Saturday, February 19, 2011

Customer Complain

Share
Excited na dumating yung sis ko. Late na syang umuwi pero ok lang, lagi naman. Pinagmalaki kasi niya yung pina-tarpulin nyang piktyur na pinagkukunan nung photographer sa Tarlac City slash manager din niya sa fastfood.

After ng pagbibida niyang sya ang lumabas na pinakamaganda sa tatlong models na pinagpopows nung fotograper dito sa lugar namen (dahil maganda raw ang view kahit edit-out naman sa printing yung background), kinuwento naman niya ang kaunaunahan sa 4-year career niya sa isang sikat na Filipino fast food chain na ma-customer complain.Tandang tanda ko pa nung pinagmamalaki niya na sya palang ata sa mga co-counter niya ang walang customer complain, until today. Pero sa kaso niya, hindi pa nakarating sa main office.

Ganito kasi yun, last Thursday, naikwento ni sis ko ang isa sa mga hinahawakan niyang big orders since siya na ang na-assign dito. Nagtaka pa nga ako dahil ang order daw nung client is 300 pieces of meal package, na ipapakain lang sa mga nakipaglibing sa nanay niya. Nagtaka ako hindi dahil sa kung anong dahilan e sa sementeryo pa talaga nagpakain kundi, kung may ganoon ba talaga karaming makikipaglibing? Sabihen na nating meron nga, kasi mabuting tao ang sumakabilang buhay at marami syang na-touch na lives at nagsilabasan nga sila nung araw ng libing niya. Pero bakit kinailangan pa niyang magpalipas ng dalawang araw para ireklamo di umano ang kulang sa delivery ng order nila.

Dumating daw yung customer na sobrang galit sa sis ko at sa isa pa niyang ka-teammate dahil kulang nga daw ng 50 meals yung diniliver. Sa sobrang galit niya, iskandalo nang maituturing ang kawalang-pinag-aralang asal niya sa kaingayan sa loob ng fast food kahit pa maraming customers. FYI, may magandang posisyon ang ale sa isang malaking kumpanya ng probinsya.

Hindi man sanay ay buong galang na nagpaliwanag ang sis ko sa customer, likas kasi syang taklesa at mataray gaya ko. Pero hindi nagpatinag ang panindigan ng ale na talagang kulang ng 50 pieces ang order nia at nagpatuloy pa sa katatalak ang bungangerang customer. Sa inis na din ng manager na incharge sa assembling ng order na iyon, buong galang din niyang sinundan ng paghamon ang kanyang mga paliwanag ng demandahan dahil confident naman syang panig sa kanila ang mga ebidensya.

Hindi niya nakwento kung paanong natapos ang hidwaan pero nung makaalis na ang ale, saka niya pinagbubuhos ang mga kinikimkim:

"Paano niya nalamang kulang ng 50 yung orders? Isa-isa ba niyang binilang lahat ng nabigyan? Tsaka bago ko dinistribute yung mga meals, pinakita pa namin sa kanila ang mga boxes at ipinaliwanag ko ng mabuti ang laman non per box, at nag-agree naman sila..." (take note: over 50 ang laman per box para bilangin 1 by 1 bago ipamudmod)

"Lahat ng lumalapit sa amin inaabutan namen. Pati nga ata yung mga tricycle driver at mag-a-ice cream na hindi naman nakipaglibing nabigyan. Sigurado daw siyang wala namang 300 ang umatend e bakit sya umorder ng para sa 300 katao? Paano niya nasabing kulang ang mga nadiliver, may food stab ba tuwing may magke-claim ng meal samen?"

"Kulang nalang sabihen niyang kinain ko yung singkwentang meal eh. Paano niya nabilang lahat ng nakipaglibing? Nagpa-attendance ba sya? Pinagsisigaw pa niyang, ni buto ng chicken hindi man lang siya nakakain! (buto lang pala gusto niya eh) Gusto ko sanang sabihen, Ma'am nanay niyo ho yung nililibing non at nagdadalamhati po kayo, paano niyo hong nabilang ang lahat ng mga kumain? (in the first place, paano niyang maisip kumain? Baka hindi nga kaya nagutom sya after 2 days, kaya non lang sya nag-complain) Itatanong ko sana, ma'am ano hong tawag niyo dun sa binigay ko sa inyong free meal, yung mga naka-styro with 3 burgers? Humingi pa sya ng discount. 3% nga lang dapat ang ibibigay pero sa dami ng free na dinagdag ko baka umabot ng nga ng 5% yun eh. Tapos malaman laman ko, yung kapatid naman pala niya na galing abroad ang nagbayad ng orders, anung pinagpuputok ng buchi niya?"

"Nagkataon na andon yung nanay ng katrabaho ko, e nakipaglibing din sya non. Sabi nga niya, 'Paanong kinulang, e yung iba doble-doble kung mag-uwi. Yung kilala ko nga apat na burgers ang inuwe' (kung pwede lang ipansupalpal yung nanay nung katrabaho niya nung oras na yun, tapos na ang kaso)"

"Nakakahiya lang na isipin na dahil lang hindi sya nakakain kaya siya nagrereklamo! Babalik daw sya bukas..."

2 comments:

  1. Grabe naman yung ale na yun. Pwede naman na daanin sa magandang usapan. Tsk.

    ReplyDelete

Anong say mo?