Saturday, 19 February 2011

Customer Complain

Share
Excited na dumating yung sis ko. Late na syang umuwi pero ok lang, lagi naman. Pinagmalaki kasi niya yung pina-tarpulin nyang piktyur na pinagkukunan nung photographer sa Tarlac City slash manager din niya sa fastfood.

After ng pagbibida niyang sya ang lumabas na pinakamaganda sa tatlong models na pinagpopows nung fotograper dito sa lugar namen (dahil maganda raw ang view kahit edit-out naman sa printing yung background), kinuwento naman niya ang kaunaunahan sa 4-year career niya sa isang sikat na Filipino fast food chain na ma-customer complain.Tandang tanda ko pa nung pinagmamalaki niya na sya palang ata sa mga co-counter niya ang walang customer complain, until today. Pero sa kaso niya, hindi pa nakarating sa main office.

Ganito kasi yun, last Thursday, naikwento ni sis ko ang isa sa mga hinahawakan niyang big orders since siya na ang na-assign dito. Nagtaka pa nga ako dahil ang order daw nung client is 300 pieces of meal package, na ipapakain lang sa mga nakipaglibing sa nanay niya. Nagtaka ako hindi dahil sa kung anong dahilan e sa sementeryo pa talaga nagpakain kundi, kung may ganoon ba talaga karaming makikipaglibing? Sabihen na nating meron nga, kasi mabuting tao ang sumakabilang buhay at marami syang na-touch na lives at nagsilabasan nga sila nung araw ng libing niya. Pero bakit kinailangan pa niyang magpalipas ng dalawang araw para ireklamo di umano ang kulang sa delivery ng order nila.

Dumating daw yung customer na sobrang galit sa sis ko at sa isa pa niyang ka-teammate dahil kulang nga daw ng 50 meals yung diniliver. Sa sobrang galit niya, iskandalo nang maituturing ang kawalang-pinag-aralang asal niya sa kaingayan sa loob ng fast food kahit pa maraming customers. FYI, may magandang posisyon ang ale sa isang malaking kumpanya ng probinsya.

Hindi man sanay ay buong galang na nagpaliwanag ang sis ko sa customer, likas kasi syang taklesa at mataray gaya ko. Pero hindi nagpatinag ang panindigan ng ale na talagang kulang ng 50 pieces ang order nia at nagpatuloy pa sa katatalak ang bungangerang customer. Sa inis na din ng manager na incharge sa assembling ng order na iyon, buong galang din niyang sinundan ng paghamon ang kanyang mga paliwanag ng demandahan dahil confident naman syang panig sa kanila ang mga ebidensya.

Hindi niya nakwento kung paanong natapos ang hidwaan pero nung makaalis na ang ale, saka niya pinagbubuhos ang mga kinikimkim:

"Paano niya nalamang kulang ng 50 yung orders? Isa-isa ba niyang binilang lahat ng nabigyan? Tsaka bago ko dinistribute yung mga meals, pinakita pa namin sa kanila ang mga boxes at ipinaliwanag ko ng mabuti ang laman non per box, at nag-agree naman sila..." (take note: over 50 ang laman per box para bilangin 1 by 1 bago ipamudmod)

"Lahat ng lumalapit sa amin inaabutan namen. Pati nga ata yung mga tricycle driver at mag-a-ice cream na hindi naman nakipaglibing nabigyan. Sigurado daw siyang wala namang 300 ang umatend e bakit sya umorder ng para sa 300 katao? Paano niya nasabing kulang ang mga nadiliver, may food stab ba tuwing may magke-claim ng meal samen?"

"Kulang nalang sabihen niyang kinain ko yung singkwentang meal eh. Paano niya nabilang lahat ng nakipaglibing? Nagpa-attendance ba sya? Pinagsisigaw pa niyang, ni buto ng chicken hindi man lang siya nakakain! (buto lang pala gusto niya eh) Gusto ko sanang sabihen, Ma'am nanay niyo ho yung nililibing non at nagdadalamhati po kayo, paano niyo hong nabilang ang lahat ng mga kumain? (in the first place, paano niyang maisip kumain? Baka hindi nga kaya nagutom sya after 2 days, kaya non lang sya nag-complain) Itatanong ko sana, ma'am ano hong tawag niyo dun sa binigay ko sa inyong free meal, yung mga naka-styro with 3 burgers? Humingi pa sya ng discount. 3% nga lang dapat ang ibibigay pero sa dami ng free na dinagdag ko baka umabot ng nga ng 5% yun eh. Tapos malaman laman ko, yung kapatid naman pala niya na galing abroad ang nagbayad ng orders, anung pinagpuputok ng buchi niya?"

"Nagkataon na andon yung nanay ng katrabaho ko, e nakipaglibing din sya non. Sabi nga niya, 'Paanong kinulang, e yung iba doble-doble kung mag-uwi. Yung kilala ko nga apat na burgers ang inuwe' (kung pwede lang ipansupalpal yung nanay nung katrabaho niya nung oras na yun, tapos na ang kaso)"

"Nakakahiya lang na isipin na dahil lang hindi sya nakakain kaya siya nagrereklamo! Babalik daw sya bukas..."

Sirang Biyahe

Share
Recently, palagi nalang may abirya sa mga out-of-town byahe ko.
Kahapon, nasa UP Diliman ulit kami para matulog, este magseminar tungkol sa mga updates mga bagay na may kinalaman s aming kurso, Dreaming, este IT.
Sa aking byahe patungong dorm mula bayan (Camiling) na may mga distansyang 5-7 km, siningil ako ng 40 pesos ng aircon buz samantalang 7 pesos lang naman yon kung ordinary buz o jeep ang sinakyan ko. Habang 25 pesos lang ang siningil saken mula Siesta (Tarlac City) hanggang Paniqui nung pauwi na ako, aircon buz din, na ang distansiya ay halos dumaan ng tatlo o apat na bayan. Ang laki naman ng diperensya! Pag-gabi ba ang byahe, humahaba ang mga kalsada? Lumalaki ba ang sitting capacity ng pasahero? Tumataas ba ang gasolina? O talagang over-priced lang ang night-differential ng mga public transportations?
Syempre, hindi pa ko naka-uwi sa baryo namen sa lagay na yun, dalawang sakayan pa. Pagbaba ko ng Paniqui, mula high-way hanggang Arcade, kung saan aarkila kami ni sis ko ng trike to bario namen, 15 pesos ang singil ng mama na usually 7-10 pesos lang kung umaga ang arangkada. Katumbas na yon ng pamasahe ng isang byahe ko mula bayan hanggang bario namen na dumadaan sa 6-7 baranggays, mahigit sampungbeses ang layo sa distansyang tinakbo ng trike from high-way to Arcade.
Dahil wala ng masasakyang jeep papunta samen sa kalagitnaan na ng gabi, no-choice but arkila kami ng trike. Ang regular na byahe ng trike hanggang samen ay nagkakarga ng 5 pasahero, 15 pesos per head, so 75 pesos lahat ang kikitain ng driver. Pero dahil umiiral ang night-differential, over a hundred pesos na ang singilan. Buti nalang at kilala ni kuya ko yung nag-offer ng ride kaya nagmatigas ang sis ko ng fixed-price walang dagdag, walang bawas 100 pesos lang ang mapapala niya samen. Deal! Larga na.
Pagkaandar palang namen, nagtinginan kami ni sis ko dahil sa hindi kaaya-ayang tunog ng trike. At walang anu-ano'y hindi sumablay ang expektasyon naming ititirik kami ng sasakyang iyon kung saan sa kalagitnaan ng gabi sa ilalim ng buong-buong pagkaliwaliwanag na buwan. BLAGADAG! Napatid ang preno ng trike at pumulupot ang mga bahagi nito sa likurang gulong. Buti nalang at hindi gaanong mabilis ang aming takbo at napahinto kami ng magaan. Sa konting kalikot ng mama, napag-alaman naming makakatakbo pa naman ito, pero maaaring hindi na huminto, or mahirap ihinto kasi nga napatid ang break. Syempre, umandar kami with a Deal or No-deal condition, The Price is Right pa rin ang bayaran. Walang labis, wala ding kulang. Tumataginting na isang daang piso ang napasakamay ng mama kahit kalahati palang ang aming nararating. Hay, byahe...
Napilitan kaming tawagan si bro ko to the rescue para pik-apin kami, kahit pa una na namin siyang sinabihan na kanselado ang sunduan session ng hating-gabing iyon.

Sunday, 6 February 2011

Anak ni Willie

Share
"What if anak ako ni Willie?", eto naman ang ideyang namuo sa malikot na pag-iisip ng friend ko ngayon na itago nalang naten sa pangalang "Erica Lee".

Nakakatuwa syang mag-imbemto ng kwento kya hinayaan ko syang mag-ambisyusa habang nagpipigil ako ng tawa.

Tuloy ang kwento:
...Ano kaya kung biglang natuklasan ni Willie (Revilliame) na may anak sya sa labas. Tapos nung pinahanap niya, ako pala ang totoong iridera niya. Syempre teh, sa una, mag-iinarte ako.

"Pano mo nagawa saken to, daddy? (taray, daddy agad)... Dahil sayo naghirap ako ng dalawamput dalawang taon..." medyo mangiyakngiyak pa ang tono niya.

Tapos sasabihen daw ni Willie, "Ano bang gusto mo anak? Ipapaluto naten sa katulong..."

"Daddy, OK na po saken ang tuyo, sanay naman po ako e."

Pero pag-alis ni Willie, "Inday! Ipagluto mo ko ng bacon! Gusto ko din ng letson... Yung juice yaya dalian mo... Inday, ang daming langaw, bugawin mo... Ihanda mo ang pool, magsuswiming ako pagkatapos kumain... Huwag na huwag kayong magsusumbong kay daddy kung ayaw niyong ipasesante ko kayo!"

Hal-la!

Mali ata... (Day 2)

Share
Maagang nambulabog ang mga alarming scandal, as in scandalous alarm clocks, ng mga takot maiwanan ng trip nang mga bandang 5am palang ata non. Nung magsitayuan ang mga katabi ko, sinulit ko ang pagkabakante ng malambot na kutson. Humilata ako ng parang wala ng bukas dahil alam ko namang 8am pa ang call time sa next destination namen.

Pagbangon ko, nakaligo na ang karamihan. Bukas na din ang kantin kaya nakipila na ko for my breakfast, nang walang mumog na naganap. Wala naman kasing lababong pwedeng pagmumugan, isa pa busy ang mga banyo. 6am na kasi bumalik ang tubig after nitong magcut-off last night (parang trabahador lang, may pahinga din).

Habang ang sister ko ay umorder pa ng extra rice at ulam, aq naman ay nagpakakuntento na sa 1-rice with jumbo hotdog and fried egg kung kaya naman medyo nawindang lang siya dahil kadalasang nagkukompetensya kami sa patakawan. Hindi kasi maganda ang pakiramdam ko nang umagang iyon. Maliban sa parang lalagnatin ako sa pakiramdam ko, maskekelanganin ko pa kasi atang uminom nalang ng pain-reliever kesa lumamon that time. Isa pa, medyo kagabi pa nag-aalboroto ang aking tiyan. May mali ata sa mga kinain ko, o baka sa tubig siguro. Pagkatapos kong mag-almusal, lalung tumindi ang pagdagundong ng aking sikmura. Gusto na atang lumabas sa outside world ng aking dinadala. Dali-dali kong pinuntirya ang pinakamalapit na banko sentral upang magdeposito ng mamasamasang halaga. Pagkatok ko, patay, busy. Nagpigil ako ng konti, tiis-ganda muli. Paglabas niya, syempre moment ko na. And the rest is history.

Hindi ko natiis ang limahid na nananalaytay sa aking pagkatao paglabas ko ng banko kaya nagshower ako uli, well, after ng shower ko last night. Busy ang banyo sa taas kung san ako naligo kagabi kaya sa parehong bangko ako napilitang maligo. Yun nga lang, pahirapan. Walan kasing sabitan ng mga gamit sa loob non. My nagbabanta pang mitsa sa buhay mo tuwing magbubuhos ka dahil may nakausling electric wire sa bandang sulok. Pagkatapos, kelangan mong taymingang walang tao sa paligid para abutin ang gamit mo sa labas.

Dahil nga checking out na kami sa dorm, we had to make sure that we won't left anything behind. Kaya inimpake ko na ang kumot, twalya, mga labahan, atbp. Double check? Wag na no, anu...kakalkalin ulit lahat ng gamit? Never! Kapagod! We were about to leave nang maisipan kong mag-check ng message sa fone ko... Sa fone ko... Sa... Saan ang fone ko? Putek! Naiwan kong nakacharge sa taas! Muntik na yon... Mabuti pa kahapon nung naiwan ko ang mini-maleta ko with my everything sa buz na umalis para maghatid sa kabilang ibayo, e panatag akong babalik pa iyon.

Second day first destination, Institute of Plants Breeding, or parang ganon. We were discussed about the how-tos of farming, plant breeding, and everything about plants and pests. Teka, may mali ata, IT kaya kami teh! Pero OK naman, kasi kahit papaano, galing kami sa Agricultural College, and we came from the Institute of Engineering where the Agriculture Engineering students are in, too. Medyo iba nga lang destination nila noon, hiwalay muna kami ng landas. Isa pa, may mga natutunan din naman kaming nakakamangha at nakakaenjoy.

Next destination, Gardenia! Kung saan ginagawa ang... Halaman! Ay mali... ang pinakamasarap na tinapay! Eto na so far ang pinakaperfect na pinuntahan namen. Nakakabilib ang paraan ng paggawa nila sa mga gardenia breads. Hindi ginagamitan ng kamay mula mixing of ingredients hanggang packaging. May free gardenia product pa na parang fudgee lang (pasensya naman, makakalimutin lang, di ko maalala yung brand eh, pero masarap in-fairview).

Lunch time na nung matapos kami sa pagliliwaliw sa loob at paligid ng gardenia kaya stopped over kami sa isang mall for lunch. Mukhang patay-gutom ang lahat, este gutom lang ang lahat at gusto nila ng free unlimited rice kaya Mang Inasal ang sinalakay namen. Gaya ng breakfast, habang super rice si atih ko, saba-con-yelo lang ang inorder ko. Although dinagdagan pa niya ng kamote fries ata yun tsaka burger, hindi ko yun kinain dahil muling nagbabadya ang pagsabog ng bulkan ng muli itong mag-alboroto. Mabuti nalang at kahit masikip at maliit ang banyo ng fastfood na yon, hindi ako worried na maapektuhan ang mga nasasakop ng kilometer zone dahil kahit pumutok man ang bulkan ng ubod lakas, sapaw naman ang mala piyestang tambulan ng mga kapatid kong ati-atihan na nagpeperform sa bungad ng kainan. Again, the rest is history.

Gumala pa kami konti para bumili ng droga sa butika, at prutas sa bangketa. Hindi ko namalayang tinitex na pala ko dahil lilipad na ang eroplano AKA buz lang pala.

At ang huli at pinakahihintay ng lahat, tentenenen! Enchanted Kingdom! First time ko sa EK kaya dapat super excited ako. Pero hindi gaano. Dahil i wasn't feeling well, i was really tired, and i didn't expect that we had to fall in very very long line, as in you will fall while waiting in the line... Sa entrance palang yun ah.

Pagdating sa loob, sa wakas, medyo rest muna konti, sa restroom yon syempre. Suki na nga ata ako eh.

Para naman masulit ko ang pasyal ko sa EK, hanap agad kami ng rides. Unang pinagdiskitahan namen ay ang Realto. Infairness sa sign board, "15 minutes from this point", pero sa totoong buhay, mga halos isang oras din ata yung pagpila namen dun. Sulit naman, napasaya ako ng Realto sa hain niya.

Paglabas namen, medyo maambon na ang panahon. Pero nangulit agad akong sumubok pa ng ibang rides. Mahilig ako sa adventure kaya space shuttle ang gusto kong maexperience. Hinanap namen ang entrance ng sasakyang pangkalawakan at natuklasan nga naming marami pala ang nag-aambisyong maging astronaut. Nakapaskil sa karatula ang "1 hour from this point" sa entrada palang yun. Idagdag mu pa ang oras na gugugulin mo kung nasa dulo ka ng pagkahaba-habang pilang, masmabagal pa sa prosisyon ang andar. Kung susukatin mo, halos mula admin ng TCA hanggang gym ang haba ng pila. Awat na, iba nalang.

Naglakwatsa pa kami konti hanggang mapadpad kami sa higanteng gulong. Pareho lang ang karatula pero hindi singhaba. Tyinaga na namen iyon kesa wala. May taga-aliw naman singers na nagsasalitan sa pag-awit habang nagbabalsa kasama ang mga dambuhalang bibi. Medyo nakakainip din dahil ang isang minuto ata ng EK ay katumbas ng 15 minutes sa labas. Pagkatapos naming ugatan sa tagal ng paghihintay, kami na sa wakas ang sunod na lululain ni Wheel of Faith. Kaloka nga dahil sobrang takot ang sis ko tuwing aangat kami kaya umupu sya sa sahig as in sa tapakan ng... (anu pala tawag dun?) tapos yumayakap sya sa haligi sa gitna.

Masaya sa itaas, kita mo ang kabuuan ng EK. Ang mga rides, ang haba ng mga pila, ang dagat ata o lake sa di kalayuan, at ang bundok sa lampas nito. Kumuha ako ng mga retrato mula sa top of the world bilang suvinirs. Tapos, tapos na. Ok lang, walang masyadong X-factor. Kita sa taas na wala masyadong sakay ang logboat kaya dun ang binalak naming sunod na sakyan. Pero pagdating namen sa entrance, putek, lokohan pala ito. "2 hours from this point" ang labanan, at mahaba ang pala ang pila. Wag na lang, try namen sa iba. Kung hindi mahal ang ticket, sobrang haba ng pila, kaya gumala-gala nalang kami at nagpix-pix. Nung magsawa kami, nagpahinga kami saglit bago bumalik sa buz. Kami ang unang nakabalik. Medyo umidlip ako sa long bench habang hinihintay ang lahat nang makalarga na.

OK naman ang pauwi. Pagkaandar na pagkaandar namen, sinimulang na ang movie. Panalo ang part 1 and 2 ng Resident Evil. Medyo nakakairita lang nung simula dahil halos buong disc A ang preview ng mga trailers.

Masaya naman ang byahe pauwi dahil tamang tawanan lang, kwentuhan, okrayan. Maganda ang takbo, malamig ang hangin, mausok ang hangin, panay tambucho kasi ang nguso ng mga bulog sa likod kahit bawal. Pero kung bakit sa hinaba-haba ng byahe nung nakarating pa kami ng Tarlac saka umulan? Syempre basaan festival ito.

Nag-arkila na kami ng trike pauwi. Wisik lang inabot namin dahil selyado naman ang taxi-cle, ngunit subalit datapwat ganoon nalang ininda ng aking resistensya ang sama ng panahong iyon. Nilagnat ako pagkahiga ko sa bed (na natuluan ng ulan dahil butas sa tapat nito). Nanginginig pa ko sa ginaw at medyo mataas ang aking temperatura.

Pagbangon ko kinabukasan, (extended edition ito, Day 3 na dapat ito eh) humupa na ang aking lagnat ng walang anu-ano pero ramdam ko pa din ang sama ng aking katawan. Wala din akong ganang kumain pero alam kong gutom ako. Pumapasok sa isip kong baka naman sinumpa na ako ng mga may galit sa akin kaya ko nararanasan ang mga kamalasang ito. Bintangero lang? Pero naiisip ko ding FedEx delivery lang ito ng Carmi Martin o Karma ko, ambilis eh.

Habang pinipilit kong isikmura ang agahan, isinandal ko ang aking siko sa plantyahang malapit sa lamesa nang biglang "...ahh-ahh-a-raaay!" Sinong mag-aakalang may nakatirik na karayum doon? Tumagos iyon ng mga halos kalahating inch sa balat ko. Manipis lang ang dinali nito pero masakit. Take note, nakatusok ang talim ng karayum sa plantyahan kaya yung bahaging may butas, as in yung may sinulid, ang bumaon sa balat ng siko ko. Exagerated pero totoong buhay na naganap ang mga eksenang ito. Naisip ko, hindi lang basta sumpa ito, KULAM na ata to! Napatunayan kong matindi pala ang kasalanang pinagbabayaran ko. Naku nakakatakot isiping masmalala pa sa karayum ang babaon sa aking katawan sa mga susunod pang mga oras.

Saturday, 5 February 2011

Mali ata... (Day 1)

Share
Nag-uumpisa pa lang ang araw, mukang hindi na mganda ang naging simula.

Noon pa nasabihan na ako tungkol sa planong kasama ako ng tropang makikingatog sa ginaw ng Baguio. Dahil hindi ko naman talaga inasahan iyon, although gusto ko naman talaga, na-excite ako nang malaman ko ang tungkol dito. Pero may masamang ispirito atang matindi ang insecurity saken at ayaw niyang sapawan ko siya ng rampa sa city of pines, kaya isinabay niya ang field trip sa parehong petsa ng aking nakatakdang rampa. Syempre hindi tagumpay ang plano ng masamang ispiritong yon hanggang hindi niya ko nakukumbinsing talikuran ang mga karampahan ko sa Baguio, kaya ayun, sa Laguna nya ako pinadpad.

Kung lamig lang din naman ang usapan, maginaw din naman ang papuntang Laguna, madaling-araw kasi ang flight (airplane?) tsaka bihira lang ang pag-silip ni reynang araw nung first day of the trip. May time pa nga na medyo showery ang panahon.

Looking back a little bit, lampas pa sa stop-over ng Clark, mas back pa konti,.. konting look back pa, sige pa, atras pa... in short, nung nasa Camiling pa, natuwa naman ako dahil kumpara sa mga nakaraang field trips(slash)seminars na inatendan ko with TCA, eto ang chance na pinaka-bungGAYshoos ang buz, kahit hindi aircon. Yung buz kasi na green ang sinakyan namen. Malambot ang benches, maganda ang look (pwedeng ihelera sa victory liner at fivestar sa mga parking area), may TV, mukang OK ang sound system... Perfect! Pero pag-alis namen ng TCA, teka, may mali ata. Hindi yon ang sinakyan namen, paasa lang pala. Ibang buz pala kasi ang naka-assign samen. OK na din, kc OK naman yung buz, maganda naman ang takbo, may TV (na nagpo-pause ang movie for 15 minutes tuwing tatalbog ang buz) may music naman (na 3 times atang nag-loop yung non-stop mp3 kaya kabisado mo na ang susunod na track, at kelangan pa magparinig ng ilang ulit para magpatugtog tuwing bored na ang lahat), at di man kalambutan ang mga upuan, OK naman, ok naman...

Bago pa kami makalayo, ni hindi pa sumisikat ang reynang araw, tinex ko na yung mga umaasa saken sa taas. Gising na din pala sila non. Akala ko ay OK lang sa kanila ang aking naging desisyon. Pero nang tumawag ang isa sa mga ka-dyosa ay buong panghihimagsik niyang pinagkakana ang, "(galit-galitan akong blah-blah-blah) ...pina-reserve ka namen dito ng bed tsaka food... Bakit ka ganyan...? (Galit na galit akong blah-blah-blah)". Hindi naman ganon kagalit, actualy, pero ramdam ko yun!

Ring-ring! "yung isa pang ka-dyosa itey... Wiz ku na bet ikachi katalak, ever!.." sabeeeh! Pero in tagalog words. Having that as heavy breakfast, nabusog ako ng kulubot sa mukha ng kaaga-aga.

Ok, first destination reached. Ang bahay-bahayan ni Rizal. So far, keri pa naman. Pix-pix, sight-sight. Next destination, underground cemetery. Ewan ko ba kung nalampas kami o humanap lang talaga ng pagbubweltahan yung mga drivers. Pero talagang lumapas na kami sa destination. Next, IRRI. Honestly, tinulugan ko lang yung video presentation kasi it was the same video to what they've shown us way back when I was in first year that we've been here. Not to mention the fact that i stopped for two years. Tagal na non at yun pa din ang material nila. Peace! Mejo na-rearrange naman yung museum pero most of it's contents are the same. Malamang, kasi museum nga, antique ang laman. Although may mga computers din naman.

Frankly, it wasn't as fun as i expected. Siguro dahil hindi lang talaga kasi maganda ang mood ko. But the day isn't over yet. May mga pagsubok pang nakalaan. Maaga kaming natapos sa pamamasyal sa unang araw kaya stop over na sa aming tutuluyan to spend the magdamag, at YMCA-UPLB (tunog maganda no?). Nung una, kala dun lang kami magdidinner. Speaking, dun din kami nag-lunch before going IRRI. Pagkaorder ko ng ulam, dinampot ata nung nauna saken, kaya I had to make another order. This time, iba na ang tinuro ko. Nang magsimula na kong kumana, nagsimula na ding umapoy at umusok ang lahat ng butas saking mukha. Putek, yun na ang pinaka maanghang na ulam na nakain ko sa buong buhay ko. Naisip ko tuloy, "kung sumama ako sa presscon, for sure, catered and well prepared ang aking chibug". May mali ata...

Mabalik tayo, in-fairness sa dinner libre na siya kasi covered na siya sa lodging fee, pati yung breakfast kinabukasan. Inuulit ko, mabalik tayo. Distribution na ng mga rooms. Patay, mali ata. Panay ang reklamo kung "...bakit siya ang kasama sa room, di ba pwedeng si ano? Hindi ko sya close, ayoko, si ano nalang..." And madami pang complains... End-up? Siksikan ang labanan. Buti pa ang sardinas, pag-inalog mo, aalog talaga, my space pa para sa sarsa. Sa room namen, pag-may umihe lunod lahat, walang space kahit sa mga pagitan namen kaya tiyak sa ibabaw nalang pupunta ang wiwi. Pagpasok ko sa kwarto, nakapwesto na ang lahat at himbing na sila sa iisang deretsong posisyon. Isiniksik ko nalang ang patpatin kong katawan sa isang pagitan... Nang patagilid... For about 3 hours, bago ako nakapag-change position. Nawala pa yung kumot ko, (kinabukasan ko nalang nakita uli, nung empake na). Bawal gumalaw, or else lahat damay... Butim nalang at nagsiligo na kami bago natulog. Naisip ko tuloy, kung nasa Baguio siguro ako ngayon, solo ko ang bed. Ako pa ang magpupumilit makisiksik sa iba dahil sa ginaw, hindi para maki-agaw ang kumot...

Tiis ganda nalang, lilipas din to, siguro...

http://maquoleet.blogspot.com