasakyan. Sabay sanang ibibigay ng mag-asawa ang laruan sa anak ngunit maagang umalis ang ama. Dahil sabik ding makita ng inang muling ngumiti ang anak, nilapitan niya ito at saka marahang tinawag sa kanyang pangalan. Paglingon ng ni Carl ay bumulaga sa kanyang harapan ang malaking kahong tangan ng kanyang ina. Nandilat ang mga mata nito sa pagkabigla, saka agad sinundan ng malaking ngiti. Mabilis nitong inabot ang kahon mula sa kamay ng ina. Halos kasing-laki niya ito. Walang segundo itong inaksaya at agad niyang binuksan ang kahon upang ilantad ang malaki at makulay na trak-trakan mula sa loob nito. Nagtatalon si Carl sa tuwa at biglang yumakap ng mahigpit sa ina. Bilang lamang sa mga daliri ang pagkakataong bumibigkas si Carl. Kaya noong pagkakataong iyon na bigla siyang napabulalas ng “Salamat po, nanay!” mula sa ilang araw ng kaniyang malungkot na pananahimik, ay parang kinurot ang puso ng kanyang ina sa tuwa at hindi nito napigil ang pagbagsak ng mga luha mula sa kanyang mga mata. Niyakap siya ng mahigpit ni Carl at gumanti naman ng yapos ang ina.

Sinabi ng ina sa anak na matagal nilang pinag-ipunan iyon ng kanyang ama. Hindi mapigil sa pagkaabala si Carl sa kalalaro ng kanyang bagong trak-trakan. Nasabik itong ipagyabang sa mga bata sa labas ng bahay nila kaya matulin itong tumakbo palabas buhat-buhat ang laruang trak. Pagkatapak nito sa kalye ay inilapag niya ang trak at saka ipinagmalaki sa mga batang dati niyang kalaro. Itinulak-tulak niya ang laruan at umandar ito papunta sa gitna ng kalye. Hinabol niya ito ng matulin. “Blaaaaaaagggghhhh!”

Malakas ang pagkalabog. Sunod noon ay malakas na paghiyaw ng isang ale. Malakas na hiyaw na may halong takot at kaba. Ang ina ni Carl ang sumigaw. Tumilapon ang katawan ng bata sa gilid ng kalye. Nagkalat ang wasak na mga bahagi ng makulay na laruan. Duguan si Carl. Halos hindi makahakbang na nilapitan siya ng kanyang ina. Naghihingalo pa ang bata habang hawak ang isang gulong ng laruang trak.

“Carl, anak, nandito na si nanay…” nanginginig nitong sambit habang dahan-dahang dinampot ang lupaypay na si Carl.

“Anak, maglalaro pa tayo ng trak-trakan diba? ‘Wag ka muna matutulog ah…” lumuluhang sabi ng ina sa anak.

Pilit, ngunit sinubukang sumagot ni Carl ng ngiti sa kanyang ina. Pagkatapos noon ay dahan-dahang sumara ang kanyang mga mata, at tuluyang bumitaw sa hawak na gulong ng laruan.

Bumukas ang pintuan ng Delivery Truck na nakabundol kay Carl. Lumabas mula sa driver’s seat ang kanyang ama. Maagang umalis ang ama ni Carl upang makiusap sa kumpanyang may-ari ng Delivery Truck na imaneho niya ang makulay na sasakyan kahit sa araw lang na iyon. Ikinuwento kasi niya ang kalagayan ng kanyang anak kaya pumayag ang may-ari nito. Nanlulumo siya’t lumuluhang lumapit sa kanyang mag-inang nasa gilid ng kalye… nagkalat sa kalye ang mga bahagi ng wasak na trak-trakan!


Ang maikling kwentong ito ay lahok sa Saranggola Blog Awards 3

( www.saranggolablogawards.com )






Maquoleet-add-comments

Monday, September 12, 2011

E.K. FOR THE 2ND TIME AROUND!

Share
Right after Fridaynight shift, walang tulog at wala ring ligo naming sinugod ang Enchanted Kingdom. Dalawa sa tatlo naming TL ang nakirampa sa amin. Katatapos lang kasi ng payday kaya maraming game maglakwatsa.

Second time ko na sa E.K. Una, nong field trip namin noong February lang. Dalawa lang ang nasakyan ko noon dahil ang hahaba ng mga pila. Chinese New Year kasi non. Isa pa, hapon na nagbukas ang amusement park non. Pero this time, 11 a.m. palang, bukas na sya! Kaya maaga kaming nagparty-party!

Inikot naming ang E.K. mula sa kanan. Pagkatapos iwanan ang mga gamit sa locker, nagwarm-up na kami ng mga lalamunan sa katitili sa unang ride, ang Bumpcar! 1st time ko lang masakyan yun. Masaya pala kahit walang direksyon nag takbo ng kotse mo, kahit di mo kilala ang nababangga mo, at kahit naaalog ang utak mo! Bongga!

Dahil medyo nagkawindangan na sa simpleng ride na yun, nagaevel-up kami konte. Ang challenge, sumakay ng walang emosyong mapo-project sa mukha. Ang humamon? Roller Skates! Mukang simpleng pambatang mini rollercoaster lang naman siya kung tutuusin. Pero nung nagsimula ng umandar, walang nagwagi sa challenge. Lahat ay guilty sa pagbanat ng vocal cords.

Hindi ganon ka-busy ang mga rides kaya umaga pa lang, nakakarami na kami. Agad naming pinuntirya ang Anchors Away na mula sa malayo ay mukang nagtatawag ng lululain sa kaduduyan. Dahil 1st time ko ding masakyan yon, sa pinakadulo ako pumuyesto, para masulit ang utmost effect nito. Dahan-dahang nagpaswing-swing ang barko at muling nagsitilian ang mga lalamunan namin. Tuwing kami ang nasa taas, pakiramdam ko ay tumataob ang barko at pilit kaming tinatapon. Mabuti na lang at abot ko ang bakal sa likod ko, kahit papaano ay may kinakapitan ako dahil wala man lang sitbelt ang ride. Dito na nagsimulang magasgas ang aking lalamunan. Medyo tumitibok-tibok na rin ang aking sintido.

Sunod naman ay ang wisikan portion, Jungle Log Jam. Tatlo kami sa isang trosong bangka. Masaya kahit nakababasa. Una, mababang bagsakan lang pero pagdating sa ultimate na padulasan ng bangka, para kaming hinuhulog sa talon. Napakataas at napakatarik ng pinagbulusukan mamin. Muling nagsibanatan ang mga bunganga na kuhang-kuha sa mga pictures. Pagbagsak, lahat basa.

Marami-rami na kaming dinaanang pagsubok at pagsasanay. Panahon na upang harapin ang pinakamatinding hamon, ang Space Shuttle! Hindi ko napansing nauna na pala sa pila ang mga kasama ko habang nilalaro ang bote-bote. P50 isang laro, walang free trial. Parang minamani lang ng staff kaya naengganyo akong sumugal para sa premyong giant Bangis stuff toy, wala naman akong napala. Mabalik tayo sa kalawakan. Pagsunod ko sa mga kasama ko sa Space Shuttle, marami ng mga nakapila, tuloy nakasakay na sila. Mag-isa ko nalang sumakay at wala akong katabi sa 2-sitters na pwesto. May libreng photoshoot pa bago umandar. Pakiramdam ko tuloy e huling kuha ko na yun na buhay ako. Habang umaangat ng dahan-dahan ang papatay sa aking rollercoaster, namamalas ko ang kabuuan ng E.K. Natatanaw ko din ang aking mga kasama sa baba na nagchi-cheer sa akin. Saka biglang bumulusok pababa ang ride! Sa sobrang ewan hindi ko nagawang tumili! Tuwing bumabaliktad ang sasakyan, hindi ako pumipikit para maranasann ko ng buong-buo ang pakiramdam ng pinapatay ng walang kalaban-laban. Pag-dating sa dulo ay biglang kakalabog na parang nasiraan ang tren at bahala-kang-bumaba-mag-isa-mo ang labanan. Pero hudyat lamang iyon ng pagbuwelo sa pangalawang pagtatangka sa buhay mo ng patalikod. Oo, dahil literal na paatras ang takbo ng Space Shuttle sa parehong bilis upang ibalik ka sa pinanggalingan mo. Hoooh! Nakakaunat ng buhok ang experience kong iyon.

Pagkatapos non, relax mode muna. Lamon portion naman. Buti nalang at nauna kaming mag-rides bago kumain, kung hindi, kawawa naman ang mga nasa likuran namin sa mga rides dahil maliligo sila ng mga suka kung sakali.

Hindi na kami nag-aksaya ng panahon. Pagkatapos ng kain, sumakay uli kami, pero dahil extended pa rin ang relax mode namin, dun muna kami sa mild rides lang. Realto! 2nd time ko na sa Realto. Noong una kong punta, Happy Feet ang showing, this time, para maiba lang, Happy Feet pa rin. Tagal mag-blockbuster ng show na yun ah, 7 months running! Pero enjoy pa din kahit medyo memorized ko na ang bawat nginig at sway ng mga silya. Hehe!

Lulalan kung lulaan naman ang labanan ng next ride namin. Ang malaking Wheel of Fate! Hindi gaya ng unang sakay ko dito nung Feb, maiksi lang ang pila kaya nakasakay kami agad. Maganda sa itaas dahil kita mo halos ang kabuuan ng Laguna. Abot-tanaw din ang Laguna lake. Hindi na ako sin-lula ng unang sakay ko duon. Sa katunayan nagagawa ko pang tumayo kahit nasa pinakatuktok na kami para magpa-picure habang ang iba naming kasama sa kabila ay parang mga maniking hindi man lang nagkikibuan sa ngatog!

Enough for relax mode! Basaan festival naman ang sunod. Riogrande! Ang pinakana-enjoy ng karamihan! Inasahan ko na ang ride na ito kaya nagbaon ako ng extra-clothes, complete set, pati underware at twalya. Hindi rin ganon kahaba ang pila at medyo mabilis lang naman ang andar ng pila. Bago kami sumakay ay biglang bumuhos ang ulan. Medyo gusto ko ng umatras non dahill ayokong masyadong mabasa kahit pa handa naman ako. Hindi ko inakalang wala lang pala ang basang dulot ng ulan kumpara sa tubig na kayang ibuhos ng ilog mismong kinalulutangan namin.

Sa unang sakay namin ay banatan na naman ng vocal cords ang labanan. Palakasan ng tawa, tili at tuksuhan dahil habang ang ilan ay wisik lang ang inabot, ang iba ay talagang ligo ang kinahinatnan. Dahil hindi nakuntento at nais gumanti ng mga nabasa, pumila uli kami. Ang challenge this time, basain ang mga tuyong bahagi ng mga nauna ng naligo, paliguaan din ang mga nananatiling tuyo, at basain ang water proof kong kingky hair! Pagkatapos nga ng muling paglalayag ay tagumpay ang bawat isa sa plano. Walang naiwang tuyo. Basa lahat kahit loob ng mga sapatos at higit sa lahat, hindi kinayang manatiling tuyo ng aking buhok dahil natapat ako sa falls nung umikot ang salbabida!

Ibang trip naman ang sinubukan namin. Pinasok naming ang bahay-ni-lola sa halagang P50. Sa entrada pa ang ng Horror House ay pirmi na ang tilian dahil sa nakabibiglang loud horror sound effect na nagpaatras sa dalawa naming kasama. Hindi na sila tumuloy haha. Samantalang masnakakatakot pa yung ginawa kong pag-gulat sa mga kasama kong nasa likuran ko nung bigla akong lumabas sa likod ng pinto habang pa-exit sila.

Nag-pahinga lang kami konti sa mga benches. Medyo nagdidilim na noon pero nagsimula na ring pailawan ang buong amusement park. Pagkapahinga at konting lakad-lakad, medyo nagkahiwa-hiwalay na. Pero marami pa rin ang game ituloy ang basaan. Muli kaming pumila sa Riogrande at nagkukulitan sa palutang namin habang kinakabig ito para matapat sa mga malalaking alon at falls ang mga target basain. Hoooh! Ang saya. Kahit pakiramdam ko noon ay lalagnatin na ako sa ginaw at sa pagkabasa ay gusto ko pa ring ulit-ulitin, ganon din ang aking mga kasama. Kaya sa ikaapat na pagkakataon, pumila uli kami at nagpatiagos sa ilog at muling nagsisigawan habang tuluyan ng nagsisiligo ang bawat isa sa mga alon at wisik. Sabon at shampoo nalang ang kulang.

Nagsawa din ang lahat sa kapapasyal, kasasakay at sa hiluhan kaya nagsibihis na kami at nagkitakita upang panoorin ang fireworks display bandang 8:30 pm na sinasabayan pa ng musika bilang tanda ng pagtatapos ng lahat sa araw na iyon!

Babalik uli ako upang subukan naman ang mga hindi ko nasubukan na naenjoy ng iba kong kasama gaya ng go-cart, 4D, at free fall! See yah there! It was a nice team building experience!





Maquoleet-add-comments