Sunday, February 6, 2011
Mali ata... (Day 2)
Share |
Maagang nambulabog ang mga alarming scandal, as in scandalous alarm clocks, ng mga takot maiwanan ng trip nang mga bandang 5am palang ata non. Nung magsitayuan ang mga katabi ko, sinulit ko ang pagkabakante ng malambot na kutson. Humilata ako ng parang wala ng bukas dahil alam ko namang 8am pa ang call time sa next destination namen.
Pagbangon ko, nakaligo na ang karamihan. Bukas na din ang kantin kaya nakipila na ko for my breakfast, nang walang mumog na naganap. Wala naman kasing lababong pwedeng pagmumugan, isa pa busy ang mga banyo. 6am na kasi bumalik ang tubig after nitong magcut-off last night (parang trabahador lang, may pahinga din).
Habang ang sister ko ay umorder pa ng extra rice at ulam, aq naman ay nagpakakuntento na sa 1-rice with jumbo hotdog and fried egg kung kaya naman medyo nawindang lang siya dahil kadalasang nagkukompetensya kami sa patakawan. Hindi kasi maganda ang pakiramdam ko nang umagang iyon. Maliban sa parang lalagnatin ako sa pakiramdam ko, maskekelanganin ko pa kasi atang uminom nalang ng pain-reliever kesa lumamon that time. Isa pa, medyo kagabi pa nag-aalboroto ang aking tiyan. May mali ata sa mga kinain ko, o baka sa tubig siguro. Pagkatapos kong mag-almusal, lalung tumindi ang pagdagundong ng aking sikmura. Gusto na atang lumabas sa outside world ng aking dinadala. Dali-dali kong pinuntirya ang pinakamalapit na banko sentral upang magdeposito ng mamasamasang halaga. Pagkatok ko, patay, busy. Nagpigil ako ng konti, tiis-ganda muli. Paglabas niya, syempre moment ko na. And the rest is history.
Hindi ko natiis ang limahid na nananalaytay sa aking pagkatao paglabas ko ng banko kaya nagshower ako uli, well, after ng shower ko last night. Busy ang banyo sa taas kung san ako naligo kagabi kaya sa parehong bangko ako napilitang maligo. Yun nga lang, pahirapan. Walan kasing sabitan ng mga gamit sa loob non. My nagbabanta pang mitsa sa buhay mo tuwing magbubuhos ka dahil may nakausling electric wire sa bandang sulok. Pagkatapos, kelangan mong taymingang walang tao sa paligid para abutin ang gamit mo sa labas.
Dahil nga checking out na kami sa dorm, we had to make sure that we won't left anything behind. Kaya inimpake ko na ang kumot, twalya, mga labahan, atbp. Double check? Wag na no, anu...kakalkalin ulit lahat ng gamit? Never! Kapagod! We were about to leave nang maisipan kong mag-check ng message sa fone ko... Sa fone ko... Sa... Saan ang fone ko? Putek! Naiwan kong nakacharge sa taas! Muntik na yon... Mabuti pa kahapon nung naiwan ko ang mini-maleta ko with my everything sa buz na umalis para maghatid sa kabilang ibayo, e panatag akong babalik pa iyon.
Second day first destination, Institute of Plants Breeding, or parang ganon. We were discussed about the how-tos of farming, plant breeding, and everything about plants and pests. Teka, may mali ata, IT kaya kami teh! Pero OK naman, kasi kahit papaano, galing kami sa Agricultural College, and we came from the Institute of Engineering where the Agriculture Engineering students are in, too. Medyo iba nga lang destination nila noon, hiwalay muna kami ng landas. Isa pa, may mga natutunan din naman kaming nakakamangha at nakakaenjoy.
Next destination, Gardenia! Kung saan ginagawa ang... Halaman! Ay mali... ang pinakamasarap na tinapay! Eto na so far ang pinakaperfect na pinuntahan namen. Nakakabilib ang paraan ng paggawa nila sa mga gardenia breads. Hindi ginagamitan ng kamay mula mixing of ingredients hanggang packaging. May free gardenia product pa na parang fudgee lang (pasensya naman, makakalimutin lang, di ko maalala yung brand eh, pero masarap in-fairview).
Lunch time na nung matapos kami sa pagliliwaliw sa loob at paligid ng gardenia kaya stopped over kami sa isang mall for lunch. Mukhang patay-gutom ang lahat, este gutom lang ang lahat at gusto nila ng free unlimited rice kaya Mang Inasal ang sinalakay namen. Gaya ng breakfast, habang super rice si atih ko, saba-con-yelo lang ang inorder ko. Although dinagdagan pa niya ng kamote fries ata yun tsaka burger, hindi ko yun kinain dahil muling nagbabadya ang pagsabog ng bulkan ng muli itong mag-alboroto. Mabuti nalang at kahit masikip at maliit ang banyo ng fastfood na yon, hindi ako worried na maapektuhan ang mga nasasakop ng kilometer zone dahil kahit pumutok man ang bulkan ng ubod lakas, sapaw naman ang mala piyestang tambulan ng mga kapatid kong ati-atihan na nagpeperform sa bungad ng kainan. Again, the rest is history.
Gumala pa kami konti para bumili ng droga sa butika, at prutas sa bangketa. Hindi ko namalayang tinitex na pala ko dahil lilipad na ang eroplano AKA buz lang pala.
At ang huli at pinakahihintay ng lahat, tentenenen! Enchanted Kingdom! First time ko sa EK kaya dapat super excited ako. Pero hindi gaano. Dahil i wasn't feeling well, i was really tired, and i didn't expect that we had to fall in very very long line, as in you will fall while waiting in the line... Sa entrance palang yun ah.
Pagdating sa loob, sa wakas, medyo rest muna konti, sa restroom yon syempre. Suki na nga ata ako eh.
Para naman masulit ko ang pasyal ko sa EK, hanap agad kami ng rides. Unang pinagdiskitahan namen ay ang Realto. Infairness sa sign board, "15 minutes from this point", pero sa totoong buhay, mga halos isang oras din ata yung pagpila namen dun. Sulit naman, napasaya ako ng Realto sa hain niya.
Paglabas namen, medyo maambon na ang panahon. Pero nangulit agad akong sumubok pa ng ibang rides. Mahilig ako sa adventure kaya space shuttle ang gusto kong maexperience. Hinanap namen ang entrance ng sasakyang pangkalawakan at natuklasan nga naming marami pala ang nag-aambisyong maging astronaut. Nakapaskil sa karatula ang "1 hour from this point" sa entrada palang yun. Idagdag mu pa ang oras na gugugulin mo kung nasa dulo ka ng pagkahaba-habang pilang, masmabagal pa sa prosisyon ang andar. Kung susukatin mo, halos mula admin ng TCA hanggang gym ang haba ng pila. Awat na, iba nalang.
Naglakwatsa pa kami konti hanggang mapadpad kami sa higanteng gulong. Pareho lang ang karatula pero hindi singhaba. Tyinaga na namen iyon kesa wala. May taga-aliw naman singers na nagsasalitan sa pag-awit habang nagbabalsa kasama ang mga dambuhalang bibi. Medyo nakakainip din dahil ang isang minuto ata ng EK ay katumbas ng 15 minutes sa labas. Pagkatapos naming ugatan sa tagal ng paghihintay, kami na sa wakas ang sunod na lululain ni Wheel of Faith. Kaloka nga dahil sobrang takot ang sis ko tuwing aangat kami kaya umupu sya sa sahig as in sa tapakan ng... (anu pala tawag dun?) tapos yumayakap sya sa haligi sa gitna.
Masaya sa itaas, kita mo ang kabuuan ng EK. Ang mga rides, ang haba ng mga pila, ang dagat ata o lake sa di kalayuan, at ang bundok sa lampas nito. Kumuha ako ng mga retrato mula sa top of the world bilang suvinirs. Tapos, tapos na. Ok lang, walang masyadong X-factor. Kita sa taas na wala masyadong sakay ang logboat kaya dun ang binalak naming sunod na sakyan. Pero pagdating namen sa entrance, putek, lokohan pala ito. "2 hours from this point" ang labanan, at mahaba ang pala ang pila. Wag na lang, try namen sa iba. Kung hindi mahal ang ticket, sobrang haba ng pila, kaya gumala-gala nalang kami at nagpix-pix. Nung magsawa kami, nagpahinga kami saglit bago bumalik sa buz. Kami ang unang nakabalik. Medyo umidlip ako sa long bench habang hinihintay ang lahat nang makalarga na.
OK naman ang pauwi. Pagkaandar na pagkaandar namen, sinimulang na ang movie. Panalo ang part 1 and 2 ng Resident Evil. Medyo nakakairita lang nung simula dahil halos buong disc A ang preview ng mga trailers.
Masaya naman ang byahe pauwi dahil tamang tawanan lang, kwentuhan, okrayan. Maganda ang takbo, malamig ang hangin, mausok ang hangin, panay tambucho kasi ang nguso ng mga bulog sa likod kahit bawal. Pero kung bakit sa hinaba-haba ng byahe nung nakarating pa kami ng Tarlac saka umulan? Syempre basaan festival ito.
Nag-arkila na kami ng trike pauwi. Wisik lang inabot namin dahil selyado naman ang taxi-cle, ngunit subalit datapwat ganoon nalang ininda ng aking resistensya ang sama ng panahong iyon. Nilagnat ako pagkahiga ko sa bed (na natuluan ng ulan dahil butas sa tapat nito). Nanginginig pa ko sa ginaw at medyo mataas ang aking temperatura.
Pagbangon ko kinabukasan, (extended edition ito, Day 3 na dapat ito eh) humupa na ang aking lagnat ng walang anu-ano pero ramdam ko pa din ang sama ng aking katawan. Wala din akong ganang kumain pero alam kong gutom ako. Pumapasok sa isip kong baka naman sinumpa na ako ng mga may galit sa akin kaya ko nararanasan ang mga kamalasang ito. Bintangero lang? Pero naiisip ko ding FedEx delivery lang ito ng Carmi Martin o Karma ko, ambilis eh.
Habang pinipilit kong isikmura ang agahan, isinandal ko ang aking siko sa plantyahang malapit sa lamesa nang biglang "...ahh-ahh-a-raaay!" Sinong mag-aakalang may nakatirik na karayum doon? Tumagos iyon ng mga halos kalahating inch sa balat ko. Manipis lang ang dinali nito pero masakit. Take note, nakatusok ang talim ng karayum sa plantyahan kaya yung bahaging may butas, as in yung may sinulid, ang bumaon sa balat ng siko ko. Exagerated pero totoong buhay na naganap ang mga eksenang ito. Naisip ko, hindi lang basta sumpa ito, KULAM na ata to! Napatunayan kong matindi pala ang kasalanang pinagbabayaran ko. Naku nakakatakot isiping masmalala pa sa karayum ang babaon sa aking katawan sa mga susunod pang mga oras.
Ka-Conekz:
Field trip,
laguna trip,
mali ata,
wrong decision
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
This comment has been removed by the author.
ReplyDelete