Saturday, February 5, 2011

Mali ata... (Day 1)

Share
Nag-uumpisa pa lang ang araw, mukang hindi na mganda ang naging simula.

Noon pa nasabihan na ako tungkol sa planong kasama ako ng tropang makikingatog sa ginaw ng Baguio. Dahil hindi ko naman talaga inasahan iyon, although gusto ko naman talaga, na-excite ako nang malaman ko ang tungkol dito. Pero may masamang ispirito atang matindi ang insecurity saken at ayaw niyang sapawan ko siya ng rampa sa city of pines, kaya isinabay niya ang field trip sa parehong petsa ng aking nakatakdang rampa. Syempre hindi tagumpay ang plano ng masamang ispiritong yon hanggang hindi niya ko nakukumbinsing talikuran ang mga karampahan ko sa Baguio, kaya ayun, sa Laguna nya ako pinadpad.

Kung lamig lang din naman ang usapan, maginaw din naman ang papuntang Laguna, madaling-araw kasi ang flight (airplane?) tsaka bihira lang ang pag-silip ni reynang araw nung first day of the trip. May time pa nga na medyo showery ang panahon.

Looking back a little bit, lampas pa sa stop-over ng Clark, mas back pa konti,.. konting look back pa, sige pa, atras pa... in short, nung nasa Camiling pa, natuwa naman ako dahil kumpara sa mga nakaraang field trips(slash)seminars na inatendan ko with TCA, eto ang chance na pinaka-bungGAYshoos ang buz, kahit hindi aircon. Yung buz kasi na green ang sinakyan namen. Malambot ang benches, maganda ang look (pwedeng ihelera sa victory liner at fivestar sa mga parking area), may TV, mukang OK ang sound system... Perfect! Pero pag-alis namen ng TCA, teka, may mali ata. Hindi yon ang sinakyan namen, paasa lang pala. Ibang buz pala kasi ang naka-assign samen. OK na din, kc OK naman yung buz, maganda naman ang takbo, may TV (na nagpo-pause ang movie for 15 minutes tuwing tatalbog ang buz) may music naman (na 3 times atang nag-loop yung non-stop mp3 kaya kabisado mo na ang susunod na track, at kelangan pa magparinig ng ilang ulit para magpatugtog tuwing bored na ang lahat), at di man kalambutan ang mga upuan, OK naman, ok naman...

Bago pa kami makalayo, ni hindi pa sumisikat ang reynang araw, tinex ko na yung mga umaasa saken sa taas. Gising na din pala sila non. Akala ko ay OK lang sa kanila ang aking naging desisyon. Pero nang tumawag ang isa sa mga ka-dyosa ay buong panghihimagsik niyang pinagkakana ang, "(galit-galitan akong blah-blah-blah) ...pina-reserve ka namen dito ng bed tsaka food... Bakit ka ganyan...? (Galit na galit akong blah-blah-blah)". Hindi naman ganon kagalit, actualy, pero ramdam ko yun!

Ring-ring! "yung isa pang ka-dyosa itey... Wiz ku na bet ikachi katalak, ever!.." sabeeeh! Pero in tagalog words. Having that as heavy breakfast, nabusog ako ng kulubot sa mukha ng kaaga-aga.

Ok, first destination reached. Ang bahay-bahayan ni Rizal. So far, keri pa naman. Pix-pix, sight-sight. Next destination, underground cemetery. Ewan ko ba kung nalampas kami o humanap lang talaga ng pagbubweltahan yung mga drivers. Pero talagang lumapas na kami sa destination. Next, IRRI. Honestly, tinulugan ko lang yung video presentation kasi it was the same video to what they've shown us way back when I was in first year that we've been here. Not to mention the fact that i stopped for two years. Tagal na non at yun pa din ang material nila. Peace! Mejo na-rearrange naman yung museum pero most of it's contents are the same. Malamang, kasi museum nga, antique ang laman. Although may mga computers din naman.

Frankly, it wasn't as fun as i expected. Siguro dahil hindi lang talaga kasi maganda ang mood ko. But the day isn't over yet. May mga pagsubok pang nakalaan. Maaga kaming natapos sa pamamasyal sa unang araw kaya stop over na sa aming tutuluyan to spend the magdamag, at YMCA-UPLB (tunog maganda no?). Nung una, kala dun lang kami magdidinner. Speaking, dun din kami nag-lunch before going IRRI. Pagkaorder ko ng ulam, dinampot ata nung nauna saken, kaya I had to make another order. This time, iba na ang tinuro ko. Nang magsimula na kong kumana, nagsimula na ding umapoy at umusok ang lahat ng butas saking mukha. Putek, yun na ang pinaka maanghang na ulam na nakain ko sa buong buhay ko. Naisip ko tuloy, "kung sumama ako sa presscon, for sure, catered and well prepared ang aking chibug". May mali ata...

Mabalik tayo, in-fairness sa dinner libre na siya kasi covered na siya sa lodging fee, pati yung breakfast kinabukasan. Inuulit ko, mabalik tayo. Distribution na ng mga rooms. Patay, mali ata. Panay ang reklamo kung "...bakit siya ang kasama sa room, di ba pwedeng si ano? Hindi ko sya close, ayoko, si ano nalang..." And madami pang complains... End-up? Siksikan ang labanan. Buti pa ang sardinas, pag-inalog mo, aalog talaga, my space pa para sa sarsa. Sa room namen, pag-may umihe lunod lahat, walang space kahit sa mga pagitan namen kaya tiyak sa ibabaw nalang pupunta ang wiwi. Pagpasok ko sa kwarto, nakapwesto na ang lahat at himbing na sila sa iisang deretsong posisyon. Isiniksik ko nalang ang patpatin kong katawan sa isang pagitan... Nang patagilid... For about 3 hours, bago ako nakapag-change position. Nawala pa yung kumot ko, (kinabukasan ko nalang nakita uli, nung empake na). Bawal gumalaw, or else lahat damay... Butim nalang at nagsiligo na kami bago natulog. Naisip ko tuloy, kung nasa Baguio siguro ako ngayon, solo ko ang bed. Ako pa ang magpupumilit makisiksik sa iba dahil sa ginaw, hindi para maki-agaw ang kumot...

Tiis ganda nalang, lilipas din to, siguro...

http://maquoleet.blogspot.com

No comments:

Post a Comment

Anong say mo?