Saturday, February 19, 2011
Sirang Biyahe
Share |
Recently, palagi nalang may abirya sa mga out-of-town byahe ko.
Kahapon, nasa UP Diliman ulit kami para matulog, este magseminar tungkol sa mga updates mga bagay na may kinalaman s aming kurso, Dreaming, este IT.
Sa aking byahe patungong dorm mula bayan (Camiling) na may mga distansyang 5-7 km, siningil ako ng 40 pesos ng aircon buz samantalang 7 pesos lang naman yon kung ordinary buz o jeep ang sinakyan ko. Habang 25 pesos lang ang siningil saken mula Siesta (Tarlac City) hanggang Paniqui nung pauwi na ako, aircon buz din, na ang distansiya ay halos dumaan ng tatlo o apat na bayan. Ang laki naman ng diperensya! Pag-gabi ba ang byahe, humahaba ang mga kalsada? Lumalaki ba ang sitting capacity ng pasahero? Tumataas ba ang gasolina? O talagang over-priced lang ang night-differential ng mga public transportations?
Syempre, hindi pa ko naka-uwi sa baryo namen sa lagay na yun, dalawang sakayan pa. Pagbaba ko ng Paniqui, mula high-way hanggang Arcade, kung saan aarkila kami ni sis ko ng trike to bario namen, 15 pesos ang singil ng mama na usually 7-10 pesos lang kung umaga ang arangkada. Katumbas na yon ng pamasahe ng isang byahe ko mula bayan hanggang bario namen na dumadaan sa 6-7 baranggays, mahigit sampungbeses ang layo sa distansyang tinakbo ng trike from high-way to Arcade.
Dahil wala ng masasakyang jeep papunta samen sa kalagitnaan na ng gabi, no-choice but arkila kami ng trike. Ang regular na byahe ng trike hanggang samen ay nagkakarga ng 5 pasahero, 15 pesos per head, so 75 pesos lahat ang kikitain ng driver. Pero dahil umiiral ang night-differential, over a hundred pesos na ang singilan. Buti nalang at kilala ni kuya ko yung nag-offer ng ride kaya nagmatigas ang sis ko ng fixed-price walang dagdag, walang bawas 100 pesos lang ang mapapala niya samen. Deal! Larga na.
Pagkaandar palang namen, nagtinginan kami ni sis ko dahil sa hindi kaaya-ayang tunog ng trike. At walang anu-ano'y hindi sumablay ang expektasyon naming ititirik kami ng sasakyang iyon kung saan sa kalagitnaan ng gabi sa ilalim ng buong-buong pagkaliwaliwanag na buwan. BLAGADAG! Napatid ang preno ng trike at pumulupot ang mga bahagi nito sa likurang gulong. Buti nalang at hindi gaanong mabilis ang aming takbo at napahinto kami ng magaan. Sa konting kalikot ng mama, napag-alaman naming makakatakbo pa naman ito, pero maaaring hindi na huminto, or mahirap ihinto kasi nga napatid ang break. Syempre, umandar kami with a Deal or No-deal condition, The Price is Right pa rin ang bayaran. Walang labis, wala ding kulang. Tumataginting na isang daang piso ang napasakamay ng mama kahit kalahati palang ang aming nararating. Hay, byahe...
Napilitan kaming tawagan si bro ko to the rescue para pik-apin kami, kahit pa una na namin siyang sinabihan na kanselado ang sunduan session ng hating-gabing iyon.

Ka-Conekz:
Fare hike,
malas,
over price,
public transportation
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
kuya hindi ka nauubusan ng mgndang kwento d2 sa site m ah. :))so far d ko pa nararanasan yang "night differential" na sinasabi mo.
ReplyDeletethanks sa pagbabasa,,, balik-balik ka lang.... madami pa ko reserba... medyo busy lang, hindi pa makapag-post... thanks glenn...
ReplyDelete